"LETS ALL WELCOME the daughter of Mr. Miguel Satin Morgan and Mrs. Liana Gaila Morgan, the owner of MAL empire and their future heir, our celebrant Mrs. Abigail Molly Morgan-Evans" Napuno ng palakpakan kasabay ng aking paglabas. Habang nakakapit ang aking kamay sa braso ni Kian ay nakangiti naming sinalubong ang mga bisita. Marami ang nagulat, may mga napasinghap, namangha at nagkaroon pa ng bulung-bulungan. Well hindi talaga maiiwasan yun. Mahabang taon naging tahimik ang buhay ko ngayon na lamang muli akong nagpakita na ngayon ay buntis pa at asawa na ng isang bilyonaryo. Kinakabahan ako dahil sa ngayon na lamang muli itong nangyari at hindi ko alam ang sasabihin ko. Isang malambot na kamay ang sumalubong sa aking nanlalamig na kamay. Tumingala ako at nakita ang aking gwapong asawa n

