Nagising ako sa isang silid. Ngunit hindi ito ang silid ko. Ipinikit kong muli ang mga mata ko baka kasi nananaginip lang ako ngunit ng muli kong iminulat ang mga mata ko ganon parin ang nakikita ko. Nasaan ako? tatayo na sana ako ng biglang may magsalita.
"Huwag ka muna bumangon, kumusta na pakiramdam mo iha?" bungad sakin ng lalaki sa may pintuan.
"O-okay na po ako." Nauutal kong sabi, tumayo na rin ako tutal wala naman talaga akong nararamdaman sakit. Umurong ako ng lakad ng makita ko siyang lumalapit sakin.
"Huwag ka matakot sakin iha. Mabuti akong tao. Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa nagawa ko kanina. muntikan na kitang masagasaan." Bakas sa mukha nito ang pag aalala niya sakin. Naalala ko na ang nangyari sakin kanina, nawalan ako ng malay dahil siguro sa init at pagod.
"Ako nga po ang dapat na humingi ng paumanhin, Nawala po ako sa aking sarili hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada!" Nahihiyang sabi ko
"Wala iyon iha mabuti na lamang at wala gaanong sasakyan." Nakangiti niyang sabi. Bigla kong naalala yung mga pinamili ko kanina patay ako nito kay tiyang pag nagkataon.
"Ahmm.. sir iyon mga pinamili ko po kanina na-naitabi niyo po ba?" Nag aalangan ko na tanong.
"Ah yun ba, di ko na nakuha nataranta na kasi ako pati ang driver ko. Pero huwag ka mag alala pinabalik ko si mang kanor kasama si manang rosing sa palingke para mapalitan iyun mga natapon mo na dala kanina." Nakangiti pa rin na sabi niya sakin.
"Salamat po, pasensya na po ulit sa abalang nagawa ko sa inyo!" Hinging paumanhin ko ulit. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag dahil wala na pala akong problema sa mga pinamili ko kanina.
"Wala iyon iha, ano pala ang pangalan mo?"
"Ahmm.. Zeinab po ang pangalan ko!" Pagpapakilala ko
"Ako naman si Alex, tawagin mo na lang akong tito alex at-." Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto.
"Alex nasa baba na yung mga pinabili mo, at okay na rin ang hapunan kumain na muna kayo." Sabi ng matanda. Siya na siguro si manang rosing.
"Sige ho susunod na kame, tara na iha sa baba at ng makakain kana ng hapunan para maihatid kana sa inyo."
"Naku huwag na po, baka po kasi hinahanap nako samin, salamat na lang ho sa alok!" Natataranta kong sabi. Patay na talaga ako nito ngayon, Umaga pa lang ako umalis tapos gabi na pala ngayon.
"No iha i insist sabayan mo akong kumain, ipahahatid na lang kita at si mang kanor na ang bahala kumausap sa tiyang mo." Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi nito at mukhang buo ang pasya niya na hindi ako pauwiin hanggat hindi ako kumakain. Nakakaramdam na rin ako ng gutom na.
"Alex tumawag kanina si detective." Naririnig ko na sabi ni manang rosing.
"Ano ang sabi may balita na ba siya?" Sagot ng may katandaan ng lalaki. Wala akong balak makinig ngunit nag uusap sila sa hapag kainan habang kumakain kami.
"Napuntahan niya na daw ang bahay na sinasabi mo. Ang sabi ng mga tao roon matagal na daw na walang nakatira sa bahay na iyon simula noon namatay ang nanay ng mga bata." Mahabang paliwanag ni manang. Parang naging interesado ako kung sino ang pinag uusapan nila dahil kagaya ko nawalan din ako ng nanay.
"Wala ba may nakapag sabi kung nasaan na ang mga bata?" Mga bata? ibig sabihin hindi lang isa ang tinutukoy nila.
"Ang sabi kinuha na ng tiyahin nila matapos mailibing ang nanay nila! Ang alam lang nila dito sa maynila dinala!" Pareho pa kami na napunta sa tiyahin, sana lang mabait at hindi mapag malupit ang tiyahin nila na kagaya ng ginagawa samin ng tiyahin ko.
"Ganoon ho ba! Pakitawagan niyo na lang po siya ulit. Sabihin niyo po na pumunta dito at gusto ko siyang makausap!" Hindi ko mapigilan na humanga sa kanya. Siya ang Amo ngunit ganoon na lamang ang paggalang niya kay manang rosing.
"Sige tatawagan ko siya kaagad!" Pag sang ayon ni manang.
"Kailangan niya ng mahanap ang anak ko. Gustong gusto ko na siyang makita!" Anak niya pala ang tinutukoy niya. Bakit kaya sila nagkahiwalay? Ang swerte naman pala nila kasi mabait si sir alex.
Matapos kumain agad naman niya akong ipinahatid. Di ako mapakali habang sakay ng kotse. Siguradong di lang sermon ang aabotin ko nito. Natatanaw ko na ang malaking gate nila tiyang. Mas lalo akong kinabahan ng huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay.
'Lord haplosin niyo po sana ang puso ng tiyahin ko' ang tanging dasal ko. Kaagad akong bumaba at nagpaalam sa driver. Sasamahan niya pa sana ako ngunit pinigilan ko na lang siya. Walang pakialam ang tiyahin ko sa ibang tao kaya kahit mag paliwanag pa si manong hindi rin iyon tatanggapin ni tiyang. Ayokong makita niya kung pano ako saktan nito. Dahan dahan akong pumasok ngunit ng may marinig akong sigaw at iyakan sa kusina agad agad din akong pumasok. Laking gulat ko ng makita si andrew at jane.May mga malalaking bato na nakapatong sa mga kamay nila habang nakaluhod sa asin. Minsan naiisip ko kung talaga bang kamag anak namin sila bakit ganito na lang nila kami pag malupitan.
"Aatee!" Umiiyak nilang sambit ng makita ako. Naaawa ako para sa kanilang dalawa. Hindi bali nang ako ang saktan nila huwag lang ang mga kapatid ko. Mabilis ko silang nilapitan at kinuha isa isa ang mga bato Saka pinatayo at niyakap sila ng mahigpit.
"Tahan na, nandito na ang ate. Patawarin niyo ako hindi dapat nila kayo sinaktan kung nakauwi lang ako kaagad!" Naiiyak kong sabi. Kapag may hindi sila nagustuhan o hindi ko nasunod ang utos nila. Ang mga kapatid ko ang pinaparusahan nila. Hindi na ako papayag na masaktan pa ulit ang mga kapatid ko.
"Sino nagsabi na tumayo kayo?" Nanlilisik ang mga mata ni tiyang habang nakatingin sa mga kapatid ko. Itinago ko sila sa likod ko.
"Tiyang parang awa niyo na. Huwag mo silang idadamay! Ako ang may kasalanan kaya ako na lang ang parusahan niyo!" Pag mamakaawa ko sa kanya. Sa halip na pakinggan ang sinabi ko. Lumapit ito samin. Napalunok ako nang makita ang galit sa mga mata nito.
"Mas malala pa jan ang gagawin ko kung hindi ka aalis jan!" Pagbabanta nito
"Tiyang parang awa niyo na po!" Pagmamakaawa ko pa rin.
"Kate, kunin mo ang mga bata at pabalikin sa pagkakaluhod!" Utos nito sa anak niya.
Nakangisi ito na lumapit at pilit na pinalalayo ang mga kapatid ko sakin.
"Aateee!" Magkasabay na tawag nila sakin. Umiiyak na rin ako, mas lalo ko pa silang niyakap at pilit na pinapaalis si kate.
"Inuubos mo talaga ang pasensiya ko!" Tiningnan ko siya nang may pagmamakaawa.
Ngunit sinampal niya lang ako. Hindi pa siya nakuntento hinablot niya ang buhok ko dahilan para mabitawan ko ang mga kapatid ko. Hinila nito ang buhok ko, napalayo ako sa mga kapatid ko. Tumama ang katawan ko sa pader ng itulak niya ako ng malakas.
"Panoorin mo kung paano masaktan ang mga kapatid mo!" Nakangisi nitong sabi saka lumapit sa mga kapatid ko. Nanlaki ang mga mata ko ng kinuha niya ang latigo at pumwesto siya sa likod ng mga kapatid ko.
"Luhod!" Sigaw nito sa kanila. Kaagad silang tumalima sa takot na masaktan.
"Aaaahhh! tamaaa na po!" Napapikit ako ng mga mata. Hindi ko kayang makita ang pagmamakaawa ng mga kapatid ko. Mabilis akong lumapit sa mga kapatid ko at niyakap sila sa likod. Ito lang ang paraan na alam ko para maprotektahan sila.
"Gusto mo yan ha kung ganon pagbibigyan kita!" Napaliyad ako sa sakit ng maramdaman ang pagtama ng latigo sa likuran ko. Tiniis ko ang lahat ng hampas niya na ginagawa sa likuran ko hanggang sa mapagod siya. Nararamdaman ko na ang pang hihina ng katawan ko
"Aatee!" Pilit akong ngumiti kay jane.
"Ayos lang ang ate huwag ka ng umiyakkk!" Napapikit ako sa sakit ng tumama na naman sa likod ko ang latigo.
"Ano kulang pa ba ang sakit?" hinablot niya ang buhok ko paharap sa kanya. Matapang na tinitigan ko siya sa mga mata.
"Bat ganyan ka makatingin? Lalaban ka ba ha?" Galit na galit nitong sabi. Pinaalis niya ang mga kapatid ko at naiwan akong mag isa na nakaluhod pa rin habang hawak hawak ang buhok ko. Sinabunotan niya ako.
"Aaaa!" Naramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa gilid ng lababo. Dahil sa subrang panghihina at pagkaliyo sa pagsabunot niya hindi ko napag handaan ang ginawa niyang pag untok sa ulo ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni tiyang, Wala na siya sa sariling pag iisip kaya niya nagawa iyon.
Nanginginig ang kamay na kinapa ko ang sentido ng maramdaman ang likido na dumadaloy sa pisngi ko. Nakita ko pa ang dugo sa kamay ko nang biglang dumilim ang paningin ko.