KABANATA 2

1058 Words
KABANATA 2:    LAHAT sila ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ako makasagot. Hindi pa namin napagu-usapan ni Emil ang parteng iyan dahil kanina lang kami nagka-ayos. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ang inintindi ko lang ay ang kaming dalawa lang. Hindi ko na inisip ang girlfriend niya. Naging makasarili ako bigla dahil kay Emil.        Napangisi si Kuya Landon. Napailing at umiwas ng tingin si Kuya Jack. Bumalik sa panunuod si Kuya Charles at Kuya Nolan.       "He must be talking to Lolo," si Kuya Jack na nilagpasan ako para puntahan si Emil at Lolo Aurelio.       "Kuya! Hindi pa kami nagkaka-usap tungkol don dahil biglaan ang nangyari. Kinakausap pa siya ni Lolo!" sigaw ko habang pinipigilan si Kuya Jack sa paglakad.     "Let her handle this, Kuya Jack."     Napatingin ako kay Kuya Landon. Nakahinga ako ng maluwag na ganoon ang sinabi niya.     "Geselle is too blinded with that guy. It's damn obvious! Emil is toying her! Hahayaan mo lang?" inis na sabi ni Kuya Jack.     Napahawak ako sa aking ulo. Sumasakit ang sentido ko na hindi lang si Lolo ang nangingialam ngayon maging mga pinsan ko sumasali na.       "We both have no idea what is going on. Let them talk and handle this first. If Emil doesn't want to separate from his girlfriend. Then, we can get involved," si Kuya Landon na napaka-babaero ang siya pang nagpapayo ng ganito.       "Geselle, we won't just sit here and watch your heart crushed again because of that man," paliwanag ni Kuya Landon at lumapit sa akin para guluhin ang buhok ko.     Namumula ang aking mga mata dahil sa sinabi nya. Hinahaplos ang puso ko dahil may mga pinsan akong handang ipagtanggol at samahan ako sa mga laban ko sa buhay.     "Wow, the notorious playboy in town gave that kind of advice?" si Kuya Charles na sinampa ang dalawang braso nito sa likod ng sofa para lang tignan kaming dalawa.     "Aray!"     Binatukan ni Kuya Nolan si Kuya Charles. Nanatili akong tahimik. Ayoko sanang maabutan ni Emil sila Kuya at baka kung ano pang sabihin nila kay Emil. Gusto ko munang mag-usap kami.     "Can you all leave? Magu-usap pa kaming dalawa at inaantay ko siya." Nakagat ko ang ibabang labi.     "Wow! Pinapaalis tayo ni Senyorita!" si Kuya Charles.     "Bakit? Ayaw mong makita niya kami? Wala naman kaming gagawin, ah?" si Kuya Jack. Hinatak siya ni Kuya Landon palabas sa mansion.      "Sige na... susunod ako sa track mamaya kung okay na kami." Umiwas ako ng tingin. Tumayo sila Kuya Nolan at Kuya Charles. Ginulo ni Kuya Nolan ang buhok ko habang si Kuya Charles ay niyakap ako.     "Kapag niloko ka ng lalaking 'yon. May pagkakalagyan siya sa amin!" biro nito. Sinimangutan ko siya at hinampas sa braso. Humagalpak ito ng tawa bago tuluyang sumunod sa mga kapatid nitong paalis na.     Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sila sa aking paningin. Alam ko naman na mangangabayo sila ngayon dahil iyon naman talaga ang bonding namin. Sa ngayon, hindi ko alam kung susunod ako dahil sa sitwasyon. Sinabi ko lang iyon para tantanan na nila ako.     Bumalik ako sa sofa at umupo. Pinatawag ko ang katulong para magdala ng maiinom. Hindi ako mapakali. Nakatitig ako sa TV pero wala naman akong naiintindihan. Panay ang ngatngat ko sa aking kuko. Ang pakiramdam ko ay gusto kong magbanyo na hindi.     Hindi ako mapakali. Kahit na nakainom na ako ng juice ay hindi iyon nakapagpakalma sa akin. Ilang minuto na silang nagu-usap. Sampung minuto na bakit ang tagal naman.      Napatayo ako ng makarinig ng yabag. Lumingon agad ako at sinalubong si Emil. Ngumiti siya ng makita ako. Hinanap ko ang kanyang mga mata upang mabasa kung anong nilalaman ng isip niya pero bigo ako. Sinilip ko ang sa likod niya pero wala si Lolo Aurelio.       "He wants to sleep," si Emil ng mapansing pasimple kong sinilip kung sumunod si Lolo sa kanya.     Tumango ako.      "Anong nangyari? Bakit ang tagal niyo mag-usap?" puno ng pagaalala kong tanong.     "We talked a lot. Don't mind it. Okay naman ang lahat. Now, I want you and I to talk," seryosong sabi ni Emil sabay hawak sa kamay ko.     Kumalabog ang puso ko. Matapos ang isang taon ay ngayon kami magu-usap ni Emil ng masinsinan. Iyong tungkol sa aming dalawa. Naghatid ng kilig iyon sa aking katawan. Parang may mga paru-parong nagliparan sa aking tiyan.       "Uhh... nasa taas ang kwarto ko," sabi ko sa kanya.     Tinitigan niya ako at bigla itong natawa na abot hanggang mata. Kumunot ang noo ko.     "Oh, baby! Don't offer your room. I've been craving for you for a year now. Baka hindi tayo makapag-usap ng matino niyan."      Pinamulahan ako ng mukha. Bakit ba ganoon ang sinabi ko sa kanya. Pwede namang dito na kami sa sala mag-usap. Natatawang kinabig niya ako para yakapin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.      "I miss you... I miss you, baby," sabi nito. Mahigpit niya akong niyakap.      Parang yakap ng takot pakawalan. Napangiti ako at nangingilid na naman ang luha. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito.       "I will break up with her. I want to end my relationship with her personally. Nasa Italy si Vernice. Malaki ang kasalanan ko sa kanya at hindi ko maatim na sa tawag ko lang siya hihiwalayan. I will tell her about us. Do you trust me?" Lumayo si Emil para makita ang aking mukha.       Umiiyak akong tumango. Pinahid ni Emil ang mga luha sa aking pisngi.     "Thank you. Thank you..." anito at naluluhang hinalikan ako sa noo.     "Gusto ng Lolo mo na asikasuhin na natin ang kasal. I'm going to Manila tomorrow. Aasikasuhin ko ang sa trabaho at kakausapin muna ang Manager ko. I am planning to tell them about my plans... about us. Do you want to come with me?"      Tumango ako at ngumiti.     "Sisimulan nating ayusin ang lahat simula bukas. I'm sorry this is all of a sudden. Gusto kong malaman mo na kahit hindi ako tutukan ng baril ng Lolo mo. Handa pa din akong suyuin ka at pakasalan ka. Buo na ang loob ko. But I consider this as a blessing. Gusto kong halikan si Senyor sa totoo lang. Siya na ang gumawa ng paraan para maikasal ako sayo. I dream to be your husband, baby. I dream about having a family with you..." namamaos niyang sabi.     Naghatid ng tila kiliti sa aking tagiliran ang mga salitang iyon ni Emil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD