Chapter 2

1151 Words
"Girl, hindi na ako babalik do'n sa probinsya namin, ni wala manlang signal para maibandera ko ang feslak ko sa buong mundo. Sobrang nakakabagot!" reklamo naman sa akin ni Diyosa na nakatayo lang dito sa harapan ko. "I tell you not going home but you not listening in me. Edi sana ngayon ay madami ka nang nailagay diyan in f******k mo," ani ko pa. Tinaasan niya naman agad ako ng kilay. "Alam mo girl, sayang ka eh. Ubod ka ng ganda, pero ubod ka rin ng bobo. Huwag ka na ngang mag-english nakakasakit ka sa ulo," ani naman nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Atleast maganda naman ako bhe, keysa naman diyan sa anak ni Gina, ni Lesley, at ni Grace na ubod ng papangit na eh, grabe pa makapanglait!" bulyaw ko pa. "Hoy Marikit 'yang bunganga mo ay maiis-stapler ko talaga 'yan nang wala sa oras kung hindi ka titigil sa pagsasalita ng mga walang kwenta," dinig ko namang sigaw ni Tita Mildred na nagbabalot ng mga kakanin sa loob ng bahay. Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo na sa kinauupuan ko. "Diyosa, pakibantayan mo muna 'tong karinderya at kanina pa ako ihing-ihi. Looking out there ha? Goodbyeness, be right backing back," ani ko pa at naglakad na papasok ng bahay. "Oh saan ka na naman pupunta?" Napatingin naman ako kay Tita Mildred habang natakbo papunta sa cr. "Magluluto po sa cr Tita, bakit po?" "Mapapalo na talaga kitang bata ka, palagi mo nang pinapa-init ang ulo ko!" dinig ko namang bulyaw niya sa akin galing sa labas kaya napatawa ako. Hays! Tita is proud if I go to America will marry a richness husband of American citzen. Lumabas na ako sa cr at dali-daling tumakbo sa labas. Mahiya naman si Tita kung papaluin niya ako habang may kumakain dito sa karinderya. "Girl," tawag sa akin ni Diyosa. Nako, basta ganitong mga tono ay alam ko na ang pakay. "Ano mangungutang ka na naman? Ay sinasabi ko sa inyo no return no surrender my money." Kahit pangbili ko nga ng sabon ay wala ako pagkatapos ay pauutangin ko pa siya? Kaya nga hindi na ako nakapag-aral dahil walang perang panggastos ano pa kaya ang ibibigay ko dito. "Alam mo namang pinadala ko lahat sa pamilya ko ang perang nakuha ko sa raket natin, hindi ba? Baka kasi wala na akong matirahan kapag hindi pa ako nakapagbayad." Napa-iling nalang ako dahil naaawa rin kasi talaga ako dito sa kaibigan ko, pero wala rin naman kasi akong magagawa talaga para matulungan siya. Napa-isip naman agad ako ng plano kaya napangiti ako sa kaniya. "Bakla may plano ako!" agad kong sabi. Napatingin naman sa amin ang mga kumakain na mga driver kaya napangiti nalang ako. "Ano na naman 'yan ha? Huling plano mo ay muntikan na tayong nakulong pagkatapos mo akong pagbentahin sa club Marikit ha, kaya umayos-ayos ka ngayon," ani niya pa sa akin. Ito naman, mukhang no trust in me. "Trusting me bakla. Ganito kasi, paano kung sumali tayo sa Pera o Kaldero?" Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Sabi na eh, matutuwa talaga siya sa plano kong 'to. Malaki rin kasi ang premyo kaya alam kong makakapag-ipon narin ako ng pera na pang-ibang bansa kapag nanalo kami do'n. "Hindi girl!" ma-awtoridad niyang pahayag kaya nagulat ako. "Why bakla? We will rich if the money in that Pera or Kaldero is will be us," ani ko pa. "Dali na kasi sumali na tayo bakla," pamimilit ko pa. Wala narin kasi akong maisip na iba pang paraan para makapag-ipon ng pera. "May pera ka ba pamasahe ha girl?" tanong niya naman sa akin. What she think of me? I don't own money now? "Syempre naman ano ka ba, bobo lang ako pero may naiipon naman akong pera," ani ko pa. "Atsaka matagal ko naring pinag-isipan ang tungkol sa pagsali dito no, akala mo ha? Mabuti nga at nabanggit mo ang utang na 'yan kaya pumasok na ulit 'yon sa utak ko." "Oh siya kelan tayo sasali?" "Sa Miyerkules, bukas tayo mag audition," maikling sambit ko. Lumapit naman si baklita sa akin. "Sa tingin mo papayagan tayo ni Tita?" bulong niya pa. Napatingin naman ako kay Tita na nagbabalot parin ng mga paninda niya para mamayang gabi. "Tinitingin-tingin niyo diyan?" supladang tanong nito. "Maldita naman niyang Tita mo girl, alam ko na kung saan ka nagmana. Oh basta ha? Tuloy tayo bukas ha? Alam mong kailangan ko talaga ng pera Marikit kaya huwag mo akong indianin," ani niya pa. "Hmmp baka ikaw pa nga mang-indian sa akin eh." "Sige na, uuwi muna ako at kailangan ko pang ayusin 'tong mga gamit ko galing sa probinsya. Kita nalang tayo dito bukas ng tanghali," sambit niya pa at umalis na. Pagkatapos ng mahabang araw ay sa wakas ay nakapagpahinga narin ako. Tuwing nagsasara kami ng karinderya ay doon lang ako nakaka-upo ng maayos. Mabuti nga at palagi malaki ang benta namin kaya malaki ang naibibigay sa akin ni Tita Mildred. “Marikit.” Napatingin naman ako kay Tita nang marinig kong tinatawag niya ako. Abala kasi siya sa panunuod ng telebisyon habang nandito naman ako sa labas ng bahay nagpapahangin. “Bakit po?” “Pumasok ka nga muna rito,” ani niya pa kaya sinunod ko na. Mahirap na dahil baka masigawa na naman niya ako mamaya kapag hindi ko siya sinunod. “Sigurado ka na ba diyan sa plano mong sumali sa Pera o Kaldero sa susunod na araw? Nako, sinasabi ko sayo mabuti sana kung ang kasama mo ay balae kong si Dave pero si Jomari na ‘yon? Hay nako, uuwi kayong walang perang dala,” ani niya pa kaya nagulat ako. “Tita grabe ka naman po kay Diyosa, maiaahon din naman po siguro namin ang mga tanong kaya huwag kayong mag-alala. Atsaka tungkol kay Dave? Kahit pa po pumuti ang uwak ay hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa lalaking ‘yan Tita. I mygad so swear! wika ko at lumabas na ulit ng bahay. Nakakastress naman kasi. Palagi nalang si Dave ang kinukumpara sa akin eh graduating na sa college ‘yon samantalang ako ay ilang taon nang bokya, wala pang jowa na foreigner. “Oh bakit ka na naman nakasimangot diyan ha?” Kumulo naman ang dugo ko nang mapagtanto na nandito na naman ngayon sa harapan ko ang insektong si Dave. “Ba’t ka nandito? Hindi mo ba babantayan si Lola Marissa sa bahay niyo?” tanong ko habang hindi nakatingin sa kaniya. Akala niya siguro ha! “Dumaan lang naman ako at bumili ako ng gamot ni Lola sa botika. Eto namang babaeng ‘to akala mo ay siya nagmamay-ari ng kalsada dito sa barangay. Diyan ka na nga!” “Pwe! Ayoko namang makita ‘yang pagmumukha mo dito kaya huwag kang makabalik-balik ng karinderya bukas ha?” saad ko pa. Kaasar talaga ‘tong lalaki ‘to kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD