Malagkit na tinititigan ni Dave si Marikit habang nag lalaro ang dalaga ng cellphone nito. Nasa loob kase sila ng isang malaking waiting room at kasalukuyan na nag hihintay kay Andrew na niyaya sila na pumunta sa suite nila Sunshine at ni Andrew dahil sa maliit na handaan para sa kaarawan ni Sunshine. Inatasan din niya si Marikit na dalhin ang lahat ng kasamahan nya at mga kaibigan ngunit tumanggi naman sina Jelo dahil mas bagay namang silang dalawa lang ni Dave at ni Marikit ang pumunt doon dahil kaibigan na rin naman ni Marikit ang mga iyun. Gusto lang din naman nila na mag sama ang dalawa dahil sa ganong paraan. "Oy Marikit, matagal pa ba 'to edi sana doon na lang tayo sa kwarto natin nagh hintay para hindi na tayo nag sayang ng oras dito," saad naman ni Dave kay Marikit. Kanina pa r

