Chapter 6

1127 Words

Katakot-takot na sermon ang sumalubong sa'kin pag-uwi ko ng bahay. Mabuti at pumagitna si nanay baka masaktan ako ni tatay na namumula na sa galit. Nagtext ako kagabi kay nanay na may mag-oovertime kami kasi may tatapusin na report. Um-oo naman si nanay, kaso si tatay sobrang higpit talaga. O sadyang wala lang talagang tiwala. Nilapag ko ang paper bag na may mga lamang chocolates sa lamesita sa sala bago pumasok ng kuwarto ko. Nagbihis muna ako bago lumabas ulit ng kuwarto. Nakita ko si nanay at si Ron na pinagpipiyestahan ang mga chocolate na nasa paperbag. "Saan galing ang mga dala mo, anak?" tanong ni nanay habang busy sa paghalungkat isa-isa sa laman ng paper bag. "Nag-out of the country po kasi ang boss ko 'nay, dumating kanina. Binigay sa'kin mga 'yan," pagsisinungaling ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD