Mag sasalita pa sana si Dave nang magulat ito na binuksan na ng host ang kaldero nila. Nakita naman nya ang laman nito at isang papel nito at may mukha na nakasulat. Napakurot din ang noo ni Marikit at sinubukan na tingnan ang laman ngunit ngumiti ito bigla ng malaki nang makita ang laman ng kaldero. Nang mabuksan ang kaldero ay nagsi hiyawan naman ang lahat ng manonood pati na rin sila Haya, si Cathleen, at si April. Sa bahay naman nila Marikit ay makikita na nag sisigawan si Lola Karen dahil sa laro ng dalawa nyang apo sa TV. Naka ngiti naman na pina panood ng mama ni Marikit. Sila Dave naman at si Marikit ay hindi parin makapaniwala sa kung anong napanalunan nila ni Dave. "Congratulations miss Marikit and mister Dave," ani ng host. Napatingin naman silang dalawa sa host sabay ngiti.

