Umalis naman ang mama ni Marikit at pumunta na ng silid nila kung kaya't si Marikit nalang ang naiwan sa kusina na mag isa. Agad nyang pinaluto sa apoy ang bigas at nagsimula nang magluto ng kanilang ulam sa gabi. At dahil hindi sanay na mag ulam ang pamilya nilang kung ano ano ay nagluto na lamang si Marikit ng gulay na dala dala ng ina nya galing sa palengke. Pagtapos ng yun ay ilang minuto rin at pumasok na si Lola Karen ngunit hindi nya nakita si Dave na pumasok. "La tapos na kayo mag usap?" Tanong ni Marikit. "Oo tapos na. Umuwi na si Dave at sabi bukas nalang daw kayo mag usap kase kailangan nya pang balikan ang kapatid nya ang ang mama nya sa bahay nila," saad pa ni Lola Karen. "Ah ganon ba," tango tango naman ni Marikit. "Oo, nga pala ang mama mo?" Tanong ng lola. "Nasa kwart

