Alaric’s POV Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Para itong binibiyak o pinapalo ng martilyo. Pagtayo ko pa lang, bigla kong naalala ang lahat nang nangyari kagabi. Sh*t! Umandar na naman ang pagiging tanga ko kapag lasing. Napapasapo ako sa ulo ko sa mga katangahang ginawa ko. Pumasok ako sa loob ng banyo para iligo na itong hang-over na nararamdaman ko. Habang nakatapat ako sa shower, naalala ko ‘yung mga pinaggagawa ko kay Vala kagabi. Putang-ina. Tama si Grizelda, mas lalo ko lang pinapangit ang tingin ni Vala sa akin. Bakit hindi ko naisip ‘yon? Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako. Bumaba na rin ako sa ibaba para kumain. Pagbaba ko, sinalubong ako ni papa. Sinampal niya ako kaya nagulat tuloy ako. “B-bakit po?” Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Ang lakas nang pagk

