AKHIRO: TAGAKTAK ang pawis namin ni Dos habang pinapanood kami ni Tatay na nag-aararo dito sa sakahan nila. Pambihira, hinang-hina pa naman ako sa pambubugbog niya pero 'di bale na. Ang mahalaga ay masuyo ko ito at maibalik muli ang masayang samahan namin lalo na ang tiwala nila sa akin. "Urgh! Fvck!" Mahina akong natawa ng madapa si Dos sa putikan dahil sa pagtakbo ng kalabaw. Paluin ba naman sa pwetan. "Langhiya naman oh, dapat pala hindi na ako sumama," mahinang reklamo nito. Pinapanood kasi kami ni Tatay Greg na nakalilim sa mababang mangga dito sa gilid ng lupaing pinapabungkal sa amin. Gamit ang araro na nakakabit sa kalabaw na tag-isa kami ni Dos. "Pasensiya ka na, pero salamat kahit paano'y hindi ako nag-iisang ligawan si Tatay. Buti nga siya lang ang galit hindi silang buo

