Maang akong napatingin sa lalaking kasama ni Kalbo. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa lahat ng tao na pwede kong makita at makaharap. Bakit siya pa? "A-anong ginawa niya rito?" bulong kong tanong habang nakatingin sa bagong panauhin. Nagkatitigan kami ni... Hindi ko alam kung tama bang bigkasin ang pangalan niya. Masyadong mabigat ang presensiya ng lalaking ito. Alam kong may klase ng tao na parang ma-iintimidate kang makipagsalamuha sa kanila. Hindi ko nga lang inaasahan na makakatagpo ako ng ganitong tao. At sa ganitong sitwasyon pa. Ni kahit sarili ko ay walang yatang karapatan na banggitin ang pangalan niya. Dahil ba sa alam ko kung anong klaseng mundo ang ginagalawan niya ? O dahil sa katotohanang hindi niya ako kilala pero ako ay kilala siya? May sumibol na emosiyon sa puso ko

