Naglakad talaga ang team nila Jelo kasama sina Dave pababa ng bundok dahil alam naman ni Jelo na mas delikado kapag lahat sila ay nakasakay sa mga van na iyun. Si Marikit ay hinyaan na lamang nila sa loob ng sasakyan na matulog dahil nandon narin naman si Kris kaya hinayaan na lang nila. Si Dave naman at si Aila ay magkasama na nag lalakad habang pababa ng bundok na iyum at sila Jelo naman ay nasa harapan nila kasama ang walo pa nilang kasamahan. Naka suot din sila ng mga makakapal na jacket upang maiwasan ang sobrang lamig habang nag lalakad. "Pag dating natin ng hotel eh mag papahinga na lang muna tsaka natin pagpasyahan ang tungkol kay Marikit eh sigurado naman tayo na baka sa hapon pa yun aalis," ang saad naman ni Aila kay Dave. "Yan nga eh pero sure ka sasama ka sa 'kin, baka kakai

