Chapter 4

1846 Words
Ngayong araw na ang labas ko sa hospital. Kung pwede nga lang akong tumira dito hindi na ako aalis pa, mas gugustuhin ko pa sigurong dito nalang kesa umuwi sa bahay na 'yun, ngunit hindi pwede kailangan ko pang balikan ang mga kapatid ko. Sa kakaisip ko kung ano ang mangyayari sa aking pag uwi nang biglang "Sorry miss hindi ko sinasadya." napakurap kurap ang mga mata ko habang nakatitig sa mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Kaagad kong inilayo ang sarili ko sa kanya ng malamang nakapaikot ang mga braso niya sa bewang ko. "Pasensya na rin po." hinging paumanhin ko. Kasalanan ko kasi, kung kailan nasa mataong lugar ako saka naman lumilipad ang isip ko pero infairness ang pogi niya. "Aray, bat niyo po ako pinitik?" Feeling close naman ang lalaking ito. Kung hindi ka lang gwapo. "Nakatulala ka kasi sakin miss." Nakangiti niyang sabi. Nalantad tuloy ang mapuputi at pantay patay niyang mga ngipin na mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya. "Hoy! okay ka lang ba miss?" nagtatakang tanong nito. "O-oo. sige alis na po ako so-sorry ulit." Nauutal utal kong sagot. Dahil sa sobrang kahihiyan ko kaya tuloy naapektuhan na pati pagsasalita ko. Hahakbang na sana ako ng bigla niya akong pinigilan sa siko ko dahilan upang maudlot ang pag alis ko. Kunot noo akong tumingala sa kanya, mas matangkad siya sakin. "May nakapagsabi na ba sa iyong mas gumaganda ka pang lalo kapag nakakunot ang noo mo." Pinapakilig pa ata ako ng kolokoy na to. Sa halip na ngumiti napanguso ako sa sinabi niya. Di ko naman akalaing mas ngingiti pa siya ng malapad sabay gulo ng buhok ko. "Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo." "Naku! alam ko na ang mga ganyang galawan." Nanlalaki ang mga matang napatutop ako sa aking bibig. Biglang lumabas sa bibig ko, alam ko nasa isip ko lang 'yun. Ngunit sa halip na mainis ay lalo pang lumapad ang ngiti niya. Hindi ba nangangawit panga niya sa kakangiti? "Ang cute mo talaga, so ano nga ang pangalan mo?" Kinurot pa niya ang pisngi ko. Aba't loko 'to kanina pitik ngayon naman kurot. iyong totoo, close po ba tayo? "Zeinab ang pangalan ko. Okay na po?" Sinabi ko nalang ang pangalan ko ng makaalis na ako. Hahakbang na naman sana ako ng pigilan niya na naman ako pero di na sa siko kundi sa kamay ko na. Nakakahiya buti nga 'di magaspang ang kamay ko kahit na marami akong trabaho. Teka nga nakakahalata na ko, kanina sa beywang, tsaka siko, ngayon naman sa kamay, manyak ba 'to? Kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanya. "Sorry, naaaliw lang kasi ako sayo, ako nga pala si Lance." Nakangiti niyang pakilala at inilahad ang kamay niya, nag-aalangan man ay nakipagshake hands narin ako. Babawiin ko na sana ang kamay ko ng humigpit pang lalo ang pagkakahawak niya dito. Napatingin ako sa kanya. "Anak nakatawag na ako ng taxi halika na." Binitawan niya din naman ang kamay ko. Mabuti na lang pala dumating si nanay. Dali- dali ko siyang nilagpasan at naglakad ng mabilis. Nasa kalagitnaan palang ako ng hallway ng sumigaw siya. "Magkikita rin tayo sa mga susunod na araw Zeinab. " Di ko na siya nilingon pa at baka bigyan niya pa ng kahulugan kung lilingon pa ako. Napailing na lang ako. Oo nga't pogi ka ngunit hindi kita gusto. 'Di na naman ako mapakali sa kinauupuan ko habang sakay ng taxi. Napansin naman ako ni nanay na parang balisa. "Anak wag kang matakot at kabahan, walang kakain sayo sa bahay na iyon ngayon dahil nandyan ang tiyuhin mo." Ginagap niya ang kamay ko at pinisil iyon upang mapanatag ang loob ko. "Kailan pa po siya dumating nay?" Tanong ko sa kanya. "Kahapon lang nak." Simula nong tumira kame sa kanila, ngayon ko palang siya makikita, palagi daw kasing nasa out of town ang asawa ni tiyang. Naidalangin ko nalang na sana di niya kasing sama ang kanyang pamilya. Tahimik sa buong bahay ng makauwi kame ni nanay. Asan na kaya sina andrew dalawang araw ko din silang hindi nakita. Nagulat kami ng may tumikhim. Kasing edad ni tiyang ang lalaking nakatayo sa pinto ng garden.. Naglakad siya palapit sa amin habang nakatitig sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw na ba si Zeinab iha?" Tila ba may kakaiba sa mga tingin niya sakin. Ganon din sa ngiti niya. "Ako nga po tiyong." Nagbaba na lang ako ng tingin upang di ko makasalubong ang mga tingin niyang ipinupukol sakin. "Ang ganda mo namang bata, manang mana ka sa nanay mo." Titig na titig parin niyang sabi. "Salamat po." Naiilang na sagot ko. "Ah Enrique pupunta muna kami sa silid nang makapagpahinga kami kahit saglit lang." Sabat ni nanay. Hindi ko alam kung pareho kami ng iniisip ni nanay ngayon. "Go on, pagpahingahin mo ng mabuti si zeinab ng makabawi siya ng lakas. " Nakangiting saad niya. Nakangiti nga ba o ngising aso. Sinamahan ako ni nanay hanggang sa loob ng kwarto. "Magpahinga ka na muna, ako na ang bahala sa ibaba. " saad nito nang mailapag sa gilid ng papag ang bag na bitbit niya. Tumango ako bilang tugon. Gusto ko sanang tanungin siya tungkol kay tiyong ngunit nag alangan ako dahil baka mamaya ay wala naman pa lang malisya at ako lang itong madumi ang isip. Makatulog na nga lang muna. Gabi na ng magising ako, napasarap ata ang tulog ko. Himala, bakit kaya walang may nang-istorbo sa akin. Napabangon ako ng may kumatok. Agad ko namang binuksan ang pinto ng marinig ko ang boses ni nanay. "Gising ka na pala, tara na at nang makakain ka na. Gusto kayong makasabay ng tiyuhin niyo, nandoon na ang mga kapatid mo." Mahabang sabi niya. Lalabas na sana ako ng maalala kong kagigising ko lang. "Ahmm.. nay susunod na lang po ako, mag-aayos lang po ako." Nakangiti kong sabi. "Sige sumunod ka na rin agad, wag ka nang magtagal baka mapagalitan ka na naman." Tango na lang ang itinugon ko. Ngumiti siya sakin at umalis na rin. Dali-dali akong pumunta ng banyo at nag ayos. Nang matapos ay tumungo na rin ako sa kusina. Nadatnan ko silang nakaupo na sa harap ng mesa maliban lang kay tiyong. Nag aalangan pa akong pumasok ng mapansin kong masama ang mga tingin ng tatlo sa 'kin. Napapitlag pa ako ng biglang may magsalita sa likod ko. "O! bat nakatayo ka lang? halika na at umupo sa tabi ni kate ng makakain na tayo." Nauna na siyang maglakad sa 'kin. Agad namang nagsalita si kate. "No! don't you ever seat beside me, there's a vacant seat beside kuya ryan. Don ka umupo!" Maarte niyang sabi. Pupunta na sana ako sa sinabi niyang bakanteng upuan nang magsalita si tiyong. "Pag sinabi kung umupo ka sa tabi ni kate! doon ka uupo! subukan mo pa ulit na magprotesta kate makakatikim ka na sa 'kin!" Ma-autoridad na sabi nito. Walang nagawa si kate kundi ang tingnan na lang ako ng masama. "Kumain na tayo." Mahinahon ng sabi ni tiyong. Hinintay muna naming magkakapatid na matapos silang kumuha ng pagkain saka kami kumuha. Hindi kami sanay na makisalong kumain sa kanila kaya binilisan na lang namin ang pagkain upang makaalis na. Saka na lang ako papasok ulit upang maghugas ng pinggan kapag tapos na sila. "Tapos na agad kayo?" Bakas sa mukha niya ang gulat nang sabay sabay kaming tumayo ng mga kapatid ko. "Opo tiyong." Nakatungo kung sabi. Ramdam ko ang tingin samin nila kate. "Wag muna kayong pumanhik sa silid niyo. Antayin niyo nalang kami sa sala at may sasabihin ako sa inyong lahat." Seryoso niyang sabi. Tumango na lang ako at kagad ng lumabas ng kusina. "Magsiupo kayong lahat." Sabi ni tiyong sa amin, tumalima naman kami. Magkakatabi kaming tatlo, si Ryan naman at kate ang magkatabi habang nasa solong upuan naman ang mag asawa. "Lucy umabot sa akin ang lahat ng mga pinag gagawa mo sa mga pamangkin mo. Simula ngayon wala nang mananakit sa kanila naiintindihan niyo ba?" walang nagawa si tiyang kundi ang tumango na lang. Asan na ang tiyahin ko na palaging nasusunod sa bahay na ito. Muli na namang nagsalita si tiyong. "Simula ngayon sa bakanteng silid sa taas na kayo matutulog. yung isa para sa mga kapatid mo at 'yung isa para sayo Zeinab, huwag na rin kayong tutulong sa kusina, katulad ni kate tumira kayo dito na parang inyo ang bahay na ito." Napamaang ako sa narinig ko. Agad namang nagsalita. "Pero daddy, magiging kaagaw ko pa ang babaeng 'yan sa lahat ng meron ako." Galit na sabi niya. "Wala kang karapatang magreklamo, alalahanin mo na kung anong meron ka ngayon ay galing lahat ang mga 'yan sakin. Kaya kong bawiin ang lahat ng meron ka ngayon at ilipat kay Zeinab kung gugustuhin ko."galit ring sabi ni tiyong. "Pero daddy! papayag akong hindi na sila mangatulong pero huwag mo silang ilipat sa itaas. Wala silang karapatang umasta na parang anak niyo rin." pagtutol na naman ni kate. Ano bang meron sa itaas? bakit ayaw niya kaming lumipat ng silid doon. Sabagay tama nga naman siya wala kaming karapatan sa bahay na ito. "At sino ka naman para kuntrahin ang mga desisyon ko, kung tutuusin pare -pareho lang kayong walang mga karapatan sa bahay na ito lalong lalo kana dahil hindi rin naman kita kadugo." Shocks ako sa sinabi niya, sina kateay hindi anak ni tiyung? Pano nangyari iyon. Tiningnan ko si kate bigla siyang natahimik. Maging si tiyang ay walang kibo. "Tapos na ang usapang ito, matulog na tayo." Tumalikod na siya matapos niyang sabihin iyon. Tatayo na rin sana kami ng magsalita si kate. "Masaya kana siguro ngayon no? dahil magbubuhay prinsesa ka na rin kagaya ko." Ang lakas talaga ng tupak ng babaeng ito. "Alam ko naman kung ano ang posisyon ko sa bahay na ito, at marunong din akong makuntento kung anong meron ako, hindi kagaya mo umaastang prinsesa wala ka naman palang korona." Taas noo kung sabi sa kanya. "Ha! malakas na ang loob mong lumaban ngayon dahil nakahanap ka ng kakampi. Pero sige lang, Namnamin mo nalang ang pagkakataong maging prinsesa ka ngayon dahil hindi habang buhay ay nasa iyo ang korona ko, patitikimin lang kita at kukunin ko rin kung ano ang sa 'kin." Pinagsasabi nito. Sasakyan ko nalang ang trip niya. "Pinagsasabi mo, walang sayo, pinatikim ka rin lang naman umabuso kana. Di ko inaangkin kung anong meron ka baka kasi sa susunod maging bulok rin ang pagkatao ko, at iyon ang hindi ko gugustuhing mangyari. sa iyong sayo na ang koronang sinasabi mo, isabit mo pa sa leeg mo gawin mo pang kwentas ng hindi mawala sayo." Tumayo na ako at agad kung hinila ang mga kapatid ko papuntang silid na tinutuluyan namin. "Ang galing mo don ate, nakahanap ng katapat ang bruhang kate na iyon." nakangiting saad ni jane nang makapasok sa kwarto namin. Kahit papaano pala may magandang naidulot ang pag uwi ni tiyong. Pinag isipan ko pa naman siya ng masama, maganda naman pala ang intensiyon niya sa aming magkakapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD