Alaric’s POV Narito na ako sa bar para makipag-meet kay Cristy. Siya ‘yung unang binigay na babae sa akin ni Vala. As of now, I don’t know anything about her. She doesn’t have social media, so I can’t stalk. Kaya naman naisipan kong makipagkita na sa kaniya ngayon para malaman ko kung pasok pa ito sa taste ko. Kumuha ako ng isang private room para ma-solo ko siya. Para rin tahimik. Narito na ang mga pagkain at alak. Gusto ko kasi kapag nag-usap kami ay mag-inuman kami para makilala ko siya at humaba rin ang usapan. Pero hindi ako magpapakalasing at masakit pa ang ulo ko gawa nang paglalasing namin kagabi sa mansiyon. Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang waiter para ilapag sa lamesa ang iba pang pagkain na in-order ko. Habang naghihintay ako kay Cristy, naalala ko ang napag-usapan namin

