Chapter 6 Nag-ayos ako ng sarili nang bumukas ang elevator. Umatras ako ng konti palayo kay Daryl at hiinila ko na lang siya palabas dahil nakasimangot at mukhang wala itong balak na umalis sa kinatatayuan niya. "Sabi naman kasi 'wag sa elevator eh. Ang kulit." sermon ko habang hinihila siya. "I can't help it." Tinangay ko siya hanggang sa tapat ng CR. Tinignan ko siya ng masinsinan bago magsalita. "Dito ka lang sa labas 'wag na 'wag kang-- Daryl! CR ng mga babae 'yan Bawal kang pumasok d'yan!" tumakbo ako para lang mahabol ang malalaking hakbang ng mga binti niya. Shems! Buti naka-flats ako. "No one's here so it doesn't matter whether I enter or not," sagot niya dahil wala nga namang tao bukod sa aming dalawa. "Dapat pala naiwan ka na lang sa baba eh! Pasaway ka." singhal ko

