AKHIRO: NAIINIP na ako at 'di mapakali sa kinauupuan. Hindi kasi ako pinapayagan ng mga pinsan ko maging nila Tatay na umalis na kahit mag-aalauna na ng umaga. Ramdam ko na ngang tinatamaan na ako sa panay tagay nila sa akin. Tinitikman-tikman ko lang at pasimpleng tinatapon kapag walang nakatingin. Wala akong planong maglasing! First night namin ni Moi kaya hindi pwedeng hindi ako makapag-take ng exam ngayon. Sisiguraduhin kong makaka-perfect score ako kay misis ng masundan na ang anak namin. "Your turn, dude." "Hmm?" Napalingon ako kay Claude na muling nagsalin ng lambanog sa baso ko. Ngingisi-ngisi pa ang mga itong halatang nababasa ang nasa isip ko kaya panay ang tagay sa akin. Napapamura na lamang ako sa isip-isip ko ng punuin nito ang baso ko. Walang kakurap-kurap pa silang n

