"M-masyado ka ng m-malapit sa akin." Dahan - dahan ko siyang tinulak. Buti na lang at hindi na siya nagpumilit pa. Dumistansiya ako ng bahagya sa kanya. "I-I'm sorry." Napabuntonghininga ako sa narinig ko. Napapikit pa ako ng mariin. Pagmulat ko ng mata ko ay hinaplos ko ang pisngi ko. "Nabigla ka lang siguro sa mga sinasabi mo." Sabay tawa ng mapakla. "Ngayon pa tayo nagkausap, Sir Fergus. H-huwag mo naman bahiran ng kung ano - ano iyang p-pagtulong mo sa akin." Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Ipinagpatuloy ko iyong gusto kong sabihin. "Susubukan ko pong kalimutan iyong sinabi mo kanina. Don't worry. Hindi ito makakarating sa iba." Nakagat ko ang pang - ibabang labi ko. Dahan - dahan akong humiga. Habang ginawa ko iyon ay parang tuod na nakatayo sa gilid ko si Sir F

