Chapter 14 Yuka's POV Ito na ang unang araw ng pagbabalik ko sa D.I.C. Nakakakaba ng konti dahil matagal tagal na rin akong nakatapos ng pag-aaral. Pero parang katulad pa rin nung first day ko sa school before, mukhang ma-le-late na naman ako. Bakit ba kasi napakabagal kumilos ng katawan ko? Aish. Baka pare-pareho ng nakasimangot yung mga gwapo kong boys sa baba. "Mommy, you're so tagal!" naku ayan na at sumigaw na po ang baby Tam ko. "Mom, we're gonna be late," tamad na tamad ding reklamo ni Chan chan. Grabe naman 'tong mga babies ko. 7am pa lang eh. 8am pa pasok nila samantalang ako 7:30. 7:30?! Ahhh!! "I'm coming!!" "Be careful on taking the stairs, wife!" paalalang sigaw ng hubby ko. Hihi. "Yes, boss!" Kaya naman kahit nagmamadali ako ay maingat pa rin akong bumaba ng hagdan.

