Chapter 1

3080 Words
Chapter 1 "[Shienne, kailan ka ba uuwi? pasukan na natin bukas o! Saka ka pa kasi nag Ilocos! Wala tuloy akong kasama? Kinakabahan ako bukas! Uwi ka na kasi!]" Padabog na sabi ni Kamila sa kabilang linya. Nag t-tantrums na siya kasi pasukan na namin kinabukasan pero nandito parin ako sa Ilocos. Kinakabahan kasi siyang pumasok mag-isa dahil College na kami bukas at wala pa kaming ni isang kakilala sa EDMU. Actually, mayroon siguro. Pero for sure mga hindi namin ka block. "Gaga, hindi ako papasok bukas! Ayaw ko magpakilala no," Pananakot ko sa kanya. I smiled kahit na hindi nya naman ako nakikita. Well, papasok naman talaga ako bukas, actually naka impake na nga ako kasi pauwi na akong Manila mamayang gabi, sadyang tinatakot ko lang si Kamila para kabahan siya. "[Huh?? Paano na ‘ko? Kung hindi ka papasok, hindi na rin ako papasok!]" saad nya. She sounds frustrated kaya natawa ako ng mahina. "Hoy! Pumasok ka na! Hindi mo ako kailangan hintayin no! Tsaka uuwi na din naman ako mamaya, bali nandiyan na 'ko sa Manila, bukas ng madaling araw," Natatawa kong sabi sa kanya. Pinaglaruan ko iyong white sand sa paa ko. Si Kamila ay best friend ko since Grade 7 pa lang kami, mag-kaklase kasi kami sa isang Catholic school ‘nung junior high school at kahit magka-iba kami ng school ‘nung senior high school ay super close parin namin dahil palagi naman kaming may communication noon lalo na kapag nag r-rants kami sa isa't isa, kapag may nasasabi sa mga kaklase namin or sa mga prof o kaya naman kapag stress na kami sa research at ngayon ay pareho pa kami ng course sa EDMU. "[Gaga ka! Nandito ka na rin lang pala ng madaling araw bukas! Bakit hindi ka pa kasi pumasok?]" aniya. Tumingin ako sa mga paa kong punong-puno ng white sand, tumayo ako at pinagpag ‘yung puwet at legs ko na punong-puno rin ng buhangin at napag desisyonang maglalakad lakad muna sa tabing dagat habang kausap siya. Ilang sandali naglakad na ako pabalik sa cottage namin kasi naiinitan na ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Halatang-halata na rin ang pamumula ng balat ko dahil maputi ako at feeling ko ay magkaka-sunburn pa ako nito. Ber months naman na next month pero tirik na tirik parin ang araw. Siguro ganito lang talaga kasi mainit naman talaga sa Pilipinas, bakit pa ba ako nagtataka? Tsaka for sure, pagpatak ng September next month ay malamig na ang klima. Umupo ako sa loob ng Cottage na pinili ng pamilya ko. Walang naiwan kahit isa dito dahil nandoon silang lahat nagtatampisaw sa dagat. Umupo ako at bumuntong hininga bago ko sinagot si Kamila sa kabilang linya. "E, sa ayaw ko pumasok bukas? Pagod ako, kaya I need beauty rest," Natatawang sabi ko sa kanya at kumuha ng isang slice ng pakwan at kinagatan ‘yon. Tumingin-tingin pa ako sa iba't-ibang mga pagkain sa wooden table pero wala akong nagustuhan kaya nag kuntento na lang ako sa pakwan. Nandito nga pala kami sa Hannah's Beach and Resort sa Pagudpud, Ilocos Norte. Last day na namin dito sa Ilocos kaya dito kami nag punta. Kagagaling lang kasi namin sa Ilocos Sur kahapon, pumunta kaming Baluarte at nag iikot-ikot sa Vigan City, actually ang dami ko ng nabiling souvenirs na ipapasalubong ko kila Kamila, tapos ngayong last day na nga namin sa Ilocos ay sabi ni Mommy, mag beach na lang kami bago umuwi dahil nag rereklamo din ‘yung pinsan ko kasi wala pa daw siyang maayos na beach pictures, samantalang nung mga nakaraang araw ay halos araw-araw kami sa beach. Hindi na rin kami kumuha ng Hotel room dahil ilang oras lang naman kami mananatili rito, may bahay naman kami malapit sa Laoag kaya uuwi rin kami doon mamayang 5 pm kasi aalis kami ng 8 pm pabalik ng Manila. "[Shienne naman! Wag mo naman akong iwan sa ere! Sabay tayong nag enroll, kaya sabay din tayong papasok! Kung pagod ka, kahit ako na magbuhat ng mga gamit mo bukas!]" tumawa ako sa sinabi ni Kamila at muling kumagat sa hawak kong pakwan bago ko siya sinagot. "Oo na, Oo na! Wag ka ng maingay at papasok ako bukas! Sige na wag mo na akong gambalahin pa kasi aware ka namang nasa beach ako ‘di ba?" I raised my brow. Tumawa rin siya sa kabilang linya bago nagpaalam at pinatay na ang tawag. Binaba ko ang phone ko sa mesang gawa sa kahoy na nasa harap ko at inubos ang hawak kong pakwan. Pagkatapos ay tumayo na ako at lumapit sa pinsan kong kasalukuyang nag p-picture gamit ang kanyang tripod. Tawang-tawa ako sa itsura nya kasi hirap na hirap siya. Nung nakita nya akong papalapit ay nagliwanag ang mukha nya at lumapit sa akin. "Shienne! Buti naman at nandito ka na, picturan mo naman ako," she giggled bago inabot sa’kin ang hawak niyang phone at tripod. "Psh. Manggagamit," bulong ko na narinig nya naman kaya natawa siya. "Sige na! P-picturan din kita later sis, don't worry!" saad nya at lumapit ng kaunti sa may dagat at huminto lamang nung abot tuhod na ng tubig dagat ang nababasa sa katawan nya. Tinanggal ko sa tripod ‘yung cellphone na inabot niya at kinuhanan siya ng mga larawan. Pagkatapos ng marami nyang pose ay lumapit siya sa’kin nang nakangiti at inagaw ang kanyang phone. "O, ikaw naman na kukuhanan ko! Pumunta ka na doon!" sabi nya at tinulak pa talaga ako sa may dagat. I rolled my eyes on her. Nakasuot nga pala ako ng two-piece biniki na kulay itim na tinatali sa leeg at sa baba ay may pa ekis na style. Habang kay Kenzie naman ay two-piece bikini rin na kulay dark yellow na nakatali rin sa leeg at sa kanyang pambaba ay may tali sa both sides. Nag pose ako ng maraming beses ayon sa mga tinuturo nya sa akin bago nya ako tigilan. Pinasa naman niya agad sa’kin ‘yung mga larawan ko at inedit niya pa ito at nilagyan ng filter para bumagay sa ** feed ko ‘yung picture, hinayaan ko na lamang siya sa mga gusto nyang mangyari. Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa cottage at nakita ko si Daddy na abala sa phone at si Kuya na ngumunguya ng saging. Umangat ‘yung tingin niya sa amin ni Kenzie at tumunganga sa amin bago nag iwas ng tingin. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Sinabihan naman kami ni Dad na magpalit na at aalis na rin kami mamaya bago niya ibinalik ang atensyon sa kinausap na nasa kabilang linya. Siguro, tungkol na naman ‘yon sa business namin kaya nagkibit balikat na lang ako at nagpalit na. Sumakay ako sa SUV ni Dad at tinitigan ko ‘yung mga pictures ko kanina. Sayang nga lang at itim na ang buhok ko kasi kinulayan ko na ‘yon kahapon dahil bawal ang may kulay ng buhok sa EDMU maliban sa itim. Tinignan ko iyong ** picture ko tinitigan ‘yung post ko kahapon na nakasakay ako sa surf board. Nakataas ‘yung dalawang kamay ko at binabalanse ko ‘yung katawan ko. Nakasuot ako doon ng red na bikini at red din iyong kulay ng buhok ko na parang kay Ariel ng The little mermaid. Si Kenzie ang kumuha nito at ang ganda ng shot nya. Sumunod kong nakita ‘yung picture ko na nakaupo sa wooden swing sa gitna ng dagat at may hawak akong buko na may straw. Color purple naman ‘yung two-piece na soot ko sa larawan na ‘yon. ‘Yung isa ay nakaupo ako sa speed boat habang nakatingin sa malayo, nakasuot naman ako ng maroon na bikini doon. Sobrang thankful din ako kay Kenzie dahil kung wala siya ay wala akong magagandang shots. Nag-decide akong ipost na ‘yung mga pictures ko na nakunan ni Kenzie ngayong araw. ‘Yung isa ay nasa cottage ako at kumakain ng pakwan habang may kausap ako sa phone. Kinuhanan pala ako ni Kenzie kanina. ‘Yung isa ay nakasandal ako sa kahoy at ‘yung dagat ang background ko tapos may hawak akong brownies. Naka summer shirt lang ako doon at hinahangin pa iyong buhok ko. Iyong isa ay nakatalikod ako sa camera. Nasa dulo ako ng bangka habang nasa may parang ilog at mapuno sa paligid. ‘Yung isa ay nakapatong ‘yung dalawang braso ko sa surf board habang ako ay nakatingin sa malayo. Kuha ‘yon sa taas dahil drown camera ang gamit para makuhanan ang larawan na ‘yon at si Kuya ang kumuha ng larawan ko na ‘yon. At ‘yung iba ay mga silhouette lang na nakatayo ako sa mga bato-bato na nasa tabing dagat at kulay kahel ang langit. Last na pinost ko ‘yung mga pictures ko kanina na kinuhanan na naman ni Kenzie, may suot akong shades at nakaupo lang ako sa buhangin habang naaabot ng alon ‘yung mga paa ko. @artemis_n: beach days, are the best days. 2 am nung nakarating kami sa bahay namin sa Manila at agad akong pumasok sa kwarto ko at naghilamos bago ako humiga. Nakatulog naman ako agad dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe at sa mga ginawa ko buong araw. Nagising ako dahil sa tunog na nagmumula sa cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag kahit hindi tinitignan kung sinong tumatawag. "Hello," paos na sabi ko. "[Hey sis, get up na okay? I’m here outside your house! Gumising ka na at baka malate pa tayo!]" maarteng saad ni Kamila bago pinatay ang tawag at hindi man lang ako hinayaang makasagot. I rolled my eyes bago tumayo at pumasok sa bathroom para maligo. Back to the normal days na naman. I yawned. Since first day ngayon ng klase at hindi naman required na mag-uniform ay nagsuot na lamang ako ng Army Green crop top shirt and black fitted high waist pants, suot ko rin ‘yung itim kong Nike na sapatos. Nag ayos lang ako ng kaunti bago bumaba. Nakita ko si Kamila at Kenzie sa hapag kasama sina Kuya, Mommy, at Daddy. Humalik ako sa pisngi ni Mommy at ganun din kay Dad bago ako umupo sa tabi ni Kamila at kumain. Pagkatapos non ay sumakay na kami sa kotse ko. Isa itong Black Chevrolet Trailblazer na regalo ni Daddy sa akin nung graduation ko ng Senior High kaya bagong-bago pa ito. Habang si Kuya ay sumakay na sa sarili niyang sasakyan. Third Year na siya ngayong taon sa Engineering at pareho na kami ng university na pinapasukan. Oo nga pala, si Kenzie ay pinsan ko pero dito siya nakatira sa’min kasi mas madalas sa ibang bansa ang mga magulang niya para sa business kaya wala siyang kasama at nag-iisang anak lang rin naman siya kaya kinuha na lang siya ni Mommy sa bahay. Ngiting-ngiti si Kamila sa’kin na umupo sa likuran dahil si Kenzie sa shotgun seat at ako naman sa driver seat. I rolled my eyes at her. Excited na excited silang pumasok dalawa samantalang ako ay hindi parin nakaka-move on sa beach. Nakarating kami sa school at pinarada ko iyong Trailblazer ko. Bumaba kami ng sasakyan at naglakad papunta sa main building. May nakita kaming lalaking may hawak na placard na may nakasulat na 'Architecture' kaya agad na pumunta si Kenzie doon. Archi kasi ang kinuha nya samantalang Legal Management ang sa amin ni Kamila. Hinanap namin kung nasaan ang mga Legal Management and when we found out where are they, ay agad kaming pumila kasi magkakaroon daw kami ng Campus Tour. I was at the back of Kamila when we formed a line dahil may mga f-fill up’an pa kami, but I was shocked when a girl grabbed my hand and she's pointing on the other line. Hindi siya nakatingin sa’kin kaya hindi rin siguro siya aware na ibang tao ‘yung hinahawakan nya. "Uy, Jamella, doon tayo sa kabilang pila," she said. Hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at hinihintay siyang lumingon sa akin. I raised a brow at her when she finally turns her face on me and I can see that she was shocked because she's holding the arm of a stranger. I smiled a bit. "Hala ate, I’m sorry. I thought you were Jamella," she apologized to me but I just smiled at her and turned my back to face Kamila who is laughing at what happened to me. I rolled my eyes at her and just listen to the Legal Management President talking about our agenda for today. Nakikinig ako sa mga sinasabi nung President ng LegMa ng kalabitin ako ni Kamila. I arched my brows and looked at her. "Girl, kanina ka pa tinitigan nung lalaki sa kabilang linya feeling ko crush ka niya," Kamila giggled kaya lumingon ako doon sa sinasabi niyang lalaki. Agad akong napangiti nung nakita ko ‘yung dati kong kaklase nung senior high school at tinanguhan siya. Nag apir pa kami at nag-usap. "Leucas, ikaw pala ‘yan? Akala ko magbabarko ka? Bakit nandito ka ngayon? LegMa ka din?" sunod-sunod ang tanong ko kaya napangiti siya. Alam nya kung gaano ako kadaldal sa mga kaclose ko. "Hindi ako nakapasa sa medical exam e," napakamot pa ito ng ulo na parang nahihiya. "Bakit naman? Don’t tell me na-NAGPOSITIVE KA SA DRUG TEST?" napalakas na sabi ko kaya nagtinginan ang ibang tao sa paligid namin. Natawa pa iyong kasama niyang babae na nasa harapan niya. "Gaga, ang sabi ko sa medical exam hindi sa drug test! Color blind kasi ako kaya hindi ako nakapasa," paliwanag niya. Natawa ako at sumang-ayon na lamang sa paliwanag niya. "Pero block mates ba tayo? LegMa ka rin ‘di ba?" tanong ko ulit. "Siguro? 1-1 ako e, ikaw ba?" aniya. "Wow! Block mates nga tayo! 1-1 rin ako!" masayang sabi ko sa kanya. Nang-hinayang naman ako doon sa academy na dapat papasukan nya. Second choice nya lang naman kasi ang pag aabogado pero dahil hindi siya nakapasa sa dream school nya, ay narito siya ngayon para sa second choice nya. Almost 8 am when the LegMa President finished what he's talking about. I sighed because of the boredom. Ang aga-aga pa lang pero tagaktak na ang pawis ko dahil sa init. Nag-umpisa kaming mag campus tour. Salita ng salita ‘yung president ng LegMa pero hindi naman kami nakikinig ni Kamila sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako bago sumunod sa kanila. Pagkatapos noon ay dumaan na rin kami sa doon sa may malaking sign na EDMU na siyang pinaka-inaabangan ko. I captured the it and immediately posted it on **. Nilagyan ko ito ng caption na: @artemis_n: España girl. Medyo nainis pa ako kasi may matangkad na lalaki na nakuha doon sa picture na pinost ko pero pinabayaan ko na lang. Pagkatapos non ay pinakawalan na rin kami nung president ng LegMa at babalik na lang daw kami after lunch para manood ng welcome party. Sumabay sa amin si Kenzie kumain sa may dapitan para sa lunch dahil nakakapagod talaga ‘yung pag iikot-ikot namin sa campus at uhaw na uhaw na rin ako. Nagrereklamo na rin siya at si Kamila kasi ang layo nang nilakad namin at masakit na rin ‘yung paa nilang dalawa. After lunch, we went back to the main building at pumunta sa venue kung saan gaganapin ang sinasabi nilang welcome party. Sa grandstand daw gaganapin ‘yon. While we are on our way to the welcome party venue, I browse on my ** and saw some high school friends commented on my post. @dorieargy_: Sana all España girl. @prisinggg12: Ay bongga richked @ruzz.ann: Umaasenso ha! Pa burger king naman diyan. Napatawa ako sa comment nila bago ko pinatay ‘yung phone ko at ibinalik sa bag ko. I arched my brows when I saw the same guy who photo bombed on my ** picture in front of the España sign. I was just looking at him the whole time and I think that they are also going to the welcome party. May kasama siyang tatlong lalaki, ‘yung isa ay kasing tangkad niya na malinis tignan dahil maayos ang kanyang buhok at mukhang tahimik, maputi ito at tipid lang ngumiti. Ay shet ang gwapo! ‘yung isa ay medyo maliit sa kanya, kayumanggi ang kulay ng balat nito at lumalabas ang kanyang dimple sa magka-bilaang pisngi dahil ito ay ngiting-ngiti habang may ibinubulong doon sa isa pa nilang kasama na mukhang blessed na blessed sa buhay kasi tawa ng tawa. Magkasing tangkad sila nung may dimples at mukhang magka-vibes na magka-vibes sila dahil silang dalawa lang ang mukhang tuwang-tuwa sa buhay samantalang ‘yung lalaking nakuhanan ko ng larawan at pangiti-ngiti lang kapag may ibinubulong sa kanya at ‘yung isa ay tahimik lang talaga. Napansin ko na mas malalim ‘yung dimples nya kaysa doon sa kaibigan niya at ang kinis din ng mukha nya. Walang pores!! Sana all. Umiwas ako ng tingin at sumipsip sa hawak kong strawberry frappe habang patuloy paring tinutulak nina Kenzie at Kamila dahil nga siksikan papasok sa venue sa sobrang dami ng tao. I was so shocked when the guy in front of us suddenly stop at dahil nga tinutulak ako ng dalawa ay nabangga ako doon sa lalaki at nabuhos ‘yung hawak kong strawberry frappe sa uniform ko. Nakatulala lang ako sa uniform kong punong-puno ng frappe. Napatigil sila Kamila at Kenzie sa pagtulak sa’kin pati na rin ‘yung lalaking naka-bangga ko ay napatigil din sa nangyari, ganun din ‘yung tatlo pang lalaking kasama nya. Nakanga-nga pa ‘yung dalawang lalaking madaldal habang nakatingin sa’kin. Narinig ko ang ilang pagsinghap at pag tawa nung ilang mga tao sa paligid namin at mayroon pang sinabihan akong tanga. I know, it wasn't his fault kasi kung hindi ako tinulak nila Kamila ay hindi ako mababangga sa kanya, pero hindi ko rin naman kasalanan na bigla siyang huminto. Alam kong pinag-titinginan na ako ng mga tao at naiinis na ako sa pangyayari ngunit nagawa ko paring tumayo doon at hinintay siyang humingi man lang ng tawad ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsasalita o gumagalaw man lang. Hindi ko makita ‘yung ekspresyon ng mukha nya dahil nakayuko ako. Nung napansin kong wala siyang balak humingi ng tawad ay agad akong tumalikod sa kanila at tumakbo sa sasakyan ko. Narinig ko pa ang tawag sa’kin nila Kamila at Kenzie ngunit hindi ko na sila pinansin dahil hiyang-hiya ako sa itsura ko. Pinunasan ko ‘yung tumutulong frappe sa damit ko dahil ayaw ko namang madumihan ang loob ng sasakyan ko. Nung nasiguro kong wala ng tumutulo sa uniform ko ay agad akong sumakay sa sasakyan ko at umuwi sa bahay. Bahala na sila Kamila at Kenzie na mag-commute mamaya or magpasundo o sumabay kay Kuya mamaya. Ang gusto ko na lang ngayon ay magshower at mahiga sa kama ko dahil pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ko na. Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay walang katao-tao kaya dumeresto na ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan. Pagkatapos non ay nagpalit na ako ng pangtulog kahit mag aalas dos pa lang ng hapon. Inis na inis ako habang iniisip ‘yung kahihiyang nangyari sa’kin kanina ngunit napag-desisyonan ko na lamang na matulog. Unang araw pa lang ay sira na ang araw ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD