Chapter 9

1212 Words
THIRD PERSON'S OF VIEW Kasabay ng pagputla ng liwanag ng umaga, tahimik na naglalakad si Tristan papunta sa bahay nila Caroline. Bitbit ang simpleng intensyon—ang sunduin ang kanyang matalik na kaibigan para sabay silang pumasok sa trabaho. Katulad ng dati. Kumatok siya, dalawang beses. Ilang sandali pa’y bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Lola Esmeralda, ang lola ni Caroline. "Magandang umaga po," magalang niyang bati. "Magandang umaga rin, Tristan. Maupo ka muna," wika ng matanda, subalit pansin ni Tristan na may kakaiba sa tinig nito—parang may laman. Agad na nilibot ng binata ang kanyang paningin, hinahanap ang pamilyar na presensya ni Caroline. “Si Carol po, Lola?” tanong niya, puno ng siglang naghihintay ng sagot. Ngunit isang mabigat na paalala ang sagot na bumungad sa kanya. "Umalis na siya, Tristan. Nagpunta siya sa malayo para magtrabaho." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tristan. Napawi ang ngiting kanina pa'y nakalapat sa kanyang mga labi. Nanatili siyang nakatitig sa matanda at hindi agad makapagsalita. “Bakit… hindi niya sinabi sa’kin?” tanong niya, unti-unting nababalot ng lungkot ang kanyang boses. “Saan po siya nagtungo?” Ngunit isang kibit-balikat lang ang naisagot ni Lola Esmeralda. "Kung nasaan man siya ngayon, hayaan na muna natin. Kung hindi siya nakapagpaalam sa'yo, siguradong may dahilan siya, iho." Subalit hindi sapat iyon para mapanatag ang kanyang loob. Paano naging gano’n kadali para sa kanya ang umalis nang hindi man lang siya kinausap? "Heto nga pala, iniwan niyang sulat para sa’yo." Iniabot ng matanda ang sobre. Tinanggap iyon ni Tristan. At sa paghawak pa lamang sa liham, parang ramdam na niya ang bigat ng bawat salitang nakapaloob dito. Sa kanyang kwarto, tahimik siyang naupo sa gilid ng kama. Nasa pagitan ng kanyang mga daliri ang sulat—para sa kanya, mula sa babaeng matagal nang naging bahagi ng kanyang araw-araw. Huminga siya nang malalim, saka dahan-dahang binuksan ang sobre. Muling bumungad sa kanya ang sulat na isang simpleng papel, ngunit mabigat sa damdamin. April 21, 2021 Dear TJ, Pasensya ka na ah kung di ako nakapagpaalam sa'yo. Alam kong hindi mo ito maiintindihan. Ayokong pigilan mo ako. Ayokong makita mong nalulungkot habang pinipilit akong manatili. Ginawa ko 'to hindi lang para sa sarili ko, kundi para kina Lola at sa mga kapatid ko. Alam kong naiintindihan mo 'yan. Makakausap mo pa rin ako. Nariyan lang ako, kahit hindi mo makita. Tuwing tatawag ka, sasagot ako. Tuwing magte-text ka, babasahin ko agad. Bawat buwan, uuwi ako—hindi lang para kay Lola at sa mga kapatid ko, kundi para na rin sa'yo. Ikaw, Tristan… hindi kita makakalimutan. Ikaw ang nagpapangiti sa akin kahit minsan nakakainis ka na. Kaya ipangako mo sa’kin, bantayan mo sila habang wala ako. Promise mo yan, ‘di ba? At huwag kang sisimangot. Hindi ka na pogi niyan kapag nagkita tayo. Stay strong, be happy… Nagmamahal na kaibigan, Caroline Faith Pagkatapos basahin, nanatili si Tristan sa kanyang kinauupuan. Walang imik. Wala ni isang luha, ngunit mabigat ang dibdib. Ang katahimikan sa paligid ay parang sumisigaw ng pagkawala. Pakiramdam niya, may bahagi ng araw-araw niyang buhay na biglang nawala. Hindi lang basta kaibigan si Caroline… hindi lang basta kasama sa tawanan. Siya ang naging tahanan niya. At ngayon, umalis ito… nang hindi man lang siya tinanong kung handa na siyang mawala ito kahit pansamantala. Samantala, sa kabilang dako ng lungsod… Maagang nagising si Caroline Faith. Ang silid ay malaki at elegante—malayong-malayo sa simpleng kuwartong kinalakihan niya. Ngunit kahit ganoon, dala pa rin niya ang ugali ng isang mapagkumbabang dalaga. Maaga pa lang, abala na siya sa paghahanda para kay Sir Leander. Inihanda ang kape, tinapay, at ang mga dokumentong kailangan nito. Hindi basta trabaho ang kanyang ginagampanan ngayon—kundi tungkulin ng isang assistant sa pinakamataas na tao ng kumpanya—ang presidente ng Kingstone Furnitures. Pagkatapos maligo at magbihis, sinalubong niya ang paglabas ni Leander mula sa silid nito. “Good morning,” bungad ng lalaki, may ngiting puno ng saya sa kanyang mukha. “Good morning din po. Handa na rin po ang almusal.” Sabay silang nagtungo sa kusina. Tahimik ngunit komportable. At nang matapos kumain, inihanda ni Caroline ang lahat para sa opisina. “Ayusin ko lang suit mo, Sir. Hindi pantay,” sabi niya. Lumapit siya kay Leander at marahang inayos ang kwelyo ng suot nitong coat. Ngunit sa halip na magpasalamat agad, napatingin ang lalaki sa kanya. Tahimik, ngunit tila may binabasa sa kinaloob-looban ng dalaga. Hindi niya kayang itago ang paghanga mula sa paraan ng pagkilos nito hanggang sa pagiging natural nitong maalaga. Si Caroline ay tila liwanag na dumarating sa kanyang madilim na mundo. “Siya nga pala, lahat ng kailangan mo ay naihanda ko na,” ani ng dalaga habang iwas-titig na. Ngunit nanatiling tahimik si Leander. “Sir Leander?” tanong niya, medyo aligaga. Napabalikwas ang binata. “Ah, sorry. Wala…may iniisip lang.” “Mukhang may sakit kayo, Sir. Ang layo kasi ng napupuntahan ng isip niyo eh.” Napakamot sa ulo si Leander. “Wala, Miss Faith. Pinagmamasdan lang kita… at hindi ko akalaing ganito pala ang epekto mo sa’kin.” Napakurap si Caroline, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Sir Leander naman… nambobola pa kayo.” “Hindi ako nagbibiro. Hindi rin ako mahilig magpatawa ng ganito. Pero sayo… sayo lang ako nagiging ganito. Alam mong gusto kita, ‘di ba?” Pagdating sa opisina, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Sa lobby pa lang, napansin na si Caroline ng mga empleyado. May ilan ang bumubulong. May ilan ang nagtataas ng kilay. Bumungad sa kanila si Cedric Alcantara, ang general manager. "What’s the meaning of this, Leander? Don’t tell me she’ll work here?" sunod-sunod ang tanong nito, kasunod si Chelsea Rivera, ang Vice President. “How well do you know her para pagkatiwalaan mo siya?” singhal ni Chelsea. Napakunot ang noo ni Leander. “I know what I’m doing. You don’t have the right to talk to her that way.” Tahimik lang si Caroline, hindi makatingin. Nakaramdam siya ng hiya at ng may panghuhusga sa tono ng mga pananalita ng mga ito. “We just want what’s best for the company,” giit ni Cedric. “Hindi siya si Marinela. Huwag mong palitan ang alaala niya ng—” “Enough!” sigaw ni Leander. Naging matalim ang mga mata nito. “One more word and you’re both fired.” Nagulat si Caroline. Ngayon lang niya nakita si Leander magalit—at para sa kanya pa. “Are you okay?” tanong niya habang pinapaupo siya ng lalaki sa isang sofa. Hinawakan siya ni Leander sa baba upang tumingin. “Don’t let them get to you. I’m here. I’ll protect you.” “Pero—” “No buts, Miss Faith. Kilala kita. Alam ko kung sino ka. Don’t leave me, please. Hindi ko kakayanin ‘pag nawala ka rin.” At bago pa siya makapagsalita, hinawakan ni Leander ang kanyang pisngi at marahang hinalikan siya sa noo. At sa mga oras na iyon, tila huminto ang mundo para kay Caroline Faith. Hindi na niya maintindihan ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dapat siyang umatras o yakapin ang damdaming tila matagal na ring kumakaway sa kanya mula sa di-kalayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD