Tanghali na ako nagising kinabukasan. Nahirapan akong makatulog, Kahit anong pikit pa ang gawin ko nakikita ko pa rin sila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko kagabi. Napailing na lang ako nang pumasok na naman sa isip ko ang mga pangyayaring iyon.
Sinabunotan ko ang sariling buhok. Inay ko po mababaliw ako kakaisip. Sa daming tao dito sa bahay bakit ako pa ang nakasaksi non.
Bumangon na ako at inayos ang kama. Nang matapos ay pumunta na akong banyo. Maliligo ako para mabawasan ang bigat sa ulo ko kakaisip.
Nakasalubong ko si kate habang pababa ako ng hagdan. Mukhang kagigising lang din nito dahil nakapantulog pa rin siya. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit dedma lang ako at nagpatuloy sa paghakbang nang bigla itong magsalita.
" Aba! mukhang tinatanghali ka na rin ng gising ngayon." sarkastikong saad nito.
Kung alam lang niya ang dahilan kaya ako napuyat. Sabihin ko na kaya sa kanya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya. Hmm makipaglaro nga sa kanya ngayon.
"May nagla-loving loving kasing butiki sa kisame ko kagabi. Ang ingay nila kaya hindi ako nakatulog kaagad. Eh ikaw mukhang puyat ka rin, ano naman ang ginawa mo kagabi?" Bigla naman itong naging balisa.
"A-ano nagkayayaan ang barkada kaya madaling araw na akong umuwi. " Nauutal pa niyang sabi. Halatang nagsisinungaling.
"Talaga ba? bakit bigla ka namang nauutal ngayon? Nagsisinungaling ka yata eh. " bumuka ang bibig niya ngunit itikom niya rin ito kaagad.
"Mga barkada ko nga ang kasama ko! teka nga bakit ba ako nagpapaliwanag sayo?" taas kilay nitong saad.
"iwan ko rin sayo kung ba't bigla kang naging deffensive. Siguro may ginawa kayo ng kasama mo kagabi no?" panghuhuli ko sa kanya. Bigla naman itong namutla sa sinabi ko.
"Si-sino bang tinutukoy mo? Nauutal na naman nitong tanong?
"Sino pa eh di-" sinadya kung ibitin ang susunod kong sasabihin. Tiningnan ko muna ang reaksyon niya. Para itong naging tensiyonado bigla. May mga butil ng pawis na rin ang noo niya.
"Eh di mga barkada mo! hindi ba ang sabi mo kanina sila ang mga kasama mo? maliban na lang kung hindi talaga sila ang kasama mo." Painosenteng sabi ko.
"Pinaglololoko mo ba ako?" kunot ang noo na tanong niya. Nakangiting itinaas ko ang mga kamay ko na parang sumusuko.
"Bakit ba kasi tensiyonadong tensiyonado ka sa usapan natin eh tinanong lang naman kita kung bakit tinanghali ka rin ng gising. Alam mo baka nagugutom ka pa. Gusto mo kumain ulit?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"You b***h!" galit nitong saad.
"Oops.. mali ka yata ng sinabihan. Mukhang para sayo 'yan b***h! Oh diba mas bagay pag nanggaling sakin haha." Natatawang saad ko. Sabay talikod ko sa kanya. Walang nagawa si kate kundi ang magpuyos ng galit nito.
Nag inhale exhale ako tsaka ngumiti ng pagkatamis tamis bago pumasok sa loob ng kusina.
"Good morning nanay." Masiglang pagbati ko sa kanya.
"Good morning din, mukhang good mood ka ata ngayon." Nakangiting niyang sabi.
"Nanay naman para niyo na rin sinabing palagi akong wala sa mood." Nakanguso kung sagot
"Sira hindi iyan ang ibig kong sabihin may ginawa ka na naman ano?" Nakapameywang nitong tanong sa akin.
" kilalang kilala niyo na po talaga ako. May naisahan kasi ako. Hulaan niyo kung sino?" Masayang saad ko.
"Naku kahit hindi ko na hulaan, alam ko na kung sino. " Naiiling nitong sagot. Tawa lang ang isinagot ko.
"Kumain ka na nga riyan baka gutom lang iyan."
Ibinigay niya sa akin ang platong kinuha niya sa lagayan.
"Sabay na tayong kumain nanay. Alam kong hindi pa rin kayo nag aalmusal. Nagpapagutom na naman kayo, mamaya magkasakit kayo niyan." mahabang sabi ko.
"Kumain na ako kanina. hindi ko na natiis ang gutom. o siya kumain ka na." nakangiti pa ito habang nilalagyan ng pagkain ang plato. Bigla ko tuloy na miss ang inay ko. ganitong ganito ang ginagawa niya sa akin kapag umuuwi ako galing eskwelahan.
"Sila andrew po pala nay?" tanong ko dito.
"Naku maagang pumasok ang dalawa, may gagawin daw sa eskwelahan. Hindi na nga nakapag almusal ang mga iyon kaya pinabaunan ko na nga lang ng pagkain."
"Ay sus! bakit naman may payakap yakap ka pa jan?" nangingiting saad nito habang hinahaplos ang mga braso ko na nakapaikot sa tiyan niya.
"Napakabait niyo po talaga sa aming magkakapatid. Maraming salamat po nanay." saad ko dito. Hindi ko na napigilan pa ang luha ko dahil sa sobrang saya na nararamdaman. Hindi namin siya kadugo pero kung ituring niya kami ay parang mga anak niya.
"Mabubuting mga bata rin naman kayo kaya magaan ang loob ko sa inyo. Kumain ka na nga batang ito oo, ki aga aga nagdadrama ka diyan." nakangiting pinahid ko ang basang pisngi ko saka bumalik na sa pagkain ko.
Pumapasok na rin pala ulit sila. Nakiusap ako kay tiyang na kung pwedeng papag-aralin silang dalawa kahit huwag na ako. Pumayag naman siya ngunit may kapalit, gagawin niya daw kaming katulong. Nakiusap pa ako na ako na lang ang alilain nila ngunit hindi naman ito pumayag kaya wala akong nagawa.
Nang matapos kumain. Naisipan kong mamasyal. Kailangan ko kasing libangin ang sarili ko para hindi ko na maisip pa ang tungkol sa nangyari kagabi.
Sa isang mall ako dinala ng mga paa ko. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Hindi ko pala alam kung anong gagawin ko dito. Bumili kaya ako ng mga damit? bibilhan ko na rin ang mga kapatid ko ngunit kaagad ko rin inalis na isip ko iyon nang maisip na kunti lang pala ang dala kong pera.
May nakita akong bookstore dahil mahilig akong magbasa ng libro napagdesisyonan kong doon pumasok. Namili ako ng librong bibilhin. Napahinto ako sa ginagawa nang bumangga ang braso ko. Akala ko sa isang shelf ako bumangga ngunit sa isang tao pala.
"Lance?" Hindi makapaniwalang bigkas ko. Siya iyong lalaking nakabungguan ko sa hospital.
"Zeinab?" gulat din nitong saad. Tumango lang ako bilang tugon.
"Wow! Akalain mo iyon nagkita ulit tayo." masayang saad nito. Nginitian ko lang siya dahil wala akong maisip na isagot.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.
"Obvious ba?" nakangiting saad ko habang nakataas ang isang kamay ko na may hawak na libro. Nahihiyang napakamot naman ito ng ulo.
"Mahilig ka rin pala sa mga libro?" tanong ulit nito.
"Hindi naman masyado pero nong nag aaral pa ako oo." sagot ko habang nasa mga libro ang atensiyon ko.
"Ah ganon ba!" tanging sagot niya lang.
"E ikaw mahilig ka rin bang magbasa?" balik tanong ko.
"Actually hindi. Nautusan lang ako ng kapatid ko."
"Ah." sagot ko habang tumatango tango. Hindi na ulit ito nagsalita pa kaya itinuon ko na lang ang atensiyon sa pamimili ng libro at ganon din naman ang ginawa nito.
"May napili ka na?" tanong nito sa akin.
"Ah, oo ito o. eh ikaw nahanap mo ba 'yong libro?" Itinaas lang nito ang kamay na may hawak na libro. sabay na kaming pumunta ng counter upang magbayad.
"Mauuna na ako sayo!" nakangiting paalam ko.
"Ahmm.. pwede ba kitang yayain kumain? Huwag mo sanang masain ha? bigla kasi akong nagutom. Libre ko!"
"Huh.. ah.. ano kasi.." bigla naman akong nataranta. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi.
"Please!" pakiusap nito.
"Si-sige!" nahihiyang saad ko. Wala naman sigurong masama kung papayag ako. Mukha naman itong mabait.