Caroline Faith's POV Kasalukuyan akong nagtitipa ng computer nang may biglang kumatok sa pintuan ng opisina. Isa sa mga waitress ko pala. "Pasok." Malumanay kung saad. "Ma'am!" Napalingon ako sa kanya sandali. Namumula ang mukha nito para kamatis. "Ma'am, may naghahanao po sa inyo." Kinikilig nitong saad sa akin. Napakunot ang noo ko sa kanyang facial expressions. Kilig na kilig kasi ang itsura niya eh. "Sino?" "Hindi ko po alam pero gwapo po siya, Ma'am Carol." agad na saad nito at nanatili pa rin ganoong itsura niya. Tumango na lang ako, "Sige. Pakisabi sa sa kanya susunod na ako." Kilala ko na kung sino ang tinutukoy ni Hannah. Wala ng iba kundi si Leander. Wala ng ibang maghahanap sa akin na gwapong lalaki kundi siya. Teka, bakit ko nga ba siya sinasabihan ng gwapo? Hays. Impo

