Alaric’s POV Pagkatapos ng meeting, kinaladkad ko na agad palabas ng kompanya ko si Melira. Naaamoy ko kasing dadaldal pa siya nang dadaldal doon. Sa work kasi, alam ng lahat na matino, seryoso at masungit ako. Walang may alam sa kanila na babaero at naghahanap ako ng babaeng virgin. Ang tanga ko rin kasi dahil nawala sa isip ko na hindi ko na pala dapat na sinama dito si Vala dahil madaldal ito. Mabuti na lang talaga at naisipan kong sumilip sa CCTV ng office ko kanina. Nakita at narinig ko na kausap ni Melira ang secretary ko. Kung hindi ako sumulip doon, baka nakipagkuwentuhan pa roon si Melira. “Wait, hindi ka pa nag-aalmusal ah?” tanong niya sa akin habang nagmamaneho na siya ng sasakyan. Ngayon ay papunta na kami sa farm ko kung saan nasira ang ilang mga wine barrel ko. “Gutom ka

