Chapter 7

1031 Words
Nagulat ako nang makarating kami sa mismong management office. Sa loob, bumungad sa akin ang mga department managers, consultants, executive directors, at iba pang matataas na opisyal ng kumpanya. Ngunit agad akong nakaramdam ng tensyon nang mapansin kong may dalawang tao—isang babae at isang lalaki—na tila hindi masaya sa pagdating ko. Pareho silang nakasimangot at halatang hindi ako welcome sa paningin nila, ‘di tulad ng iba na maayos ang pakikitungo. “Hello, everyone. I would like you to meet my special friend, Caroline Faith Quililan. She is currently working as a hotel receptionist at Kingstone Hotel,” pakilala ni Sir Leander. “Miss Faith, these are our department managers and executive directors,” sabay turo niya sa dalawang lalaking tila nasa edad kwarenta. “And this is our General Manager, Mr. Cedric Alcantara,” sabay turo niya sa lalaking kanina pa masama ang tingin sa akin. “And the Vice President of the company, Ms. Chelsea Rivera,” sabay turo sa babaeng nakataas ang kilay. Nginitian ko lang sila bilang respeto. Pagkatapos ng maikling introduksyon, nagtuloy kami ni Sir Leander sa kaniyang opisina. “Take a seat, Miss Faith,” sabi niya. Agad naman akong sumunod habang palinga-linga sa paligid. Ang elegante ng office niya—malawak, maaliwalas, at may minimalist na disenyo. “Do you want something to drink or eat?” tanong niya, marahil napansin niyang hindi ako mapakali. “Okay lang po ako, Sir,” magalang kong sagot. “Di ba sabi ko na sa'yo, huwag mo na akong tawaging 'Sir' kapag tayong dalawa lang?” paalala niya. “Pasensya na, nakasanayan lang,” tugon ko. “I see,” sagot niya, saka naupo sa tabi ko. “Anyway, gusto kong sabihin sa’yo na dito ka na magtatrabaho bilang personal assistant ko.” Napatingin ako sa kanya, gulat na gulat. May bahagi sa akin na natuwa at may ibang environment, iba ring experience. Pero may bahaging parang nagsasabing hindi ito ang tamang desisyon. “Are you happy?” tanong niya nang mapansin niyang hindi agad ako sumagot. “Leander… ayos naman ako sa trabaho ko sa hotel. Hindi ko na siguro matatanggap ang offer mo,” medyo mailap kong sagot. “Sana mapagbigyan mo ako, Miss Faith. Gusto ko kasi na lagi kitang nakikita at nakakasama,” paliwanag niya, sabay ayos sa upo niya. Magsasalita pa lang ako nang bigla siyang nagpatuloy. “Please, Miss Faith. I will increase your salary. Mas mataas kaysa sa kinikita mo sa hotel.” Hindi pa rin ako mapapayag agad. Naiisip ko, araw-araw ko siyang makikita. "I'm starting to like you, Miss Faith," sabay bulong niya. Napalingon ako agad. “I know it might sound unbelievable… maybe at first, I was drawn to you because you reminded me of Marinela. But the more I get to know you, the more I realize it’s different. My feelings are genuine. Lahat ng effort na ginagawa ko ay para sa’yo.” Napalunok ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong isasagot. “Please, kahit alam kong hindi mo ako kayang mahalin pabalik, okay lang. Basta nandiyan ka lang. I want you here beside me and working with me.” Tiningnan ko siya. Napakasoft ng expression niya. Hindi siya ‘yung tipo ng lalaki na sinasadyang manggipit. Ang bait niya, at halatang sincere sa intensyon niya. “Papayag na ako,” diretsahan kong sagot. Agad niyang nginitian ako. Napawi ang tensyon sa kanyang mukha. “Since pumayag ka na, I want you to stay in our house. I won’t allow you to live in a unit alone. It's not safe.” Napakunot ang noo ko. Paano si Lola? Paano ang mga kapatid ko? “Don’t worry about them. Ako na ang bahala sa kanilang mga pangangailangan. May taong magbabantay sa kanila, na pinagkakatiwalaan ko.” Mas lalong hindi ako mapalagay. Hindi dahil hindi ko siya pinagkakatiwalaan kundi dahil sa sasabihin ng ibang tao. “Malaki ang bahay namin. May sarili kang kwarto. And Miss Faith… I was raised right. I respect women especially you. I’m not like the other guys.” Napakagat ako sa labi. Para siyang nakakabasa ng iniisip ko. Talagang iba siya. “Ayos lang ba ito kina Tita at Tito?” tanong ko. “Of course. I already told them, and they agreed.” Tumango na lang ako, at muling ngumiti siya. “Tara, ihahatid na muna kita bago ako dumiretso sa meeting ko ng 10:30 AM.” Akmang hahawakan na niya ako sa braso nang pigilan ko siya. “Okay lang po, ako na lang. Baka malate pa kayo. Magta-taxi na lang ako.” “Sige, pero mag-iingat ka. Lagot sa akin ang sinumang manakit sa’yo,” tugon niya sabay ngiti. Nakangiti rin ako habang nagpaalam at lumabas ng opisina. Habang naglalakad palabas ng building, may narinig akong nagsalita sa likod ko. "Ang mga babae talaga, mahusay umarte para lang makuha ang gusto nila." Napalingon ako. Si Mr. Alcantara—ang General Manager. “Ano kaya ang pinakain mo kay Leander at ganyan siya sa’yo? Magkamukha nga kayo ng ex niya, pero magkaibang-magkaiba.” Napakunot ang noo ko. Napaka-bastos ng dating niya. Hindi ko na siya pinatulan. “Pasensya na po, Sir. Kailangan ko nang umalis.” Bigla niyang hinawakan ang braso ko. “Huwag ka munang umalis. May gusto pa akong ipamukha sa’yo.” Pinilit kong kumalma kahit na sobra na siya. “Layuan mo si Leander. Hindi siya para sa’yo. Isa ka lang dukha. Mangagamit.” Pak! Sinampal ko siya. Hindi ko na kinaya. “Wala kang karapatang sabihing mangagamit ako. Lahat ng meron kami ay pinaghihirapan ko. Hindi ko kailangang umasa sa ibang tao para mabuhay.” Huminga ako nang malalim, sabay turo sa kanya. “Kung gusto mong malaman ang totoo, tanungin mo si Leander. Hindi ako ang may gawa ng mga desisyong 'yon.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “May itsura ka, oo. May pinag-aralan din siguro. Pero mukhang walang values.” At sa huling salitang ‘yon, nilisan ko na ang lugar. Hindi niya ako kilala. At kahit anong paninira niya, basta alam kong totoo ako sa sarili ko—hindi ako matitinag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD