Vala’s POV Lumabas na ako sa dressing room. Handa na ang lahat. Dito lang din kasi sa sala ang photoshoot. Ang galing ng art director dahil mas napaganda niya ang paligid ng sala. May iba’t ibang background siyang inayos dito na for sure ay magiging background ko mamaya. Lahat sila napapatitig sa akin habang naglalakad ako sa papunta sa sala. Wala ata akong hindi nakikita na hindi napapanganga nang makita ang itsura at suot ko ngayon. Nakakainis dahil hindi maiwasan ng mga lalaking staff na mapatingin sa dibdib kong kitang-kita ang kaluluwa. “Vala!” tawag sa akin ni Alaric. Nang tignan ko siya ay titig na titig siya din ito sa akin habang nakabuka ang bibig. Pati ang kasama niyang sina Harry at Griffin napatingin din bigla sa akin. “Yes?” tanong ko naman. “A-ng g-ganda mo. Parang iban

