Chapter 3

2064 Words
Hazell's POV "Kuya baka naman pwide nyo na akong payagan na masilip itong dulo ng gubat?"...pakiusap ko kay kuya na taga bantay, dahil nandito ako ngayon sa tawid ilog ng River park, "Ma'am Ganda hindi nga poh pwide lalo na ngayon privite property na poh yun"...wika sa akin ni kuya, kaya nangunot ang noo ko, "Privte property?"...ulit ko sa sabi ni kuya, dahil hindi ako maka paniwala na naging privite property ang dulo ng gubat na ito, ang alam ko kasi bawal lang dahil baka mapanganib kasi wala magubat na masyado, "Oo ma'am ganda may bumili raw kasi ng property na yun kaya lalong bawal na pasokin, kaya hindi ko poh kayo pwideng payagan dahil ako rin ang nautosan na magbantay dito para walang makapasok don"...pagpapa liwanag ni Kuya sa akin, "Kahit 5minutes lang kuya kukuha lang ako ng picture"...pakiusap kopa ulit kay kuya, "Sorry talaga ma'am Ganda"...malungkot na wika ni Kuya, "Sino poh ba ang naka bili ng lugar na yun kuya?"...tanong ko kay kuya, "Hindi ko rin poh alam ma'am Ganda eh pero nakita ko sya nong isang araw mukhang binata pa, at ang alam ko bagong uwi sya dito sa pilipinas, galing daw kasi ng america"...wika ni kuya at napa tango nalang ako, (Bakit naman pag iinteresan ng taong yun ang dulo ng gubat na ito? tapos ayon kay kuya binata pa daw, sino kaya sya?...bulong ko sa aking sarili), "Sige kuya salamat poh una na ako'...paalam ko kay kuya Bert, "Sige ma'am Ganda ingat poh pasensya na poh ulit"...malungkot na wika ni Kuya dahil hindi ako napag bigyan, matagal na kasi ako nakikiusap sa kanya na baka pwide ko masilip ang dulo ng gubat pero hindi nya ako mapag bigyan, pero naiintindihan ko naman yun dahil ginagawa lang naman nya ang trabaho nya, "Okey lang kuya, pero ito number ko tawagan mo ako kung dumalaw dito yung may ari ng property sa kanya ako mismo magpapaalam para masilip ko yung loob"...masayang wika ko kay kuya bert at inabot ko sa kanya ang calling card ko, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang loob at dulo ng gubat na ito, "Sige ma'am ganda tatawagan kita agad"...masayang wika ni kuya bert sa akin, at tuloyan na akong nagpaalam sa kanya, sumakay narin ako ng bangka patawid sa may park kung saan may mga ilang taong namamasyal din don, "Salamat kuya jojo"...pasasalamat ko ky kuya jojo ng mahatid nya ako sa park, inabotan korin sya ng bayad ko, si kuya Jojo ay suki nya ako pagdating sa pag tawid sa ilog, mga apat siguro sila dito na taga sagwan ng bangka papunta sa tawid ng ilog, may mga ilang namamasyal din kasi dito na gustong pumunta sa tawid para mamasyal din, mga nasa 45 years old na rin itong si kuya Jojo na sa tingin ko ay kaedad nya rin si kuya bert na taga bantay sa gubat, "Salamat din Ma'am Hazell, ano naka pasok kaba sa dulo ng gubat?"...tanong sa akin ni kuya Jojo, dahil alam na alam na nya na tuwing pupunta ako sa dito ay nakikiusap ako kay kuya bert na baka pwide ko silipin ang loob at dulo ng gubat sa tawid, magkaibigan din kasi si Kuya Jojo at Kuya bert, "Hindi nga poh kuya Jojo ehh"...malungkot na sagot ko kay kuya jojo, "Naku ma'am Hazell mas mahihirapan kana nyan na maka pasok pa don, lalo na yung may bagong binata na may ari mukhang galit pa sa mundo ang dilim kasi ng itsura"...saad na kuya Jojo habang hinihili nya ang bangka nya para itali, "Pano nyo poh nasabi kuya Jo?"...gulat na tanong ko kay kuya Jojo, "Matagal karin kasi hindi naka pasyal dito Ma'am kaya hindi mo rin nalaman agad na may naka bili na ng dulo ng gubat na gusto mong puntahan, nong isang araw nga pumunta ulit ang naka bili non at may apat na kasama, basi sa mga itsura nila ay mukhang mga engineer pa, may balak ata mag patayo ng bahay sa loob eh mukhang napaka yaman din ng binatang yun,"...mahabang wika ni kuya Jo, "pano mo naman nalaman na binata nga yun kuya Jojo?"...tanong kopa kay kuya jojo habang tinatali nya ang bangka nya, "Narinig ko kasi don sa kasama nyang engineer ma'am, sa bangka ko kasi sumakay yung isang engineer at yung bumili ng dulo ng gubat, siguro mga kaedaran mo sya ma'am Hazell, tinatawanan pa nga sya nong engineer kasi daw bakit daw sya magpapatayo ng bahay sa loob ng gubat"...mahabang wika ni kuya jojo, at napa tango tango nalang ako, buti nalang talaga may pagka daldal itong si kuya Jojo kaya nakwento nya sa akin, (Ang weird naman ata ng lalaking yun...bulong ko sa aking sarili), "Sige poh kuya Jojo mauna na ako salamat uli"...paalam ko kay kuya Jojo at naglakad na ako paalis sa dahil 5pm na ng hapon, "Sige ma'am Hazell ingat"...hiyaw sa akin ni kuya Jojo at tinaas kolang ang isang kamay ko bilang tugon sa kanya, Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay hindi ko alam kung bakit hindi mawala wala sa isip ko ang yung mga na kwento sa akin ni Kuya Jojo, dahil nasa malapit naman sa labas ng village ang River park ay hindi na ako gumamit pa ng sasakyan ko, (Papaano kaya ako makaka pasok sa gubat na yun? ngayon bago na ang nag mamay ari non,...bulong ko sa aking isip), PEEP PEEP PEEP nagulat ako ng bigla may sunod sunod na bumosina na sasakyan sa may gilid ko, "Bwesit ka Ricardo"...mariing wika ko kay baks dahil sya lang naman ang bumosina sa akin, "Yuckkk Girl"...diring wika ni baks dahil sa pag banggit ko ng pangalan nya "Alam mo malayo palang tanaw na tanaw kona na malalim ang iniisip mo Girl, hulaan ko galing ka sa tawid ng River park at hindi ka pinayagan ni kuya bantay na maka pasok don sa gusto mong pasukin na gubat noh?"...wika ni baks habang mabagal nya pinapa takbo ang kotse nya dahil sumasabay sya sa lakad ko, alam na alam kasi nya pag wala akong gingawa nandon ako sa River park pag hapon, minsan kasi pag wala kaming ginagawa ay dalawa kaming pumupunta don, "Ganon na nga"...malungkot na sagot ko kay baks, at hindi kona lang sinabi na may bagong nag mamay ari na ng gubat na yun, "Sabi na nga ba ehh"...wika naman nito, "Tuloy ba tayo kay Danica ngayon?"...tanong ko kay baks at nilingon ko sya, "Yes Girl uwi lang ako para maligo dahil hagard na ang beauty ko, susunduin kita after"...wika ni baks sa akin at tumango lang ako, "Okey Seeya Girl"...paalam ni baks at mabilis ng pinatakbo ang sasakyan nya, sakto naman sa pagtapat ko sa bahay namin, dahil ang lokong bakla hindi man lang ako inalok na sumakay, "Oh Anak nanjn kana pala halika kain tayo"... alok sa akin ni mama ng makapasok ako sa bahay, nasa sala sya nanonood ng TV habang may pagkain sa lamesa na chocolate cake at Juice, "Hindi na Ma, pupunta pa kami ni Baks kay Danica"...wika ko kay mama, "Bakit may trabaho ba kayo?"...tanong sa akin ni mama, "Pag uusapan pa namin Ma kung tatanggapin namin, ito kasing si Baks umaarte dahil si Alexa Ruccero ang makakasama namin kung sakali"...sagot ko kay mama, "Yung sikat na model? sabagay maraming haka haka sa model na yun na hindi daw maganda ang ugali anak, kaya maiging pag usapan nyo nga ng maayos yan"....wika ni mama, hindi na ako magtataka kung bakit alam ni mama ang tungkol sa haka haka na yun dahil mula ng umalis si papa ay natutu syang mag f******k minsan kasi sa messeger sila nag uusap ni papa kaya ginawan ko sya ng sarili nyang account, kaya pati si papa ay ginawan kona rin, nakakatuwa nga dahil si papa, ako at si mama lang ang friend, tapos si mama naman ay si papa at ako lang din ang friend, kung gaano ako kamalas pag dating sa mga naging boyfriend ko noon ay ganon naman ako kaswerti sa mga parents ko, kaya nga minsan hindi ko maiwasan mainggit kay mama, paano si papa yung first love ni mama tapos ito na rin yung last love nya, samantalang ako naka dalawang boyfriend na wala pa rin, "hay naku Ma, kakafacebook nyo mas update pa kayo sa akin, wag kasi kayo mag like ng mag like sa mga page na yan kung ano ano tuloy ang nalalaman nyo at nababasa nyo ehh, isa pa hindi naman poh tayo sure Ma, kung totoo ang mga nasa comment na yan, mamaya nakaka husga na tayo ng tao tapos hindi naman pala totoo"...saad ko kay mama, ito ang pinaka gusto ko kay mama open kami sa isa't isa kaya kung sabihin sa kanya kung ano yung gusto kung sabihin, lalo na pag may dinadamdam akong mabigat sa loob ko sa kanya ako unang tumatakbo, napaka supportive din nya sa lahat ng gusto ko, kaya nga nong lokohin ako ni kenneth ay hindi ako nahirapan na kalimutan sya dahil sa pag alalay ni mama sa akin at pagbibigay nya ng payo sa akin, oo nasaktan ako at halos magwala ako araw araw dahil sa bwesit kung Ex, pero dahil sa mga payo ni mama naging matatag ako at natutu akong tanggapin ang lahat sa amin ni Kenneth, ika nga ni mama maigi nga yung maaga palang ay nalaman ko kaagad na hindi sya ang lalakeng karapat dapat para sa akin, hindi man daw ako tulad nya na first love palang nya ay nakita na agad nya ang lalakeng karapat dapat para sa kanya ay naniniwala naman sya na wala sa first o second yan baka nga daw nasa third pa yung lalakeng karapat dapat para sa akin, ang problema nga lang hirap na ako buksan ulit ang puso ko para mga lalakeng nagkaka gusto sa akin, "Ano kaba anak hindi ko naman sya hinuhusgahan sinasabi kolang yung mga nababasa ko, nga pala don ba kayo matutulog ni Rica?"...tanong sa akin ni mama, "Hindi kopa alam Ma, tatawagan nalang poh kita kapag don kami matutulog ni Baks"...sagot ko kay mama, dahil minsan kasi ay don kami natutulog ni Baks sa condo ni Danica, minsan nga ako lang ang natutulog don pag ayaw ni baks matulog don, may mga damit rin kami ni baks na naka stock don para kung don kami matutulog hindi na namin proproblemahin pa ang isusuot namin, malaki kasi ang condo ni Danica at may tatlong kwarto, "Sige basta tumawag ka kaagad huh"...bilin sa akin ni mama, "Oo Ma, Sige poh at magbibihis muna ako susunduin kasi ako ni Baks dito, kotse kasi nya ang gagamitin namin"...paalam ko kay mama at bumeso mona ako sa kanya bago pumasok sa kwarto ko, (Sino kaya ang Mr Weird na yun?) tanong ko sa aking sarili na ang tinutukoy ko ay ang lalakeng gustong tumira sa gubat na gusto kung puntahan pero hindi ko magawa gawa, sana lang talaga ay wag akong makalimutan ni kuya bert na tawagan pag pumunta ulit si Mr Weird don, para makapag paalam ako ng personal, gustong gusto ko talaga na pumunta sa lugar na yun at makakuha ng kahit ilang picture lang, siguro naman papayagan ako ni Mr Weird wala naman masama sa gusto ko at gagawin ko eh, "kahit isang beses lang, isang apak lang sa lugar na yun at maka kuha lang ng ilang picture okey na sa akin yun"...wika ko sa sarili ko habang nasa tapat ako ng shower, pagka tapos kung maligo ay agad na akong nagbihis, Pantalon,robber shoes, sando na pinatungan ko ng red stripe na longsleeve polo, Ganito lagi ang ayos ko dahil dito ako kumportable, at naka lugay na buhok hanggang balikat kolang, at simpre ang camera ko na laging naka sabit sa leeg ko, at shoulder bag na tama lang ang laki para sa cellphone at wallet ko, hindi kasi ako mahilig mag make up kaya wala akong dala dala na make up sa bag ko, dahil para sa sakin mas maganda ako pag walang make up, gumagamit naman ako ng make up pero pag may okasyon lang, hindi ko rin kailangan mag lipstick dahil mapupula ang mga labi ko,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD