Habang nakasakay ang lahat sa sasakyan, patalbog talbog naman ang sasakyan nila kaya naman naiinis na lumayo si Dave mula kay Marikit upang may malaki pa silang pagitan mula sa isa't isa. Dahilan naman iyun upang tingnan sya ni Marikit na nag tataka. "Problema mo?" Pabulong na sigaw ni Marikit kay Dave. Napa iling iling naman ng ulo si Dave. "Wala naman pero dikit ka kasi ng dikit sa akin tapos mabasa na yung balat mo," saad ni Dave. "Paano ba naman eh dikit ka rin nang dikit sa akin kaya paano ako 'di papawisin eh ikaw yung dikit nang dikit sa akin," pag sumbat pabalik ni Marikit kay Dave. Hindi na lang nag salita pa si Dave upang hindi na naman lumaki ang pag susumbatan nilang dalawa. "Ah mister Dave and miss Marikit, Aila will be the one na mag aassist sa inyo sa lahat ng gagawin n

