Chapter 12 Naramdaman ni Yuka ang unti unting pag-angat niya sa ere dahil sa pagbuhat sa kanya ni King, ngunit masyado na siyang antok para magmulat pa. Maingat siyang dinala ng asawa sa kanilang kwarto at dahan dahang inihiga ng maayos sa kama. Pinagmasdan ni King ang mahimbing na natutulog na si Yuka at hinawi ang mga hibla ng buhok nitong humaharang sa mukha ng asawa. Samantala, maayos ang takbo ng klase ni Miss Huang dahil nagpaparticipate halos lahat ng estudyante niya sa mga activities niya. Pinagtabi na lang niya sina Christian at Sam dahil sa iilang reklamo ng ibang estudyante niya sa magkapatid. "Kuya," palihim na bulong ni Sam nang nakatingin pa rin sa harapan. Hindi siya sinagot ng kakambal kaya nangasim ang mukha niyang pinapanood si Miss Huang. Dahil dito, pinilit na inab

