MOIRA:
MAAGA kong tinapos ang mga iniuwi kong trabaho para makalaro na muna ang baby kong kanina pa nagpapakarga sa akin. Pero dahil may mga report akong tinatapos itipa sa laptop ko para mai-email sa mga new investor ng poging tukmol kong boss? Kailangan kong tapusin ng wala itong masabi.
Sayang naman kung ma-bad-shot ako dito. Mukhang malapit ko pa naman ng mahuli ang kiliti nito. Konting-konti na lang at mapapaamo ko rin siya. Sayang din naman kasi ang 50k na sahod ko sa kanya monthly. Malaking bagay na iyon para sa pangangailangan ni baby at paunti-unti ay makakaipon ako ng pang-future nito.
"Kumusta ang baby ko? Come to Mama na, anak," pagkausap ko sa anak kong agad nag-angat ng mga braso.
Napangiti na lamang ako na matyagang naghintay ito sa akin sa crib nito dito sa may sala katabi ako.
"Mammaa. Mammaa."
Napangiti ako sa muling pagbigkas nito ng katagang Mama ng paulit-ulit. Parang hinahaplos niya ang puso ko sa tuwing binabanggit ang salitang mama.
"Ang galing naman ng baby kong 'yan. Alam na alam kung sino ang Mama," pagkausap ko dito na parang naiintindihan naman akong nakangiting nakatitig sa akin.
Nangilid ang luha kong matamang itong tinitigan. Napaka-cute niya. Ngayon pa lang ay nakikinita ko ng lalaki siyang gwapong bata.
Pero napalis ang ngiti ko na ma-imagine ang itsura nito kapag nagbinata na at. . . lumitaw sa isip ko ang mukha ni boss tukmol!
Napailing-iling ako para iwaksi ang naiisip kong 'yon. Napatitig ako sa mga mata ng anak ko at. . . lumakas ang kabog ng dibdib ko! Bakit naman kasi kapareho ng mga mata ng Mikmik ko ang mga mata ng tukmol na 'yon!? Parehong chinito na kulay abo at malalantik ang pilikmata!
Pagak akong natawa at hinaplos sa ulo ang anak kong nakikipagtitigan pa rin sa akin. Parang nakikita ko tuloy ang mukha ng bwisit na Akhiro Montereal na 'yon sa mukha ng anak ko na parang. . . nahahawig!
"Nahihibang ka na, Moi. Napaka-imposible na siya ang ama ng anak mo. Nangangarap ka ng gising! Marami talagang magkakamukha na hindi magkaanu-ano. Nakakahiya kay boss. Baka isipin pa niyang naghahabol ka para ipaako mo ang anak mo sa kanya," parang hibang pagkausap ko sa sarili na nakamata sa anak kong akala mo nama'y naiintindihan ang sinasabi ko.
MAAGA pa lang ay gumayak na ako para hindi abutin ng traffic sa daan lalo na at sa jeep ako sasakay muli para tipid din sa pamasahe. Halos thirty minutes din ang binyahe ko dahil panay ang hinto ng jeep na sinakyan ko para magsakay pa ng ibang pasahero.
Napahinga ako ng malalim bago pumasok ng building kung saan ako nagtatrabaho. Napangiti agad ang dalawang guard dito na makita ako at pinagbuksan ng double door na yari sa makapal na tinted mirror.
"Good morning, mga Kuyang pogi!" masiglang bati ko na may matamis na ngiti.
Pinamulaan pa ang mga ito sa pagbati at compliment ko.
"Good morning, Ma'am ganda!"
"Good morning too, Ms beautiful and sexy secretary, Moi!"
Lumapad lalo ang pagkakangiti ko sa pagbati at pang-uuto nila sa akin pabalik. Tinapik ko pa sila sa balikat bago naglakad ng lobby at binabati lahat ng nandidito gano'n din naman ang mga ito sa akin. Mukhang nasasanay na nga sila sa kakulitan ko at pagka-friendly sa lahat na parang hindi nauubusan ng energy at good vibes sa katawan!
Tama nga si Ms Divina. Mababait lahat ng empleyado dito, maliban kay poging tukmol Akhiro na may pagka-bipolar ang katauhan. Minsan may sapi ng mabait na anghel pero madalas arogante, suplado, seryoso, salubong ang mga kilay at nakabusangot na hindi naman kabawasan sa kagwapuhan niyang taglay. Lalo pa nga lumalakas ang datingan niya kapag pokerface lang ito.
Pagkaupo ko pa lang ng cubicle ko ay tumunog na ang intercom ko.
"Coffee," ani ng baritonong boses.
Inayos ko na muna ang pagkakapusod ng buhok ko, maging pagka-tuck-in ng blouse ko sa pencil skirt ko ay inayos ko na muna at ilang beses napatikhim para humugot ng energy bago kumatok sa double door nito ng tatlong beses.
"Come in."
Pinihit ko na ang pinto at inihanda ang matamis kong ngiti para mahawaan naman ng positive vibes si poging tukmol.
"Good morning, Sir!" masiglang bati ko dito.
Pero napalis lang ang ngiti ko na 'di manlang ito nag-angat ng mukha mula sa pagkakayuko nito sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa.
"Sinumpong na naman ang tukmol," bubulong-bulong ismid ko.
Nagtungo ako ng pantry para gawan ito ng black coffee na gustong-gusto nito pero 'di naman ma-appreciate ang gawa ko. Ni wala ngang, thanks Moi o kahit simpleng thanks o ngiti manlang, tsk.
"Here's your coffee, boss."
Maingat kong inilapag ang kape nito. Napatukod ako ng kamay sa gilid ng lamesa nito na matamang nakatunghay ditong busy pa rin sa binabasa habang pinapaikot-ikot sa daliri ang hawak na pen.
"What?" kunotnoong napatingala ito sa pananatili ko pa rin sa harapan nito.
Napangiti akong ikinatigil nito. Bahagya akong yumuko at lakas-loob hinilot ang salubong kilay nitong ikinanigas at pula ng pisngi nito. . . wait nag-blush siya? Aba!? May pakiramdam pala ang tukmol na 'to eh!
"Smile, boss. Lalo kang nagmumukhang Tatang sa palaging pagkakakunot ng noo mo eh," masiglang saad kong ikinanganga nito.
Napahagikhik akong pumisil sa baba nito at isinara ang bibig.
"Pasukin ng langaw, boss. Alam ko namang nakakatanga ang ganda ko eh!" pagpapa-cute ko pa dito na pinalambing ang boses.
Nagpakurap-kurap ako dito na may matamis na ngiting lalong ikinatanga nito sa akin!
"What the fvck, Moi!"
Napapikit ako sa singhal nito ng matauhan. Tumilamsik pa sa mukha ko ang mabining shower mula dito. Napapahid ako ng ilong na ikinapula nito at napatikom ng bibig ng ma-realize na natilamsikan ako ng laway nito.
"Mabuti na lang mabango ang laway mo, boss. Mukhang pati laway mo ay pogi rin. Hindi napapanis sa loob ng bibig mo, hmmm!"
Namula ito nang inamoy ko pa ang palad kong ipinampahid ko sa tongki ng ilong kong kinatalsikan ng laway nito sa pagsinghal sa akin.
"Damn, Moi! You're a death of me, young lady! Get out!" bulyaw pa nito na idinuro ang pinto.
"Eto na, boss. May regla ka ba? Ang init na naman ng ulo mo eh," natatawang saad ko.
Nagpamewang naman itong pinasingkit pa lalo ang chinitong mga mata na napapailing sa aking tila hindi makapaniwalang nakakangiti pa rin ako dito. Na hindi natatakot kahit para na siyang leon na mananakmal ng daga!
Ay bakit naman sa daga ko naikumpara ang sarili?! Kuneho na lang mas cute 'yon! Tama, kuneho na lang!
"I can't believe this!?"
'Di makapaniwalang bulalas nito na napapahilot ng sentidong mukha ngang hindi na natutuwa sa akin. Napangiti lang naman ako na ikinatanga nitong muli.
"Bakit, boss? May gusto ka ba sa akin? Kaya siguro mainit lagi ang ulo mo sa akin, noh? Sabi kasi nila. . . the more you hate. . . the more you love daw eh," nakangising pang-aasar ko.
Namutla itong napakurap-kurap at 'di makapaniwalang natatawa at iling sa aking matamis lang na ngumiti dito.
"Bingo! See? Ang talino ko, noh? Nabisto agad kita, boss! Nako paano ba 'yan? Kahit naman kasi saksakan ka ng kagwapuhan at kakisigan ay. . . hindi kita type, boss. Sorry, huh? Binabasted na kita. Isa pa masyado ka ng matanda para sa akin eh. Magmumukha tayong mag-ama pag magdi-date tayo," malambing saad ko na napapabungisngis.
Pagak itong natawa na pinamumulaan at nagpapantig ang panga. 'Yong uri ng tawa na hindi na natutuwa kundi. . . maniniris na sa sobrang pagkairita.
"Get. Out. Moi. Madadali ka sa akin! Namumuro ka ng tinatawag-tawag akong matanda, huh?!" may kadiinang singhal nito na nanlilisik na ang mga mata.
Napangiwi akong napa-piece sign dito at paatras na naglakad palabas ng opisina nito. Matalim pa rin ang ginagawad nitong tingin sa akin.
"Boss?" pagtawag ko nang akmang uupo na ito.
"What?!" inis nitong sagot na pabalang naupo at 'di napansing nakaikot ang swivel chair.
Napahagalpak ako ng tawa na ang sahig ang sumalo sa matambok nitong pang-upo na ikinadaing at sunod-sunod na mura nitong nakasalampak pa rin!
"Goddamn' it, Moi! What are you laughing for!? Help me!" bulyaw pa nito.
Nataranta naman akong tinakbo itong dinaluhang makatayo. Napasapo ito sa pang-upo na mukhang masama ang pagkabagsak sa sahig. Naawa naman ako. Pero nabitawan ko ito kaya muling napasalampak ng sahig dahil sa napakasama ng tingin nitong tila kasalanan ko pa na nahulog ito sahig!
"Urgghh! Fvck! My butt!" hiyaw nitong ikinaalarma ko.
Akmang tutulungan ko itong makatayo ng samaan ako lalo ng tingin kaya napaatras akong napapalunok.
"M-Masakit po ba, boss?"
"Fvck you!"
"Ay! Grabe ka naman, boss. G-ganyan ba katindi ng sama ng loob mong. . . binasted kita? Sorry na po, boss. Hindi naman kasi kita type at ayo'kong umasa ka sa akin. Lalo na't araw-araw tayong magkasama at inaasikaso kita. Baka lalo ka lang ma-fall sa akin at sa bandang huli. . . sasabihan mo akong paasa, pa-fall, ganern," pagpapaliwanag ko.
Tumayo na itong himas pa rin ang maumbok na pang-upo na ikinangiti ko.
"And you think there's a possibility na magugustuhan kitang kutong-lupa ka, huh?!"
Napakurap-kurap ako sa itinawag nito sa akin na parang sa isang madungis na hayop inihambing!
"Grabe ka namang makalait. Binasted ka lang eh. Ang sama nito. Piece na tayo, boss. Anong magagawa eh. . . hindi talaga kita type, boss."
"Goddamn' it! Labas!" bulyaw nito na halos pumutok na ang mga ugat sa leeg sa sobrang galit.
Namumula na rin ang mukha at mga mata! Highblood na highblood na ang poging tukmol. Ay shemay ko po!
"Kita mo 'to. Ang sama talaga ng ugali. Tinawag-tawag mo ako tapos palalayasin mo lang ding parang aso!" pagdadabog kong inirapan itong naniningkit na ang mga mata habang nakapamewang sa akin.
Ang sarap niyang asarin. Makabawi-bawi manlang ako sa kasungitan nito. Napapihit akong muli ng nasa may pinto na ako.
"Ahm, boss?"
Napaangat ito ng mukha na salubong na ulit ang mga kilay.
"Yong kape mo. Lalamig na 'yan," nguso ko sa kape nitong nasa lamesa na mukhang nakalimutan na.
Mariin itong napapikit na napahilot ng sentido.
"Get out, kutong-lupa. Baka ihagis na kita palabas ng kumpanya ko!"
"Smile, boss. Ang wrinkles. . . dumarami!" hirit ko pa.
"Fvck! Matitiris na kita, Moi! Inuubos mo ang pasensiya ko!"
"Hala!? May pasensiya ka pala, boss?! Saan banda?" takang tanong ko.
Napahampas ito sa mesa na nakatayo kaya naalarma akong lumabas dahil mukhang mangtitiris na nga siya!
Napabuga ako ng hangin na nangingiting napahawak sa tapat ng dibdib kong kay lakas na pala ng pagkabog! Naiiling akong nakabawi ako sa tukmol kong amo.
Tulala akong nagtungo sa cubicle ko at parang timang nangingiti na iniisip ang mukha ni boss tukmol na umuusok sa tindi ng galit.
"Hmm. . . galit na galit ang tukmol. In fairness. . . ang gwapo niya pa rin kahit galit na galit. Urgh! Ang sarap naman niyang galitin."