Friends

1644 Words
Chapter 1 "Good morning tito Arnold" narinig kong sabi ng isang babae. Naririnig ko ang usapan nila dahil hindi naman ganun kalakihan ang bahay namin. Dalawang kwarto lang ang meron kami at may maliit na sala at konting deretso lang ay kusina na. "Good morning din sayo iha. Ang aga mo ata? May lakad ba kayo ni Tony?" napangisi naman ako dahil tiyak na napasimangot na naman ang babaeng yun. Ayaw na ayaw niya talaga kong tinatawag na Tony. "Eh, opo tito, mag-eenroll po kasi kami ni ANTONETTE. Nasan na po ba yung babaeng yun? "lalo akong napatawa dahil binigyang diin niya pa talaga ang pangalan ko. Antonette Cruz ang pangalan ko pero kilala na ko ngayon bilang Tony. Narinig ko naman ang tawa ng papang ko bago ako tinawag. "Tony,anak! Andito na si Catherine!" "Opo sandali lang po" balik na sigaw ko. Naghuhugas kasi ako ng mga plato dahil ang kuya at ate ko ay may kanya-kanyang pasok kaya ako ang tagagawa ng gawaing bahay. Wala na kaming mama, kinuha na siya sa amin nung nasa huling taon na ko sa high school. May malala siyang sakit at huli na ng malaman namin. Pinili niya itong itago sa amin dahil ayaw niyang malungkot at maging pabigat daw sa amin. Na lubos naman naming sinalungat pero huli na ang lahat. Naging mahirap sa amin ang mawala siya lalo na kay papang. Naging malungkutin si Papang at naging sakitin kaya napabayaan niya ang boxing gym niya. Napabayaan din ni kuya ang pag-aaral niya dahil nalulong siya sa bisyo at si ate naman ay nabuntis ng maaga pero hindi pinanagutan kaya nadepress siya at nagpabaya sa sarili. Sa madaling salita ako ang gumawa ng lahat ng paraan para makakain kami, at para magkaron ng pera sa panganganak ni ate dahil may mga kanya-kanya ding pamilya ang tito at tita ko. Gustuhin ko man himingi ng tulong sa kanila, nahihiya rin ako dahil hindi kami malapit sa kanila. Nag-aaral ako at nagtatrabaho sa isang fast-food chain. Sinikap ko na makapagtapos ng high school para na rin sa kanila. Binago ko ang sarili ko kinalimutan ko ang dating Antonette, na mahina, mahiyain at walang kumpiyansya sa sarili. Nagpakaama at ina ako dahil ako nalang ang maasahan nung mga panahon na iyon. Kahit hirap na hirap na ko hindi ako sumuko. May panahon na umiiyak ako dahil sa hirap na aking nararanasan pero pag naiisip ko ang mamang ko at sina papang nagkakaroon ako ng lakas. Pero nagbago ang lahat ng manganak si ate. Bumalik sa pag-aaral si kuya sa kolehiyo at di naglaon nagkaron rin ng trabaho. Si Papang naman ay sumiglang muli at naasikaso niya ulit ang boxing gym at si ate naman nagpatuloy sa kanyang huling taon sa kolehiyo at naging mabuting ina sa anak niya. Tama nga ang sabi ng iba ang pagkakaroon ng sanggol sa isang tahanan ay pagkakaroon ng bagong simula. Nagsimula ng naging maayos ang buhay namin at nakapagpatuloy ako ng pag-aaral ko. Kahit nahuli ako ng isang taon sa mga kamag-aral ko dati ay ayos lang, ang mahalaga balik aral na muli ako. Napabalik ako sa sarili ng sumigaw ulit ang papang ko. "Tony?" "Sandali lang po papang!" Naghilamos at nagtoothbrush na muna ko at nagpunta sa kwarto ko. Nagpalit na rin ako ng damit, di na ko naligo dahil madaling araw palang ay naliligo na ko. Nagsuot ako ng maluwang na tshirt at pinatungan ko ito ng jersey. Nakapantalon na din ako at tinali ang hindi kahabaan na buhok ko. Nagsuot din ako ng sobrero at inikot ito palikod para hindi ito nakaharang sa mukha ko. Nag-spray din ako ng pabango at sinukbit sa likod ko ang backpack ko. Napadaan ako sa malaking salamin namin at pinagmasdan ang sarili ko. Wala na kong suot na salamin. Hindi na rin ako mataba at kahit paano ay tumangkad ako ng konti. Ang sabi nila nangayat daw ako ng sobra dahil sa pagtatrabaho ko pero hindi na ko tumabang muli kahit kumain pa ko ng sangkaterbang kanin. Napabuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si papang na sinasayaw sayaw pa ang pamangkin ko na nasa pitong buwan palang. Ang gandang bata, gwapo siguro ang ama nito. Nakikipaglaro pa si Catherine sa pamangkin ko at ng makita ako naghalukip-kip ito ng kanyang braso at nakasimangot na nakatingin sa akin. Napakamot ulo naman ako dahil sigurado ako na may sermon na naman ako. "Hi papang at sa pinakamaganda kong pamangkin Chichay ang cute cute mo talaga" humalik ako kay papang sa pisngi at ganun din sa pamangkin ko pero may kasamang gigil na iyon. Tumatawa-tawa naman ito na lalong nagpangiti sa akin. Narinig ko naman ang tikhim ni Catherine kaya nilingon ko ito ng nakangiti. "Hello din sa pinakamaganda kong bestfriend,Mingming" sinimangutan ako nito at inirapan matapos akong tignan mula ulo hanggang paa. "Ganyan na naman ang pananamit mo! Hmp! And don't call me MingMing, anong kala mo sa akin? Pusa? Bahala ka nga dyan! Alis na po kami tito." at nauna ng umalis. Napatingin nalang ako kay papang na tumawa lang. "Sige po papang aalis na po kami. Mukha po kasing may dalaw na naman yung isang iyon at ako na naman ang napag-initan." "Oh siya sige. Mag-iingat kayong dalawa."nagmano ako kay papang at muling humalik kay chichay bago ko sinundan ang bestfriend kong may topak. "Uy! MingMing hintayin mo naman ako!"huminto naman ito at humarap sa akin na nakabusangot pa rin. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi nito at pinanggigilan. "Hwag kang laging nakasimangot pumapanget ka! "at tinawanan ko siya pero tinabig lang niya ang kamay ko. At seryosong tumingin sa akin. "Bakit kasi ganyan na naman ang damitan mo?" napatingin ako sa suot ko, ayos naman ah! "Dalaga ka na Antonette dapat magsuot ka ng angkop sa edad mo, h'wag ganyan" "Matagal ng ganito ang pananamit ko Cath, bakit ba hindi ka pa masanay?" seryosong tanong ko. "Yun na nga eh! Matagal na pero hindi ko magawang masanay kasi hindi ka naman ganyan dati. Umalis ako noon na may pareho pa tayong ribbon sa ulo tapos pagbalik ko sombrero na ang nakalagay dyan sa ulo mo?" lumuwas sila ng pamilya niya noon sa maynila at dun siya nag-aral pero hindi nawala ang komunikasyon namin. Pero hindi ko sinasabi ang nangyayari sa akin dito. Kahit noong nasaktan ako kay Justin ay hindi niya alam. Kaya laking gulat niya ng bumalik sila rito, ibang Antonette na ang nadatnan niya, malayong-malayo sa dating ako na hindi nakakalabas ng bahay hangga't hindi nakatali ang buhok. Madalas din akong nakasuot ng dress noon at lagi kong bitbit ang manika na regalo sa akin ni Mamang. Pero ng bumalik siya, naka-jersey sando ako, rubber shoes, sombrero at nakikipaglaro ng basketball sa mga dati naming kababata. Sobra siyang nadismaya, kaya simula noon naiinis siya pagganito ang ayos ko. At kahit nalaman pa niya ang ugat ng pagbabago ko. Napabuga ako ng hangin "Alam mo naman ang nangyari sa akin diba? Kailangan kong maging matatag at matapang , at para mangyari yun kailangan kong baguhin ang sarili ko. Bakit ba ayaw mo nalang tanggapin na ganito ako. O baka naman nahihiya ka na may kasama kang ganito? Anu bang problema mo sa mga kagaya ko? "may hinanakit na sabi ko dito. Siya ang bestfriend ko pero di niya ko kayang tanggapin bilang ako. "Hindi ko ikinakahiya na may kasama akong kagaya mo" "eh bakit ayaw mong tanggapin na ganito talaga ko? " "Alam ko ang nangyari sayo, lahat ng hirap at sakripisyo mo para sa pamilya mo pero hindi yun rason para magbago ka. Pwede kang maging matapang pero hindi ang pagbabago ng katauhan ang paraan para maging matapang ka. Wala akong problema sa mga kagaya mo kung yan ang pinuputok ng butche mo. Ang akin lang iba ka sa kanila at iba sila sayo. Sila alam na nila sa sarili nila na ganun sila at tanggap nila yun pero ikaw pinilit mo lang ang sarili mo na maging ganyan ka. Kinalimutan mo ang totoong ikaw di para maging matatag at matapang kundi para itago ang sakit na nandyan sa puso mo ng tanggihan nung Justin na yun ang pagmamahal mo." mahaba niyang sabi sa akin. Natahimik naman ako sa sinabi niya. Sige na aaminin ko na, simula ng masaktan ako kay Justin at mapahiya sa school binago ko na ang sarili ko. Ang mahaba kong buhok na hanggang bewang ginupitan ko hanggang batok. Itinapon ko ang mga pangkolorete sa mukha at nagsimulang magsuot ng maluluwang na damit. Naging tahimik ako at hindi na nakipag-kaibigan pa sa iba. Si Claud ganun pa rin ang ginagawa sa akin naging tampulan ako ng tukso pero natigil iyon ng pumasok ako sa school matapos naming mailibing si Mamang. Nagbabasa ako dahil may exam kami at hindi ako exempted dun. Nang makita kong parating ang grupo nila Justin ay agad kong iniligpit ang mga gamit ko at aalis na sana ng biglang humarang sa akin si Claud. Kinuha niya ang notebook ko na magdamag kong sinulat para makapgreview at pinuit isa isa sa harapan ko. Nagpigil ako ng galit pero hindi ko na napigil ang sarili ko ng ibigay niya kay Justin ang notebook ko at ganun din ang ginawa. Pinunit at binasa nila ang notebook ko at nagtawanan sila. Kaya hindi ko na napigil pa ang sarili ko. Para akong isang halimaw ng mga panahon na iyon. Hinablot ko ang tumatawang si Claud at pinagsasapak sa mukha hanggang sa dumugo ang kamay ko at mukha niya. Akmang tutulong ang mga kaibigan niya ng sipain ko sila sa parte ng katawan nila kung saan mas masakit. Namilipit silang lahat at ganun din si Claud. Dahil kahit siya tinadyakan ko sa ganung parte. Nakatingin naman ako kay Justin na tulalang nakatingin sa akin. Walang estudyante ang nagtangkang lumapit dahil ayaw nilang madamay ,ang naririnig ko lang ay ang umiiyak na mga babae pero wala akong pakialam. Napaatras Si Justin ng patakbo akong lumapit sa kanya. Patalon ko siyang sinuntok sa mukha at natumba sa lupa. Narinig ko pa ang mga babaeng napatili dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Nawala ang pakiramdam ko na gusto ko siya. Ang nasa isip ko lang noon ay makaganti sa kanilang ginawa sa akin. Kagaya ng mga kaibigan niya napuruhan ko din si Justin pero wala akong naramdamang awa sa kanila kundi galit. Napatawag ang tito ko sa guidance. Hindi pwede ang papang ko dahil mahina pa ito dahil naging sakitin ito. Kinausap ang tito ko at napatawan ako ng 2 weeks suspension mabuti na nga lang daw at hindi na nagreklamo pa ang mga nabugbog ko dahil umamin naman daw ang mga ito na sila ang nauna kaya hindi na ko napatalsik sa School. Nang makabalik na ko sa school maraming estudyante ang naging ilag sa akin at wala akong pakialam dun. Ang grupo din ni Justin ay nakikita ko pero hindi na nila ako ginugulo. Naging maayos na ang pag-aaral ko at pagtatrabaho kaya nakapagtapos ako. Hindi nga lang ako nakakuha ng scholarship dahil sa ginawa ko kaya nahinto ako. Wala akong naging kaibigan si Catherine lang. Siya lang ang taong hindi ako kinatakutan kahit pa nalaman niya kung ano ang ginawa ko. Napabalik ako sa sarili ng maramdaman ko ang pagpunas ni Catherine sa pisngi ko. Nakangiti siya sa akin at niyakap ako. "Sige. Hindi na kita pipilitin na ibalik ang dating ikaw. Kung san ka masaya at komportable susuportahan kita. Wag kana umiyak" "Hindi naman ako umiiyak dahil dun.. Pero pasensya kana. Twing iisipin ko na bumalik sa dati naalala ko ang sakit na ginawa nila sa akin." umiling iling siya at pinunasan ulit ang luha ko. "ok na yun. Pasensya ka na rin at ikaw ang napag-iinitan ko, naiirita lang kasi ako ngayon. Alam mo na.. " "Oo na. Buwanang dalaw mo" Hinampas niya ko sa braso "kung makapagsalita to kala mo naman hindi nagkakaroon ng regla. Tara na nga! Ang drama mo, may paiyak iyak ka pa"inakbayan ko siya at kumapit naman siya sa bewang ko. "Eh pano! Pinapaiyak mo ako! " "iyakin ka lang talaga" ganting sabi niya sa akin. Nag-aasaran kaming pumunta sa sakayan. Ganyan naman talaga kami magkakapikunan at mag-iiyakan pero sa huli mag-aasaran. Marami ang napagkakamalang mag-jowa daw kami pero hindi namin pinapansin. Alam naman namin kung ano kami at kahit sabihin namin iyon sa iba, hindi sila maniniwala dahil hindi mo mapapaniwala ang mga taong masyadong makikitid ang utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD