PROLOGUE

605 Words
Alyssa's POV "Senyorito..." mahinang sambit ko. Mula sa malayo ay natanaw kong kalalabas lang nito mula sa gate ng mansion. Natanaw ko rin ang sasakyan nito na nakaparada sa tabi. Tumakbo na ako palapit sa kinaroroonan niya. Hindi man lang niya ako nilingon. Ngunit alam kong narinig niya ako dahil sa lakas ng pagkasigaw ko. "Senyorito Helious!" Muli ay tawag ko. Natigilan ito at napalingon sa akin. Sinulit ko ang pagkakataon para makalapit pa rito. Malapit na malapit sa kaniya para kaagad kong makita ang reaction niya. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Alam kong hindi niya ako gustong makita pero wala akong magagawa kundi sabihin ang dapat sabihin. Tinalikuran niya akong muli ngunit hinabol ko at naabutan ko naman. Nahawakan ko pa ang braso niya. Kaagad niyang winakli ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. Huminga akong malalim. "Senyorito, meron kang dapat malaman." kinakabahan ngunit nagawa ko pa rin sambitin. Tumitig siya sa akin habang naniningkit ang mga mata. "Mas importante pa ba 'yan sasabihin mo kaysa sa girlfriend ko?" umigting ang kaniyang panga. "Kung hindi naman, puwede ba umalis ka na lang sa aking harapan? Hindi mo ba alam kung gaano ako naiirita sa pagmumukha mo?" nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Wala akong pakialam kung naiirita ka sa pagmumukha ko. Importante ang sasabihin ko dahil tungkol ito sa anak mo. "G-gusto kong sabihin na...m-magiging tatay ka na." alanganing ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Siguro naman matutuwa siya. Sino ba naman ang tatanggi sa isang blessing? Isa pa, dugo't laman niya ito. "What?" mas lalong kumunot ang noo niya. Blessing nga ba ito o problema? Hanggang ngayon hindi pa alam ng Inay ko na nagdadalang tao ako. Ngayon naman, sa hitsura pa lang ni senyorito Helious ay halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya. "M-magiging tatay ka na. Congratulations sa 'yo." ulit ko. "Hindi kita maintindihan—" nagsalubong ang mga kilay niya. Litong-lito sa ipinagtapat ko. "Hindi buntis si Andrea—" "Hindi mo ba natatandaan? M-may nangyari sa atin." hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita. Pinutol ko kaagad ang gusto niyang sabihin. Ang buong akala niya ay si Andrea na girlfriend niya ang tinutukoy ko. Hindi niya kaagad nakuha na ang tinutukoy ko ay 'AKO' Bigla na lamang siyang natawa. "Nababaliw ka na ba? Ako papatol sa 'yo? Hindi mo ba nakikita 'yang hitsura mo? Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin kahit sino hindi ka papatulan." puno ng panlalait na sabi niya sa akin. Napayuko ako. Sinipat ang sarili. Tsinelas lang ang suot ko, pantalon na kupas at puting tshirt na maluwag pa. Nanliit ako sa sarili ko pero kailangan ko ito gawin. Muli kong ibinuka ang aking bibig. "T-talagang may nangyari sa atin." muli ay sambit ko. Nagulat na lang ako ng biglang may dumapo na kamay sa panga ko. Nakalapit na siya sakin at sinasakal niya na ako ngayon. "Don't you know Andrea is here?" nanlilisik ang kaniyang mga mata ng tingalain ko. Humigpit pa ang pagkakapisil niya sa aking panga. "Huwag na huwag mo na uulitin na sabihin sakin 'yan dahil kahit kailan hindi ko matatawag na anak 'yan. Huwag mo 'ko idamay sa kalandian mo!" sinamaan niya pa ako lalo ng tingin. Mas lalo din dumiin ang pagkakapisil niya sa panga ko. "If that's really mine, bakit hindi mo ipalaglag? Don't you dare tell anyone about this!" mariin niyang sabi sabay pabalang na binitawan ang panga ko. Ang sakit ng panga ko dahil sa ginawa niya pero wala ng mas sasakit pa sa mga sinabi niya. Paano niya nagawang sabihin na ipalaglag ang batang mula sa dugo at laman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD