Chapter Six

2135 Words
Masarap ang tulog ni Ishi, gan’on din si Robert. Bakit naging masarap ang tulog ni Robert? Dahil pumuslit siya sa tabi ni Ishi habang mahimbing itong natutulog. Tuwang-tuwa siya dahil sumisiksik pa ito sa katawan niya dahil sa giniginaw ito. Nakatodo kasi ang air-con, at kagagawan niya ‘yon. Alam niya kasing ginawin ito. He was hugging her tighly, shielding her from the cold and warming her with his love. It was a very sweet moment for him. How he wished that this would happen every day. Marahan niyang kinintalan ng halik ang labi nito, careful enough not to wake her up. Then he pressed his lips on her forehead. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang lokohin ito. Ipinangako na niya sa sarili niya na hindi na mauulit pa ang pagkakamaling nagawa niya. He will never let this angel slip away from his hands. His phone started buzzing on the top of the lamp table. Lumilikha ng ingay ‘yon kaya agad niya iyong kinuha. He slowly moved away from Ishi then stood up on his feet. “Hello,” he answered the phone in a sleepy tone. He didn’t even bother to know who the caller is. “Sweetie!” masiglang bati ni Ella.  Mariin siyang napapikit nang marinig ang boses nito. Iniiwasan na niya ito pero parang hindi pa rin nito makuha na matagal na silang tapos. Bakit ba kasi hindi ko muna tiningnan kung sino ang tumatawag bago ko sagutin? Now I have to deal with her.  “Buti naman at nakuha mo na ring sagutin ang tawag ko. Belated happy birthday! Pinuntahan kita kahapon, kaso wala ka,” anito sa nanghihinayang na boses. “By the way, kinain mo ba ‘yong cake? I personally baked it for you, masarap?” By the tone of her voice, it is obvious that she’s really excited and happy. Robert groaned due to irritation. “Yeah, thanks for the greeting… I got the cake. Ishi ate all of it,” wala sa sariling sabi niya. He sat on the couch near the window. “What?!” Halatang nagulat si Ella sa narinig. Malamang hindi nito inaasahan na gising na ang kaniyang asawa mula sa pagkaka-comatose nito. “So kasama mo na ang asawa mo?” she asked, sounding a little disappointed. “Yeah…” Napasulyap si Robert sa kaniyang asawa na mahimbing na natutulog. Napangiti siya nang makita niyang balutin nito ang sarili gamit ang mga kumot. He even saw her covering herself with pillows. It was really cute. He heard Ella sigh on the other line. “Kung gan’on hindi ka na pala magiging abala sa pagbabantay mo sa kaniya sa ospital. You’re free now I guess. So kalian tayo ulit puwedeng magkita---”      Mabilis na pinutol ni Robert ang tawag nang makitang gumulong si Ishi papunta sa gilid ng kama. Malapit na itong mahulog. Buti na lang ay mabilis niyang naagapan ang katawan nito. Bahagyang binuhat niya ito para dalhin sa gitna ng kama. Sa laki ng kama nila, nagagawa pa nitong gumulong papunta sa pinakang dulo. Wala sa sariling natadyakan siya nito. “Uhhh... ano ba?!” anito habang nakapikit. “Go away…” Inakala niyang nagising na ito subalit mahimbing pa rin itong natutulog. He tucked her then kissed her forehead. Bigla ay nagmulat ito ng mata. “Hush, matulog ka pa. Muntikan ka nang mahulog, sige na matulog ka na ulit.” Ishi closed her eyes again. Marahan nang lumayo si Robert sa asawa. Tutungo na siya sa banyo para maghilamos nang bigla naman itong nagsalita. “I’m hungry…” Binalingan niya ito. She was standing up. Pupungas-pungas pa ito nang tumingin sa kaniya. Naniningkit din ang mga mata nito dahil sa pagkakamulat. His wife’s eyes were always squinted like that every time she wakes up. “Yeah, maligo ka muna. Then we’ll eat together,” he said. Ishi rubbed her eyes before signing Robert her approval. “Okay.” She strode towards the comfort room on her left. Naghilamos muna siya ng saglit bago siya pumailalim sa shower. She removed all of her clothing before opening the shower. Medyo nabigla siya sa malamig na tubig, but her body adapted quickly. The door creaked open but Ishi didn’t heard that because all she can hear is the harsh flowing of water. Nagulat na lang siya nang makita niya sa peripheral vision niya ang nakahubad na Robert. She shrieked loudly. Makabasag-eardrums ang tili na nilikha niya dahil sa pagkagulat. She immediately covered her private parts with her arms. “P-tang-ina ka! Ano’ng ginagawa mo rito?!” Hindi niya matakpan ang malaki niyang dibdib gamit ang isa niyang kamay kaya napatalikod na lang siya kay Robert. Napasulyap din siya sa birdie ni Robert, it caught her attention, bigla ay wala sa sarili siyang napangiti. Robert’s eyes narrowed, he covered his manhood with his hand when he realized that Ishi was smiling at it. “W-What?” He blushed at his wife’s stares. A-Ano ba’ng problema nito at nginingitian niya ang etits ko? Don’t tell me she wants my D this early. He carefully approached his wife to join her in the shower. “Tarantado ka Robert!” Binalibag siya ni Ishi ng tabo. Mabuti na lang ay naiwasan niya iyon. “What?!” angil niya. “Gago ka ano’ng ginagawa mo?! Get out! I’m naked! I’m trying to take a bath!” Robert let go of his manhood and made hand gestures to emphasize what he was saying. “That’s the whole point! I want to take a bath with you! Naked! That’s what sweet couples do!” he said. Bumaba na namang muli ang tingin ni Ishi sa malaking alaga ni Robert. Then she raised her eyebrow and smiled absentmindedly. Wow, it’s huge. Fancy! No wonder kung bakit sinabi niyang three to four times kaming nagtatalik sa isang linggo--- Ishi stop thinking about perverted stuffs! “I… Uhm… Hindi ko kaya,” she said instead. Hindi niya maintindihan kung bakit gan’on ang naging sagot niya. She could have said yes, or no. Mariin siyang napapikit. She bit her lower lip to keep herself from smiling. Natatawa talaga siya sa sitwasyon nila ni Robert. Muling napasulyap na naman siya sa et-et ni Robert. God she can’t help herself from admiring it. Robert felt disappointed. “Oh…” he murmured. “I’m sorry. I forgot about your amnesia. I’m really sorry. Nakasanayan ko lang kasi na basta na lang akong pumapasok dito sa banyo,” he explained. He frowned when he saw his wife grinning from ear to ear. “Stop molesting me with your eyes!” natatawang saway niya rito. Napahagalpak ng tawa si Ishi saka siya nagbawi ng tingin. “I’m sorry!” Robert was smoking hot! Napaka-matipuno ng mokong. Hindi idedeny ni Ishi na attracted siya sa katawan nito. For a moment she felt lust for him, but she quickly erased that from her mind. His sexy lips formed a sheepish smile. “Yeah, you’re sorry for not letting me take a bath with you,” tuya pa nito. “Okay. Maliligo na lang ako pagkatapos mo. I’m sorry.” She nodded. “Thanks, I’m sorry too.” “Lalabas na ako… Wala ka bang balak na pigilan ako?” Impit na napatawang muli si Ishi. “Gago ka talaga! Lumabas ka na nga!” aniya na nagpipigil ng ngiti. God that was really funny. Imagine that he felt really shy, and he needed to cover his d-ck! Haha! * * * Hinintay pa ni Ishi na makatapos si Robert sa pagligo. Hindi niya makuha kung bakit kailangan pang sabay silang kumain. Timawa siya, hindi niya kailangan maghintay para sa isang tao lalo na’t nagugutom na siya. Kahit pa presidente ng Pilipinas, hindi niya hihintayin para lang makakain siya! Pero medyo nahihiya kasi siya dahil nasa ibang bahay siya. Sa totoo lang ay pamamahay din naman niya iyon, pakiramdam lang niya ay hindi dahil wala siyang maalala. Nakakahiya naman kung uunahan ko pang kumain ang may-ari ng bahay, but I’m really hungry! Agad siyang napatayo nang makitang lumabas ng banyo si Robert. Yes! Kainan na! Nakatapis lang ito ng tuwalya. Napabawi agad siya ng tingin nang makitang tanggalin nito ang tuwalya na nakatakip sa pang-ibaba nito. Bakit ba napaka-hilig ng lalaki na ‘yon na maglakad ng nakahubad? Mabilis itong nagbihis, samantalang si Ishi naman ay parang tuod na nakaupo lang sa kama habang nakalingon sa may bintana. “Tara na…” Robert called out to her. Sinalubong silang dalawa ng mabangong amoy ng pagkain habang naglalakad sila tungo sa kusina. Pininyahang manok ang ulam, mayroon ding fried eggs na hindi dapat mawala sa umagahan ni Ishi. Fried eggs kasi ang talagang hinahanap niya tuwing umaga, samahan pa ‘yon ng kape. Pero walang kape… “Aling Judy, patimpla naman ng kape…” aniya sa katulong na naggagayak ng kubyertos nila ng kaniynag asawa. “Naku ma’am, hindi po kayo nagkakape.” She frowned. At sino namang scientist ang nag-imbento na hindi na ako nagkakape aber?! Nagka-amnesia lang ako hindi na ako nagkakape?! Samantalang nakaka-limang baso pa nga ako ng kape sa isang araw. ‘Yong malaking baso ha?! “Nagkakape ako,” sabi na lang niya. Robert shook his head then pinched her nose. “Baby, you don’t drink coffee anymore. Gatas na ang iniinom mo.” “Sir, ito na po ‘yong kape niyo,” anang isa pang katulong. Iniabot nito ang kape kay Robert. She felt disgusted. “This is so unfair! Bakit ikaw may kape tapos ako wala?!” Tapos papainumin ako ng gatas? Yak! Umiinit na ang ulo niya. Kape, gusto niya ng kape. Truth is may addiction talaga siya sa kape, parang cocaine iyon sa kaniya. At tulad ng isang drug addict, naghuhurimentado siya kapag hindi naibibigay ang gusto niya. She felt really irritated. Bigla ay parang gusto niyang ihagis ang lahat ng nasa haparan niya saka siya lalayas doon. Overreacting or whatever that is, she’s pissed. “You can have a sip on my coffee. Bawal sa’yo ang kape…” Ipinasa ni Robert ang tasa sa kaniyang asawa. Dapat ay sipsip lang ang gagawin ni Ishi, pero inisang lagok nito ang lahat ng laman ng tasa. Napailing na lang si Robert. Coffee addict ang kaniyang asawa, at bawal ang kape rito dahil ilang beses na itong muntikang magpositive sa UTI. ‘Yon ang iniiwasan nilang mangyari dito. He needs to find a diversion to avoid her from drinking too much coffee. * * * Nasa supermarket ang dalawa dahil nangungulit si Ishi na gusto nitong maglibot. Paikot-ikot lang sila r’on hanggang sa makarating sila sa coffee section. Sa totoo lang ay wala namang alam si Ishi tungkol sa mga kape. Basta black coffee, in love na siya. Dadampot na sana siya ng malaking pakete ng kape nang bigla naman siyang hapitin ni Robert sa baywang. “Hindi tayo bibili ng kape…” Napapadyak si Ishi. Naiinis siya kaya sumakay na lang siya sa push cart. “Itulak mo ako papunta sa Milo,” utos niya. Kung walang kape eh ‘di Milo na lang. Buwisit na buhay na ‘yan. Pinagtitinginan sila ng ibang shoppers dahil nakasakay siya sa push cart. May bata pa silang nakasalubong na naglalakad lang, sa tantiya niya ay nasa eight years old pa lamang ‘yon. Dinilaan niya ito saka siya nagsad face sa harap nito. “Wawa, walang sasakyan,” pang-aasar pa niya. Robert absentmindedly patted his wife’s head. May pagkaisip bata rin talaga ito paminsan-minsan. “Pinaiyak mo ‘yong bata,” aniya nang makalagpas sila. Binalikan ni Ishi ng tinin ‘yong bata. Oo nga at umiiyak ito. “Hala, bakit umiyak?” Hindi na lang pinansin ni Robert ang tanong ng asawa. Pagdating sa section kung saan nakadisplay ang mga Milo ay hindi naman makatayo si Ishi mula sa push cart. Kalaki na kasing damulag sumiksik pa d’on. Binuhat pa tuloy siya ni Robert, prinsesa ang mahadera. Dinampot ni Ishi ang malalaking pakete ng Milo. ‘Yong pinakamalaki, pang timawa kumbaga. Nagbibiro lang naman siya nang kuhanin niya ang tatlong naglalakihang pakete na ‘yon pero kinuha naman iyon ni Robert. Naging abala si Robert sa pagtitingin sa ilang wine kaya nagliwaliw muna si Ishi. Napadpad siya sa mga botelya ng ketchup. Nakita niya ‘yong Del Monte ketchup, ‘yong maasim-asim na kasing lasa ng ketchup sa McDonald’s. Gusto niya sanang kuhanin ‘yon kaso nga lang masyadong mataas ang pinagkakalagyan at hindi niya iyon abot. Buti na lang at may katabi siyang namimili na matangkad. “Kuya paabot nga n’ong ketchup sa may taas,” aniya. Then her jaw dropped. “Robert?” Hindi si Robert na asawa niya ang nasa gilid niya kundi si Roan Delvert Samaniego, ang ex-boyfriend niya. Pinagsama ang dalawang pangalan nito kaya nabuo ang palayaw nitong ‘Robert’. The guy turned to her and smiled. His lips formed that sexy smile, making him look more irresistible. Oh how breathtakingly handsome he is! “Hey,” he greeted her. Her eyes were beaming, and her heart is beating wildly. Tila ba tinamaan siya ni Kupido nang masilayan ito.  “H-Hi…” she stuttered as she bats her lashes. Bigla na lang nawala sa tabi ni Robert ang kaniyang asawa kaya hinanap na niya kaagad ito. Tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo nang makitang may kausap itong ibang lalaki, lalo na nang mapansin niyang parang nilalandi ng lalaki ang kaniyang asawa. Why is my wife smiling like that in front of another guy?! Parang school girl na kinikilig. Sino ba ang tarantadong kausap niya? Si Delvert ba ‘yon?! ‘T-ng-ina. “Ishi, we’re leaving come on.” Tila hindi siya narinig ni Ishi dahil abala ito sa pakikipaghagikgikan kay Delvert. Marahas na kinaray na lang tuloy ni Robert ang asawa dahil baka mamaya ay bangasan pa niya ng mukha ‘yong Delvert na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD