Sa buong oras nilang byahe pauwi ng Pilipinas ay ilang beses din pabalik balik si Dave na natulog at nagising. Ganon din naman si Marikit na napagod din kasi hindi maka tulog nang mabuti dahil sa pag isip nito na pauwi na sila. Minssn ay napupunta ang isip nito kay Dave na kahit anong gawin niya ay parang hindi matanggal tanggal si Dave sa isip niya. Nang makarating na rin sa wakas ang eroplano pag katapos ng kalahating araw na pag byahe ay agad din naman silang lahat nagsibabaan mula sa eroplano. Hinanap din namam agad ni Dave si Marikit sa isang cabin upang mag kasama na sila na lumabas pero naubos lang ang tao sa mismong cabin na iyun na lumabas ay hindi niya nakita si Marikit kaya wala na siyang choice kundi lumabas na rin bago pa siya iwan ng ilan nilang mga kasamahan. Pag baba nama

