Maagang nag sara sina Marikit ng restaurant dahil daw may lalakarin ang lola nya pati na rin ang kuya ni Marikit kaya naman dali dali nilang isinara ang karinderya na iyun dahil sa utos ng lola nya. Hindi rin naman nya natanong sa lola nya kung saan sila pupunta kasama ang kuya pero hinayaan na lamang ito ni Marikit dahil baka importante naman talaga ang lalakarin ng lola niya. Sa mga oras na iyun ang kailangan nya lang ay asikasuhin ang karinderya nila doon. Si Dave naman ay nakatanggap ng message mula kay Marikit na kung gusto nila magkita ay pumunta lamang sya sa food coury na malapit lamang sa karinderyahan nila, doon nalang din sila magkitang dalawa upang sabay na rin sila umalis papunta sa kung saan sila Jelo ngunit alam din naman nila na susunduin silang dalawa. "Oh anong problem

