Chapter 2

1289 Words
Vala’s POV “Ma’am Vala, what happened? The person who ordered the cake that you brought called here. They’re asking why the cake still hasn’t arrived at their place until now?” tanong agad sa akin ng customer service representative na si Mimi pagbalik ko sa cake shop ko. “Please call them again. Apologize and explain that there was an issue. I was already at their place when I was accidentally bumped into by a man. I stumbled and fell along with the cake, causing it to be damaged. Kindly offer to refund their payment or, if they prefer, replace it with any cake of their choice, free of charge, to prevent them from giving us a one-star rating on our page,” sagot ko sa kaniya habang napapasapo sa ulo ko. Hindi bale, doble-doble naman ang ibabayad sa akin nung lalaki na nakabangga sa akin, kaya okay lang na ilibre ko na lang ng ibang cake ang customer na ‘yun. Nakakahiya rin kasi. Lumapit sa akin si Claud. Ang manager dito sa cake shop ko. Hinimas niya ang likod ko. “Ayos lang ‘yan, Ma’am Vala, malaki naman ang kita natin dahil sa daming bumili ng cake ngayong araw,” sabi niya. Tinignan ko siya ng masama. “Hindi ba’t sinabi kong bawal mag-tagalog. Manager ka pa man din,” sita ko sa kaniya. “Well, there aren’t any people here anymore. We’re also closing, so it’s alright. When the situation is this serious, it’s hard to be too formal, and besides, we’re close. I may be the manager here, but we’re best friends outside.” Umirap ako. “Eh, kung sisantehin kaya kita? Wala tayo sa labas kaya boss mo ako ngayon, usapan na natin ito Claud. Paano susunod sa akin ang ibang staff ko kung ang manager ay pasaway. Hay naku, sumasakit ang ulo ko sa inyo.” Nilayasan na lang tuloy niya ako. Ah, basta, kapag narito ako sa cake shop, gusto ko seryoso. Mahigpit ko kasing pinagbabawal ang pagtatagalog dito sa cake shop ko dahil kadalasan sa mga customer namin ay mga foreigner. Sikat ang cake shop ko sa mga dayuhan. Mas tinatangkilik nila ang mga cake ko kaysa sa mga kapwa ko filipino. Kaya ayon, gusto ko, puro english ang salitaan dito ng mga staff ko, para na rin maging bihasa sila sa pakikipag-usap sa mga dayuhan. Maya maya lumapit na ulit sa akin si Mimi. “Ma’am Vala, they agreed. They’re fine with any cake, so their occasion won’t be ruined.” Siyempre, sino ba naman ang hindi papayag kung ibabalik na ang bayad, tapos libre pa ang cake. Okay na rin siguro ‘yun, ang mahalaga ay wala ng problema. Tumango ako. “I’m tired. You can be the one to instruct anyone there to deliver the cake to them. And next time, we should actually have two delivery boys so that if one gets sick, we still have another one to do the deliveries.” Maglilinis na ang mga cleaners kaya pumasok na muna ako sa office ko. Pagdating doon ay binati agad ako ng mga staff ko. Kahit na medyo maliit pa lang ang cake shop ko, kumpleto naman ako ng tauhan. Kahit paisa-isa, mayroon ako. May isa akong manager, may isang administrative staff, may isang finance staff, may isang customer service representatives, may isang inventory manager,may isang IT staff at may isang marketing staff. Maganda na ‘yung kumpleto para hindi ako nahihirapan. Kapag narito ako, wala na akong ibang ginagawa kundi ang panuorin at tignan na lang sila. Sa totoo lang, nahirapan ako nang una, pero ngayon, galamay ko na ang pagkakaroon ng isang cake shop, easy na lang sa akin ngayon ito. Basta ang goal ko, palaging trending sa mga social media ang mga cake ko, para lalo itong humatak ng customer, lalo na sa mga dayuhan na pumupunta rito sa pilipinas para mag-celebrate ng birthday o kahit na anong event. ** Dumaan kami ni Claud sa isang restaurant para mag-dinner. Pauwi na kasi kami at nakakatamad kung sa bahay pa magdi-dinner. “Oh, puwede na bang mag-tagalog, bruha ka?” tanong niya. Ayan, diyan siya magaling. Kapag nasa labas kami, hindi na ako ginagalang bilang boss niya. “Oo, bruha ka rin,” sagot ko at saka ako tumawa. “Teka, sino ba kasi ‘yung lalaking nakabunggo sa iyo? Baka naman siya na?” Umirap ako. “Tigilan mo ako, Claud. Naiirita na nga ako, iniirita mo pa ako lalo,” sagot ko sa kaniya. “Pero pogi ba? Baka naman puwede na. Jusmiyo, ilan taon ka nang single, baka puwede na ulit?” “Ayoko nga sabi eh. Tigilan mo ako, Claud, naiinis na sabi ako eh!” “Sabagay, sino ba namang magkakagusto sa gaya mong babaeng maganda nga, pero kung pumorma, daig pa ang tomboy,” sabi pa niya at saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. Nagpakita pa ito nang pagngiwi na para bang diring-diri sa porma ko. “Style ko talaga ito para tigilan ako nang mga lalaki. Isa pa, magpapayaman na lang ako nang magpapayaman kaysa palaging naloloko ng mga lintik na lalaki na ‘yan. Nang sa ganoon ay makita ko na rin ang ama ko na dati ko pa gustong makita.” Pagdating ng order namin, kumain na kami dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Kaya rin siguro kanina pa mainit ang ulo ko ay dahil gutom ako. Paglabas namin sa restaurant na ‘yun, nag-aya naman mag-ice cream si Claud. Libre na raw niya kaya sumama na ako. Habang nasa counter na siya at um-order ay nag-cellphone muna ko. Pagbukas ko ng phone ko, litrato nung lalaki na nakasunggo sa akin ang unang bumungad sa screen. Bigla namang dumating si Claud at saka inagaw ang cellphone. “Sino ‘to, girl? Ang guwapo ah! Kahit mukhang nagulat siya sa litrato niya diyan,” sabi niya. Umirap ako at saka muling inagaw ang cellphone sa kaniya. “Siya ang lalaking nakasunggo sa akin kanina kaya nasira ang cake,” sagot ko sa kaniya. “Totoo? Hala, ang guwapo niya, Vala. Baka siya na ang destiny mo. Ganitong-ganito ‘yung mga nangyayari sa mga korean drama. Hala, pakiramdam ko magkaka-boyfriend na ang friend kong ito,” sabi pa niya habang kinikiliti ang tagiliran ko. “Sorry, hindi ko siya type. Saka, kaya ko lang siya na-picture-an ay baka hindi niya tuparin ang pagbayad sa nasirang cake,” paliwanag ko. “Ah, basta. Aasa ako na magkikita pa rin ang landas ninyo at baka siya na talaga the one mo, Vala. Hulang-hula ko na ang mangyayari sa buhay pag-ibig mo, Vala.” “Tumigil ka! Malabong mangyari ‘yan. Tatanda na akong dalaga, ‘yun ang totoong mangyayari, hindi ‘yang kabaliwan na prediction mo!” Habang kumakain kami ng ice cream. Biglang sumagi sa isip ko ang itsura nung lalaking nasunggo ko kanina. Sa totoo lang, guwapo nga siya. Kanina, pagtayo ko nang mabunggo niya ako ay napatitig talaga ako sa kaniya. Mukha kasi siyang artista, ‘yon ang totoo. At kahit parang nilalayuan ko na ang mga lalaki, hindi ko pa rin talaga maalis sa sarili ko na kapag nakakakita ako ng poging lalaki ay napapatitig na lang ako sa kanila. Lalo na kanina, pero nang mapagtanto kong hindi puwede, mali ang ginagawa kong ‘yun ay doon ko na nilabas ang alas ko. Siyempre, mali rin naman ‘yung ginawa niyang pagsunggo sa akin. Natapon ang cake at nasira pa kaya talagang deserve niyang tarayan at sigawan. Mabuti na lang at madali siyang kausap. Isa pa, kalmado lang siya kaya hindi na ako lalong nag-inaso. Ah, basta, hinding-hindi na ako iibig sa kahit na sinong lalaki. Tatanda na akong dalaga at virgin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD