Habang tinititigan naman ni Dave ang message ni Kulia sa kanya ay bigla rin na may dumagdag na message pa ulit ni Julia na kaka send lang din naman. "Ang init dito sa pinas kahit gabi na. Hoping na kumain na," ang pag basa ni Dave sa ikalawang message ni Julia. Napa kurot naman ang noo ni Dave sa mga messages ni Julia sa kanya dahil parang nababaliw na ata si Julia. Hindi rin nya maalala na naging mag kaibigan sila ni Julia ngunit kahit ano man ang gagawin ni Julia ay rerespetuhin nya parin ang dalaga sa kahit ano man ang galaw ng panahon. Binaba naman ni Dave ang phone nya sa kama nya at pinag patuloy ang pag haplos ng towel sa ulo nya habang naka hawak naman sa book nito. Pagkatapos naman ni Dave na magpa hang hang ng buhok nya agad naman nya sinampay ulit ang towel nya at bumalik s

