Lucio's POV Two years later... Dalawang taon na ang lumipas mula nang tumalon si Nenefe mula sa tulay.Dalawang taon ng paghihintay,pagsisisi at pagdurusang ako mismo ang lumikha. Hanggang ngayon, wala pa ring natagpuang bangkay.Walang bakas. Walang ebidensyang nagpapatunay na wala na siya sa mundong ito. At iyon lamang ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako sumusuko. Hindi ko siya naabutan noong araw na iyon.I followed her that time... Noong sabihin sa akin ng mga tauhan ko na naglakad lamang si Nenefe mag-isa na tila wala sa sarili. Agad akong sumunod. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang kumabog nang napakalakas ang puso ko. Para bang may kung anong masamang mangyayari.Ngunit huli na ang lahat.Pagdating ko sa tulay... Narinig ko na lamang ang sigawan ng mga tao at ang malami

