Chapter 8 I closed my eyes as I felt his lips wander to every part of my skin. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya dahil sa hindi ko maipaliwanag na kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa buong sistema ko. Ang mga halik niya, nakaliliyo. Para na akong mawawala sa katinuan sa bawat dampi ng labi niya sa balat ko lalo na kapag sinasakop ng mga ito ang mga labi ko. Ipinulupot niya ang dalawang binti ko sa bewang niya kaya't hinigpitan ko lalo ang kapit sa batok niya upang hindi ako mahulog kahit na nakasuporta naman ang mga braso niya sa likod ko. Sa sobrang pagkawili ko sa mga halik niya, hindi ko na namalayan ang pagbaba namin at paglapat ng likod ko sa buhangin. Shems. Seryoso nga yata siya sa gusto niyang mangyari. Oh my gosh. Napalunok ako nang parang bampira niya sin

