Chapter 1
-
Lauren's Point Of View
Halakhak, tuwa at galak ang pumupuno sa Stadium ng New York matapos ang laro. Matapos kaming manood ni Kat ng isang Softball Championship ay mayroong nagtanghal rito. Lahat ng tuwa ng mga taong naririto ay napaltan ng takot at kaba nang biglang tumunog ang siren at tumagal ng limang segundo.
"Everyone this is not a drill. But please calm down, an unidentified triangular ship has invaded Earth on its lower part in Australia. We believe that these aliens are here to take brains of all population on our Earth." Sandaling nakakabinging katahimikan ang bumabalot ngayon sa Stadium. "According to the World League of Investigations,those people who died are missing their brains and left with an unidentified note." Sabi nung lalaki na nagflash sa big screen ng Stadium.
"Oh no!"
"What are we going to do?"
"Are they going to spread all over America too?"
Mga bulungan na nagkalat ngayon sa Stadium, maging kami ni Kay ay nabalot ng kaba.
"Lauren? Anong gagawin natin? Malayo tayo sa Pilipinas!" Kabadong wika ni Kat habang niyuyugyog ako.
Ano ba 'tong babaeng ito? 'Di ba siya nakikinig sa lalakeng nagflash dun sa malaking screen kanina?
"Ano ba! Kumalma ka nga. Malayo pa ang Pilipinas sa Australia, at America. As long as we have 2 days of free aliens, we can have a flight to the Philippines." Napairap naman ng mata si Katana.
Sa totoo lang kinakabahan din naman ako dahil sa announcement na ito, maging ang mga tao sa mundong tinitirhan namin.
Lahat naman ng nandito sa Stadium ay nagulat ng biglang may isang napakalaking bullet ang bumagsak sa field ng Stadium na dahilan ng pag panic ng lahat ng tao dito. Halos lahat ng tao dito ay nasa 20,000 ang capacity. Isa pang announcement ang lalong nagpakaba sa mga tao rito.
"Okay people, THIS IS NOW THE TIME TO PANIC! There are now on the total of 8 Triangular Ships entering the upper atmosphere! Run as far to those ships you are in their radar!" Kabadong pag-aannounce ng lalaki sa big screen.
Nakita ko na lamang si Kat na hila hila ako papaalis ng Stadium dahil sa napakalaking bullet na tumama sa field na dahilan ng pagkasunog ng ibang bahagi ng Stadium.
Anong gagawin namin? Malapit na ba kaming mamatay? Pano ang pamilya namin na nasa Pilipinas? Kamusta na kaya sila? Nasa maayos ba silang kalagayan?
Mga tanong ang kumakalat ngayon sa aking isipan. Kaba at takot ang bumabalot sa aking katawan. Maging si Kat ay nakararamdam ng mga ito. Napatigil naman ng makita ko ang isang batang naiipit ang paa sa ilalim ng malaking debris hindi na ako nagalinlangang tulungan pa ito, nakakaawa ang hitsura nito at tumutulo na ang luha nito at tila bumagal ang paligid dahil sa presence niya na may nag-udyok sa aking lapitan ko ka agad at tulungan. Kaya agad akong bumitaw sa pagkakahawak kay Kat na dahilan ng pagkakahiwalay namin. Pero hindi na ako nag alinlangan pang tumakbo papalapit sa bata at iniangat ang batong nakaipit sa kaniyang paa. Hinila ko ang bata papunta sa lugar kung saan maraming tao at nagdiretso na kaming dalawa kay Kat na nakatulala ngayon sa isa sa mga Triangular Ship ng mga alien.
"Kat! Ano pang ginagawa mo d'yan? Delikado dito, kailangan na natin umalis!" Sigaw ko sa kaniya.
Nakatulala parin ito ngunit hindi ito ang dahilan para hindi ko siya hilahin at dalhin sa lugar kung saan ligtas kaming tatlo.
"Dito! Dito tayo!" Aya ko pa kay Kat habang bitbit namin ang batang babae.
Nasa isang lugar kami kung saan ito'y nakatayo sa gilid ng City ng New York malapit sa Time Square, ang bahay na ito ay gawa sa makakapal at matitigas na konkreto at bakal. Siguro naman ligtas na kami dito, buti nalang may radyo akong dala sa aking bag pack. Tatawag nalang siguro kami sa kanila kapag medyo tahimik na ang labas. Nakikita namin ang mga pangyayaring nagaganap sa labas sa tulong ng isang maliit na butas sa gilid ng pinto. Sa mga pagkakataong ito na hindi pa din namin nakikita ang mukha ng mga alien na ito ay sadyang masisindak kana sa paalala pa lamang ng mga balita.
Napabaling naman ang tingin ko kay Kat na tulala padin hanggang ngayon, at sa batang yakap yakap ang kaniyang binti at nakayuko dito.
"What's your name?" Tanong ko dito.
"A-Allison Wiltson" nauutal nitong sagot. Ang ganda niyang bata, kulay asul ang mga mata at napaka kinis ng kutis nito. Kulay blonde ang buhok at medyo kulot at kapansin pansin din ang kaniyang locket.
"Well, I am Lauren. Where's your mom?" tanong ko sa kanya.
"I-I don't have a m-mother." sagot niya.
"Well, who are you with?" tanong ko pa.
"I am w-with my father, after the a-attack my f-father was running with me but a h-huge debris came through our way and got me stuck in there where y-you found me." Sagot niya habang naiyak. Nakakaawa siya, siguro ay nasa mga 8 taon pa lamang ito at wala na siyang ina at napahiwalay pa sa kaniyang ama.
Pero teka? Bakit hindi siya tinulungan ng tatay niya makaalis sa malaking debris na iyon?
"Why didn't your father helped you get up?" tanong ko.
"He was suppose to but people kept on running and made my dad further away from me." sagot niya.
Katana's Point Of View
Habang tulala ako ako sa kawalan ay naiisip ko parin ang kalagayan ng mga pamilya namin ni Lauren sa Pilipinas, alam ni Lauren kung gaano ko sila kamahal at alam kong gano'n din siya.
Habang nakikipag-usap naman si Lauren kay Allison, naiimagine ko kung paano na kami ni Lauren kapag napahamak pamilya namin tapos may isa pa kamjng tungkulin na bantayan ang batang ito. Kinukutuban lang ako kung bakit parang mag-kamukha sila ni Lauren, pero mas-mature lang ang mukha ni Lauren.
"Don't worry, we'll find your father and reunite you two again." pang-aaliw naman ni Lauren kay Allison.
"Thank you." Sagot nito sabay yakap kay Laurem.
"Pano tayo makakauwi sa Pilipinas?" Tanong ko kay Lauren at naka-kunot naman ang noo ni Allison na tila inaalam ang aking sinabi.
"Kapag tahimik na sa labas at pwede na tayong umalis, medyo delikado pa baka makuha o madampot tayo ng mga alien." Sagot niya.
Napatayo na lamang ako at naghanap ng pagkain sa bahay na ito. Inikot ko ang bahay at nakarating na sa kusina pero walang pagkain doon. Nagulat na lamang ako ng makapasok ako sa isang kwarto na napakadilim, nagdiretso ako kina Lauren at dali-dali ko itong hinila.
Para siyang Investigating Room, may isang board na may mga piraso ng litrato at dyaryo tapos may mga strings pa ito na naka-connect ang isang litrato sa isa pang litrato na parang katulad nung sa mga movie.
"Ano toh?"
"What's this?"
Sabay na tanong ng dalawa.
"Hindi ko alam pero naghahanap lang ako ng pagkain pero nang makarating ako dito, ito ang nadatnan ko." Sagot ko naman
"What did she just say?" Tanong ni Allison kay Lauren.
"Oh, um. You're still too young to know these things." sagot ni Lauren.
"Oh, okay." Dagdag naman ni Allison
Pinasok namin ang kwartong ito, tanging maliit na black light lang ang nagsisilbing ilaw namin dito. Inikot namin ang kwartong ito, pero hindi kami nabigo sa pagpasok dito.
"They're all articles about Alien Invasions, and some strange creatures caught on cam." wika ni Lauren.
"But why would someon-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang may tumunog sa likuran namin ni Lauren habang nakaharap sa article board.
Nakita namin si Allison na nakaharap na ngayon sa isang pinto na ngayon lamang namin nakita. Parang secret room ito na mayroon pang secret room ulit.