“Ano bang ibig mong sabihin?” isang linya na ang mga kilay na tanong ni Andrea sa kapatid kasabay ng paglingon kay Frederick at sa kanyang ama. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng mga ito. Galit at pagkamuhi pa rin ang nakikita niya sa mga mata ng asawa habang nakatutok ang mga iyon sa kanyang Papa. “Ano!? Sagutin n'yo ako? Bakit hindi ko pwedeng maging asawa si Fred!?” naghihisterya ng tanong niya sa mga ito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa dibdib nang mga sanding iyon at nangingibabaw na doon ang takot. Naramdaman niyang tumayo ang asawa. “Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo? Natatakot ka ba? Natatakot ka bang kamuhian ka n'ya? O natatakot kang madungisan ang napakaganda mong pangalan dahil sa ginawa ko?” nanunuyang tanong nito na sa matandang lalaki nakatingin.

