Nagising ako sa isang marahang pagyugyog sa aking balikat. "Hmmm." I moaned at tumalikod sa taong nang-gigising sa akin. "Wake up. You need to eat." "But I'm still sleepy." Nayayamot kong reklamo at nanatiling nakapikit. "Eat first then sleep. Come on o gusto mo pa akong bumuhat sayo para bumangon hindi mo magugustuhan iyon." Wala akong nagawa kaya nakasimangot akong bumangon at tumingin sa taong panggulo ng tulog ko. Nang mapagtantong si Kian iyon ay agad akong umayos ng higa. "Don't frown. Start eating, drink your milk and your medicine. I'll just go to my office just in the next room. I'll be back later. Dapat tapos ka ng kumain pagkabalik ko," utos niya sa akin. Umayos na lamang ako ng upo at tiningnan ang kanyang hinain. Nawala ang lukot kong mukha at muling nagliwanag ng napagt

