Finding Wife 7

1268 Words
Tazhia POV "Malala ang pagkakatama ng ulo niya sa aksidente at sa mga mata niya na may damage at sa kadahilanan po maari po siyang mabulag" napakapit ako pader dahil sa nalaman ko Oo bumalik ako para sa asawa ko hindi ko din alam pero sa kaniya palang sumusuko na ang unting unting paglaban ko Hindi ko din alam pero pag sa kaniya may ngyari hindi ko din alam kung ano ang gagawin ko at hindi ko hahayaang mabulag ang asawa ko "Kung kailangan niya ng panibagong mata handa akong I donate ang mga mata ko" walang labis walang kulang na bahid ang pagkakasabi ko nagulat naman sila "Nababaliw ka na ba zhia"sigaw sa akin ng kieffer oo baliw na ako kung kailangan niya ng mata kaya kong ibigay ang mata ko para lang sa asawa ko para lang kay jaiden "Ayaw ko siyang mabulag Kieffer" umiiyak na habalin ko pero umiling lang siya nandito sila ng pamilya niya pinapanood at umiiyak ng dahil sa anak nila dahil sa kapatid niya "Maghahanap tayo zhia wag lang ang mga mata mo" yinakap niya ako napakapit na lang ako sa braso niya umiiyak ako matutumba at si jaiden lagi ang nagpaparamdam ng ganitong bagay hanggang kailan mo ako paiiyakin? alam mo bang hindi ko na kaya pero pag ikaw ang pinaguusapan hinding hindi nauubos ang luha ko bakit ang daya? diba dapat sa akin ngyari yan dahil para kahit sobrang sakit wala akong makikita para kahit papaano hindi gaano kasakit Inalalayan ako makapasok ni kieffer papunta sa room ni jaiden ilang weeks na simula ng mangyari ito Naiwan akong nakatingin sa natutulog na jaiden Nanginginig kong hinawakan ang mukha niya ngayon ko lang ito nahaplos Tumulo nanaman ang luha ko hindi ito mauubos pero ang sakit gustong gusto ko na maubos "Jaiden nandito ako babantayan kita jaiden I'm sorry" patuloy lang sa pagpagsak ang luha ko "Jaiden hindi na ako magtatangka sumuko sayo, kakayanin ko para sayo gumising ka lang at makita mo kung gaano kaganda ang paligid" hinawakan ko ang kamay niya ang hirap palang makita ang taong mahal mong nasa hospital at may masamang ngyari ang hirap tanggapin "Mahal na mahal kita kaya gumising ka na jan" alam ko para akong baliw na nagsasalita magisa pero alam ko naririnig niya ang sinasabi ko at masaya ako na maparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal na walang mangiiwan sa kaniya ganoon ko siya kamahal "Hindi ko alam ang gagawin ko ,gusto gusto kong maging masaya pero bakit ganito laging ngyayari puro problema? puro sakit? at ako ang kaisa isang taong kahit sobrang sakit na mamahalin at mamahalin ka, ang dali mong iwan ako alam ko pero sa akin sobrang sakit na hindi ko kaya na parang nawala ang buhay ko at sa tuwing mangagayari ang pasakit na un mas nadagdagan ang kagustuhan kong sumuko"hinaplos ko ang mukha niya "Handa na akong palayain ka, handa na akong pagbigyan kang hiwalayan ako, handa na akong tumapos sa relasyon na un, handa na akong sumuko kasi hindi ko na kaya, handa na akong lumayo sayo para maging masaya ka handa na akong iwan ka handang handa na ako" Sobrang tagal ang dinanas kong hirap pero sa tuwing naalala ko un mas lalo akong bumabagsak "Handa na ako jaiden pero bakit kahit handa na ako sa huli sayo parin ako bumabagsak? ano bang ginawa mo sa akin at minahal kita ng sobra na kahit buhay ko kaya kong ibigay mabuhay ka lang, nahihirapan na ako pero bumabalik parin ako mula sayo, mula sa asawa ko at kahit hirap at nagdudusa na ako kahit lupa ang laging sumasalo sa sakin bumabangon ako dahil sa isang jaiden alex Ramirez?" Pinahid ko ang luha ko " Ganoon kasi kita kamahal at hilingin mo lang na balikan kita babalik ako sayo, madaya diba? kahit sinaktan mo na ako paulit ulit mahal parin kita, bakit kasi ang daya ni kupido pinana ako tapos ung kaparehas ko ibinabagay mo sa iba, ikaw ba jaiden para sa iba ka?para kay sofia ka? para sa taong mahal mo? bakit kasi hindi na lang ako?" Napangiti ako sa sinabi ko "Sino ba naman kasi ako? ako lang ung asawa mong mahal na mahal ka, ako ung asawa mong bumabagsak parin sayo, ako ung babaeng kahit saktan mo binabalikan ka parin eh ikaw jaiden ano ba ako sa buhay mo? pang tanga ba ang tanong ko sorry pagsayo kasi nagiging tanga ako at kahit ipaintindi nila sa akin tanga ako pagdating sayo, jaiden napatawad na kita sa ginawa mo sa akin sa ginawa niyo sa akin, basta magising ka lang, magising ka lang asawa ko" Sabay sabay ang pagpatak ng luha ko wala na yata itong ubos dAhil kahit mamaga na ang mata ko kaiiyak hindi parin sapat para patigilin ang luhang ito "Jaiden hinihintay kita hinihintay ka namin ng anak mo kaya gumising ka na ,jaiden pwede ba magtanong?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para magtanong pero gusto ko lang malabas dahil sawangsawa na ako isaisip at sa isapuso ang katanungan na ito sobrang lalalim na kahit sarili ko gustong gustong ko alamin Gusto ko mabuo kami pero habang maaga pa matanong ko na ang matinding bumabagabag sa puso ko at gusto ko ng magandang kasagutan "Jaiden kahit minsan ba mas lamang parin si sofia? kahit minsan ba naranasan mo din umiyak sa sakin? kahit minsan ba naranasan mo ng masaktan at ng dahil sa akin ?gusto ko ng kasagutan mas nanaig kasi ang takot ko na baka pag kagising mo siya ang hanapin mo, natatakot ako na baka sa. pagbangit mo ng pangalan niya masaktan ako, at ayoko mangyari dahil baka sa pagkakataon niyon hindi ko na kayanin at sumuko na ako sayo, natatakot ako na mawala lahat ng pagmamahal ko sayo, baka lumayo ako at hindi na kita Balikan dahil sa oras na un pipiliin kong humawak ng mabuti sa tali para hindi na ako bumagsak ngpaulit ulit sayo kaya jaiden" Huminga ako ng malalim bago hinalikan siya sa noo "Jaiden kung kami ni sofia ang mahalaga sa buhay mo sino ang pipiliin mo siya o ako? Ayoko pumila ka dahil may obligasyon ka sa akin pipili ka dahil mas imprtante siya sa buhay mo?" Hindi ko alam kung bakit nagtatanong ako kay jaiden habang tulog siya at walang malay ngumiti na lang ako ng mapakla at hinalikan siya sa noo Kahit hindi ka magsalita alam ko siya parin, si Sofia parin Unti unti kong inalis ang kamay ko at naglakad na paalis pero laking gulat ko ng marinig ko siya dahilan para mapaharap ako sabay sabay ang pagpatak ng luha ko at kita ko ang luha niyang unti unting pumapatak "Ikaw ang piiliin ko tazhia, dahil mahal kita, dahil Una palang naranasan ko ng umiyak sayo, naranasan ko ng masaktan sayo at hindi ko kinaya ng mawala ka akin, paulit ulit kitang sinasaktan pero minamahal mo parin ako, tazhia hindi mo lang alam kung gaano mamuhay ng wala ka, kung gaano kahirap at kasakit ng mawala ka at iwan mo ako, dahil sa dinami daming hindi ko kakayanin ay iwan mo ulit ako" Patuloy lang sa pagagos ang luha ko "Tazhia kahit sobrang ipagtabuyan kita sobrang hirap din mamuhay ng wala ka, ayoko iwan mo ako, ayoko mawala ka sa buhay ko, sobrang hindi ko kakayanin ,kaya Tazhia Valdez handa mo ba akong tanggapin ulit? handa mo ba akong mahalin ulit dahil ako kayang kaya ko ng patunayan sayo ang pagmamahal ko" Hindi ko alam ang pero masaya ako, ang saya saya ko "Handa kabang maging isang Ramirez ulit? maging asawa ko" ~~~~~~~~~~~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD