“Ma’am, okay lang po ba kayo. Tatawag po ako ng fligh attendant kung masama po ang pakiramdam nyo po. Sabihin nyo lang po kung anong nararamdaman nyo po,” mahinahon na saad ni Nicole kay Marikit. Dahan dahan naman na hinarap ni Marikit si Nicole at ngumiti na hindi manlang abot ang pisnge nya dahil sa sama ng pakiramdam nito. “O–okay lang po ako ate. Medyo first dito eh kaya ano– ahm parang hindi ko pa kaya,” dahan dahan na saad ni Marikit habang naka ngiti kay Nicole. “Tatawag po ako ng attendant para mabigay nya po yung kailangan nyo,” wika ni Nicole. Luminga linga naman ang ulo nya upang tumawag sana ng stewardess ngunit agad naman sya pinigilan ni Marikit. “Wag na ate okay lang po talaga ako,” ngiting saad ni Marikit. Wala man lang magawa si Nicole dahil kahit ano mang pilit sa ma

