Chapter 12

2135 Words
Kasalukuyan akong nakatayo sa isang terrace sa bandang itaas ng parte ng bahay nila Sir Leander. Gusto ko kasi makasagap ng sariwang hangin at mag-isip isip na rin sa nangyaring pagtatanggol niya sa akin. Hindi ko inaasahan iyon sapagkat kamakailan lamang kami magkakilala ni Sir Leander kumpara doon sa dalawa. Lalo pang sila pala ang naging matalik na kaibigan rin ni Marinela. Ganito na ba niya ako kamahal para handang talikuran ang mga taong naging tapat rin sa kanya sa matagal na panahon? Samantala ako hindi ko magawang suklian ang kanyang pag-ibig dahil alam ko naman na simula't sapul si Tristan pa rin nilalaman ng puso ko. Walang araw na hindi ko siya iniisip at hindi nakakaramdam ng pagka-miss. Minsan natatanong ko sa sarili na naging tama ba ang aking naging desisyon na iwasan siyang hindi na muna makita. Feeling ko tuloy parang nakokonsensya na ewan. Hays, ang g**o ko. Sa aking pag-iisip, bigla na lamang may nagsalita sa aking bandang likuran. Lumingon ako at nakita kong si Sir Leander pala. "Bakit hindi ka pa natutulog? Anong oras na?" Sermon na naman niya sa akin pero nasanay naman ako sa kanyang ginagawa tutal parating kapakanan ko ang iniisip niya. "Hindi kasi ako makatulog." Diretsahan ko ng sagot at napangiti lang siya. "Bakit naman? Tungkol ba ito sa kaninang nangyari kaya hindi ka makatulog?" Hindi ako kaagad nakasagot sa kanyang tanong dahil hindi ko alam kung ano sasabihin. Ayaw ko na rin kasi pag-usapan pa iyon lalo lang kasi ako nahihiya. Mas pinapahalagahan at pinagkakatiwalaan niya ako kaysa doon sa dalawa na matagal na ring tapat na nagtatatrabaho at nagsisilbi sa kanya. "Hindi naman." pagsisinungaling ko na lang kasabay ng paggalaw ng aking position. "Dont lie to me, Miss Faith. I know you already kaya hindi mo magagawang magtago sa akin ng mga iniisip at inaalala mo. Kahit hindi pa tayo gaano magkakilala, feeling ko parang matagal na rin tayo ng nagkakilala." sabi niya habang parehas lang kami ng posisyon na nakaharap sa labas. "Naniniwala ka rin ba sa soulmate?" Nagulat naman ako sa naging tanong niya dahilan para lingunin siya. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Mas naniniwala lang ako sa true love dahil mas mukhang kapani-paniwala siya at talagang nag-eexist siya sa mundo kaso nga lang mahirap hagilapin. Pero ako naman nahanap ko na true love siguro kaso walang kasiguraduhan. "Hindi eh, ikaw?" napangisi siya sa aking sagot. "Bakit hindi ka naniniwala?" muli nanaman niyang tanong sa akin. Heto naman kami. "Hindi naman kasi totoo 'yon eh saka gawa-gawa lang naman 'yan ng mga tao lalo ng mga manghuhula." Paliwanag ko sa kanya. "Ako kasi naniniwala lalo na kung natagpuan ko na siya." sabi pa nito ulit sabay paglingon niya sa side ko kaya't hindi ko naiwasan na hindi mapatitig sa kanya. Nakita ko siyang nakatitig na siya sa aking mga mata tila binabasa nanaman niya ang nasa isip ko kaya kaagad. Umiwas kaagad ako ng tingin. Ibang klase din kasi iyong pagtitig niya masyadong makahulugan at malalim. "Bakit ka umiwas ng tingin, Miss Faith?" nag-uusisang tanong niya. Ilang segunda bago ko siya sinagot. "Hm, wala naman." Di mapalagay kong sagot. "Mabuti pa matulog na tayo dahil may may pasok pa bukas, remember? Saka masama sa health ang nagpupuyat." sabi niya pagkatapos hinatid na rin niya ako sa aking kwarto. "Good night, Miss Faith." Nakangiti pa rin niyang saad habang nagpapaalam kami sa isa't isa. "Good night." Medyo nahihiya kong tugon. Pagdating sa kanya lagi na lang ako napapasunod. Hindi ko magawang magmatigas. Para kasi siyang nagnonobena sa dinarami-rami ng sinasabi. Masyado kasing matured mag-isip si Sir Leander, napakaperpekto niyang lalaki ni minsan wala kang makikitang kapintasan sa kanya. KINABUKASAN Naglalakad na rin ako sa salas patungong kusina nang may narinig akong may sumisigaw sa labas parang may nagra-rally o kung anuman. Sisilipin ko na sana nang bigla kong nakita ang parents ni Sir Leander na naglalakad palabas ng mansion. Nakita ko na lamang na narito sina Cedric at Chelsea. Ano ginagawa nila dito? Sila ba yung kaninang sumisigaw? "Tita and Tito, I"m begging you to bring us back in the company and cancel the suspension na ginawad sa amin ni Lean." Dinig kong bungad ni Cedric. Nagmamakaawa ito na ibalik sila sa trabaho. Nilingon muna ng mag-asawa si Leander saka nagsalita ang isa sa mga ito. "Our son told us what happened in the company yesterday." Napalingon sila sa akin. "You framed up Miss Faith yesterday, is it true?" Walang imik ang dalawa subalit lumipas muna ng ilang segundo bago nagsalita si Chelsea upang i-defend ang side nila. "Wala po kaming alam sa sinasabi niyo, Tito and its not true." Napangisi lang din Sir Leander at tinititigan lang sila na malamig na titig nito. "Hindi niyo na kailangan magsinungaling sa amin dahil alam na namin ang totoo." giit ni Tito. "Bakit niyo 'yon ginawa kay Faith? Ano kasalanan niya sa inyo parang gawin niyo 'yon sa kanya?" Naiinis na tanong ni Tita. "It's not true, Tita and Tito. Please maniwala po kayo sa aming dalawa ni Cedric." Nagmamakaawa at nakikiusap na pahayag ni Chelsea sa kanila. "Atsaka, Tito mas matagal niyo na kaming kilala kaysa sa kanya." Turo naman sa akin ni Cedric na dahilan para sumama pa ang tingin sa kanila ni Sir Leander at nilapitan ako. "Oo mas matagal ko nga kayong nakilala pero sa tingin namin mali kami ng pagkakakilala sa inyong dalawa." Muling giit ni Tito na bakas na sa kanya ang frustrations. "Nagkamali rin kaming napagkatiwalaan." "Ibig sabihin mas pinagkakatiwalaan niyo siya kaysa sa amin, Tito?" Huminto si Cedric sa pagsasalita at bumaling naman ang tingin niya kay Tita at kay Sir Leander. "Hindi niyo pa lubusang kilala ang babae na 'yan. Nagpapanggap lang siya mabait at inosente." "Shut up, Cedric." bulyaw sa kanya ng lalaking na nasa tabi ko. "Kaya kong bumasa ng mga galaw at kinikilos ng mga tao at malakas ang aking pakiramdam kaya madali kong mapansin kung nagsisinungaling siya o hindi. I already knew who were liars and those are not. matalim na tinitigan ni Sir Leander si Cedric.'' "Mabuti pa, Chelsea and Cedric umalis na muna kayo. Face the consequences you have done to her. We will not cancel your suspension." pagkasabi niyon ni Tita at Tito, nagwalk-out na agad sila. "Anong titingin-tingin mo diyan? Masaya ka na?" Nangitngit sa galit si Chelsea sa akin. Kitang-kita sa kanya ang pagkadismaya sa ginawa nilang plano na paninira sa akin. "Huwag mo na lang sila pansinin, Miss Faith. Tayo na." Kasabay paghawak ni Sir Leander sa aking mga braso para saka lisanin ang aming kinaroroonan. "Guard kayo ng bahala sa kanila" Maotoridad na utos niya sa tatlong security guards. Tumango naman lang ito bilang tugon. "Dont touch me!" Naririnig kong saad ni Chelsea habang naglalakad na kami patungong kusina. Hindi ko nagawang lingunin pa sila. "Lets go, Chelsea. All we need is to accept this punishment." saad ni Cedric habang pinipigilan pa niya ito. "What are you talking about, Cedric? Susuko na lang tayo ng ganu'on na lang?" giit ni Chelsea. "Mabuti pa sa labas na lang kayo mag-usap na dalawa." sabi sa kanila ng sekyu subalit nagpupumilit pa rin si Chelsea na makapasok dito sa compound nila Sir Leander. "No. We are not done yet." sigaw pa niya at wala siyang nagawa pagkatapos niyon. Kasalukuyang binabasa ko ang mga schedule ni Sir Leander sa bawat oras at mga araw. Mamayang 10:00 AM – 11:00 AM mayroon siyang meeting with the board of directors. Nagawa kong lingunin siya sa gawi niya nito. Abala siya pagtitipa ng keyboard. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Sir?" napahinto ako nang tawagin niya ako. Nakakunot ang kanyang noo, "Di ba sabi ko naman kapag tayo lang dalawa huwag mo akong tatawagin na Sir?" Hindi ko na siya pinatuloy sa kanyang sasabihin tutal alam ko nanaman kung saan papunta 'yon. Direkta ko na lang sinabi sa kanya na mayroon siyang meeting mamaya. "Please cancel the meeting. We have something to do later rather than that and don't forget to inform my secretary about the cancelation." Utos niya kaya kaagad ko namang sinunod. Mukhang na-offend siya sa maling sinabi ko kanina. "Huwag kang mag-alala hindi ako galit sayo." Mahinahon na kanyang saad na aking ikinagulay. Teka, paano niyang nalaman ang nasa isip ko. Unbelievable. May pagkapsychic talaga siya. "Lalabas muna ako. Di kasi nasagot si Mrs. Sinfuego eh." Kasabay ng pagtayo ko sa aking kinauupuan. "I think you're diverting the convo here." Napalinga-linga ako sa paligid dahil hindi mapalagay sa atmosphere na meron ngayon. "Hindi naman baka kasi makalimutan ko pang ipaalam sa secretary mo tungkol sa pagkansela ng meeting." Paglilinaw ko sa kanya kasi labis na awkwardness ang aking nararamdaman. "Sige pero bumalik ka kaagad dahil may pag-uusapan tayo." Muli siyang napatitig sa akin nang sabihin niya 'yon saka siya muling tumutok sa computer. Napatango-tango lang ako bilang tugon saka lumabas ng office para puntahan si Mrs. Sinfuego. Inabot ko kaagad sa kanya ang hawak kong folder at ipinaalam rin ang tungkol sa cancelation of the meeting na pinasasabi ni Sir Leander. Kaagad akong bumalik sa aming opisina katulad ng sabi niya. "Maupo ka muna, Miss Faith." Baling nito sa akin. "Mayroon tayong conference mamaya upang ipaalam sa mga employees dito na huwag na huwag ka nilang pakikialamanan katulad ng ginawa sayo ni Cedric at Chelsea. Kung sakaling gawin man nila 'yon sayo papatawan ko sila ng isang buwan suspensyon." Napapitlag na lamang ako sa aking upuan nang sabihin niya 'yon. Gagawin niya ba talaga ito para protektahan ako sa mga baka umapi sa akin? "Huwag ka balaking tumanggi pa dahil kahit ano man sabihin mo itutuloy ko pa rin. I want to protect you from those toxic people like them." Pagtukoy niya kila Chelsea at Cedric. "Is that clear? Maotoridad niyang tanong. "Pero hindi mo naman kailangan gawin 'yon eh. Ano na lang sasabihin ng mga employees mo sayo?" Paliwanag ko sa kanya. "Don't mind them. The important is that I won't you to be hurt or harmed by somebody again. I barely see you just being bullied by others just like what Chelsea and Cedric did." Bakas sa kanya ang pagiging seryoso ngayon lalo pagdating sa akin. Magpapaliwanag pa sana ako ulit subalit hindi na niya akong hinayaan makapagsalita. "No more buts." Wala na rin ako nagawa kundi ang tumango kasi kahit ano kong gawin nagagawan niyang lusutan ako para di na makapagpaliwanag pa. Tingin ko wala na akong laban sa kanya eh. Ngayon nasa conference room na kami at syempre nasa harap ako ngayon ng mga employees, nakatingin sila sa aming dalawa. Hindi ko maiwasan kabahan lalo pa hindi ako sanay humarap sa ganitong karaming tao at nasa akin ang kanilang atensyon. Napansin ni Sir Leander na kinakabahan ako kaya inakbayan niya sa balikat para mawala ang tense na nararamdaman. Mga ilang sandali nagsalita na rin siya at tumahimik na rin ang karamihan. "I would like to announce that there's no one could harm this young woman beside me or else you will be suspended for one month." Diretsahan niyang saad at napalingon siya sa akin. Napansin ko pagbubulungan ng mga tao sa kanyang sinabi at muli silang nanahimik. "Kung sinuman sa inyo na mayroong plano sirain siya, ihinto niyo na 'yan. Ako na mismo ang makakalaban niyo at walang impossible sa akin na gawin ko ang isang bagay na pagsisihan niyo rin sa huli." Maotoridad niyang saad habang kinakabahan sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na may gan'on siyang side. Nakakatakot pala siya kung gagalitin mo at sasagarin ang pasensya. "Ngayon binabalaan ko na kayo. Madali naman akong kausap eh di ba? Naging mabuting amo sa inyo pero huwag niyo hayaang maging kaaway ko ang isa sa inyo balang araw." dagdag pa niya dahilan para di ko na kayang pakinggan ang sasabihin pa niya. Nakakatakot ang boses at ang istura niya ngayon na dati ay anghel at ngayon para na siyang tigre.m "Malinaw na po ang lahat Sir Leander at aasahan mong ipapatupad namin na mahigpit na policy para diyan." pahayag naman ng isa sa mataas rin na official dito sa company. Pagkatapos ng conference, bumalik na ulit kami sa office room at tinuloy ko na rin ang naudlot kong gagawin. Naupo na ako nang maayos at muling tumutok sa computer lalo na di ako mapalagay sa mga binitawan niyang salita. "Biglang naging tahimik ka." puna niya sa akin pero hindi ko na magawang lingunin siya. "Kung anuman narinig mo kanina, totoo yon. Gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko at ipagtatanggol siya at poprotektahan kung sinuman nais manakit sa kanya. Mayroon akong isang salita, Miss Faith kapag sinabi ko pinaninindigan ko." Napalunok lang ako sa aking narinig dahil hindi ko alam kung ida-digest lahat ng mga sinabi niya. Sa halip na magsalita, nagawa ko lang tumango at nginitian siya bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD