Napabuntong-hininga na lamang si Caroline habang iniisip pa rin ang nangyari limang araw ng lumipas. Ang pangyayaring di niya inaasahan na magkikita pa muli sila ni Leander. Sobrang sakit pa rin para sa kanya na nakikitang masaya na ang binata lalo na ikakasal na ito sa kanyang first girlfriend na kamukha rin niya. Humigop siya ng kape saka umupo at tinuloy ang iba pa niyang gagawin dito sa opisina. Mga ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan at pinapasok niya kaagad ito. Napansin niyang di mapakali ang itsura ni Joanne habang naglalakad palapit sa kanya. "Carol may problema tayo." sabi nito at hinayaan niya lang muna magpatuloy magsalita ang kaibigan. "Nagkakagulo sa restaurant natin ngayon." Gulat na gulat ang naramdaman ni Caroline nang sabihin iyon ni Joanne. Di na siya nag-atub

