DARLING.
Masyado akong nawili sa kakagamit nitong dating app hanggang sa nakilala ko na nga ang lalakeng para sa akin, tatlong-araw na mula nang subukan ko itong dating app na sinabi ni Linda sa akin.
" Ate, papasok na po ako. " paalam ng kapatid ko, inabot pa niya ang salamin sa mata bago ako yakapin at naglakad paalis.
" Sa susunod nga, tanggalin mo 'yang salamin mo. Hindi na bumabagay, nerd ka ba? " hindi ko rin naman masabing nerd ang kapatid ko.
Kung titignan, oo. Pero kung literal na nerd? Hindi, halos puro palakol ang grade niya sa school.
Nguso niya akong hinarap at binelatan, inambaan ko siyang babatuhin nang suklay pero mabilis siyang lumabas sa bahay kaya napailing na lamang ako.
Pinagpatuloy ko ang ginagawang paglilinis ng bahay, hindi ako pumasok sa trabaho dahil sumama ang pakiramdam ko kanina. Umayos lang ngayon-ngayon.
Habang nagpupunas ng lamesa ay dumapo ang tingin ko sa cellphone kong tumunog, kita kong tumatawag ang boyfriend kong si Jerome. Oo, may boyfriend na nga ako, at masasabi kong sobrang gwapo niyang lalake.
Napakagwapo at ang yummy tignan, lalo na ang profile picture na gamit nito. Nakasuot siyang itim na polo at nakaside-view, kaya naman kitang-kita ang pagkaperpekto ng kaniyang mukha. Lalo na ang kaniyang panga.
Para siyang foreigner kung titignan, pero pure na pilipino siya. Ang tangkad niya ring tignan sa profile niya, kita ang maugat niyang kamay.
" Hello? " sagot ko.
Nakarinig ako nang mahinang hagikgik mula sa kabilang linya, ang ipinagtataka ko lang minsan, kapag nag-uusap kami hindi siya nago-open cam at hindi bumabagay ang kaniyang boses sa mukha.
Parang bulol kung magsalita. Di bale, bumawi naman sa itsura.
" Kamushta ka na? Shendan mo ako ulit. " diba, sabi ko sainyo eh. Para siyang bulol.
" Teka lang, naglilinis pa akong bahay. Sisendan kita mamaya, pang pagana mo. " kinikilig kong sagot.
Sinisendan ko kasi siya nang mga litrato ko, angat ang dibdib, may iba pa na bumabakat ang utong ko sa suot na manipis na sandong puti. Sa kapatid ko pa kasi ang sandong iyon, mabuti nga at hindi niya na sinusuot at hindi naitapon.
" Yown! Ang sarap! " mas lalo akong napahagikhik at namilipit sa kilig dahil sa ganado niyang boses.
" Sa susunod, ungolan mo naman ako. " dagdag pa niya, kinagat ko ang ibabang labi at binitawan ang hawak na pamunas.
Hindi ako ganun karunong umungol, madalas ay nailalabas ko lamang iyon kapag nagsasarili ako sa kwarto o sa banyo.
" Kailan mo ba gusto? " umupo ako sa lamesa at pinagdikit ang dalawang hita, sa mga oras na ito nakakaramdam na ako ng kakaiba sa sarili.
Para bang nag-iinit ako.
" Kung gusto mo ngayon na? " sagot sa kabilang linya, bahagya pang humagikgik ito.
" N-ngayon na? " utal na sagot ko, dahil sa mga oras na ito. Nai-imagine ko na ang gwapo niyang mukha na hinahalik-halikan ang aking binti paangat sa aking hiyas.
Gamit ang aking kamay ay pinalandas ko iyon sa aking hita, iniisip na mukha niya ito.
Ang abo niyang mata na nakantingin sa akin, ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking hita hanggang sa mapunta sa aking gitnang parte.
Mas nag-iinit ang aking pakiramdam.
" Ohmmm... " may mahinang ungol na lumabas mula sa aking bibig nang maramdaman ang aking kamay na dahan-dahang nilalaro ang aking gitnang parte.
Nakahiga na ako sa lamesa at dinadama ang sarili, nakapikit habang ang isang kamay ay hawak pa rin ang cellphone, walang nagsasalita mula sa kabilang linya kaya naman paniguradong nakikinig siya sa bawat ungol ko.
" Ahhh! Ohmmm! " hindi ko maiwasang mapaungol sa sarap na dinadama sa oras na ito, ang kamay kong naglalabas-masok sa aking kababaihan ay iniimagine kong ang kaniyang kabahaan iyon.
" Ohmmm! Ah! Ugh! " mas binilisan ko pa iyon, binitawan ko ang cellphone sa gilid ng tenga ko at hinimas-himas ang aking naglalakihang dibdib habang patuloy sa paglabas-pasok ang aking kamay sa gitnang parte.
Sarap. Sarap ang nadadama ko ngayon.
" A-ang sarap, Jerome. Ah! " nilingon ko ang cellphone ko sa aking gilid para sabihin iyon, para marinig niya.
Tanging ungol ko lang ang naririnig sa mga oras na ito, habang sa kabilang linya naman ay nakakarinig akong paghinga na para bang n*********l ito.
Napasabunot ako sa sariling buhok dahil malapit na akong labasan, wala man akong experience sa pakikipag-s*x, pakiramdam ko ay meron pa rin dahil alam ko naman kung papaano magsarili.
" Ohmmm.. Ah... P-putangina! " mas binilisan ko pa ang pagpasok-labas ng aking kamay, halos tumirik ang aking mata at napakagat sa labi dahil sa sarap.
Hanggang sa tuluyan na akong labasan, ramdam ko ang panghihina ng aking kamay at tuhod, nanginginig pa nga iyon. Halos pinagpawisan ako dahil sa ginawa.
Hingal kong binalingan ng tingin ang aking cellphone at kinuha iyon para itapat sa aking tenga, rinig ko ang malalim na paghinga mula sa kabilang linya.
" A-ayos ba? " hingal na tanong ko habang nakahiga pa rin sa lamesa.
Matagal pa bago siya sumagot, kaya naman naisip ko na baka hindi pa siya tapos sa kaniyang ginagawa. Ang pinagtataka ko lang bakit wala manlang siyang ungol.
Mas nagtaka pa ako dahil iba ang boses na narinig ko. " That hit the spot. "
Aniya sa kabilang linya, hingal na napaupo ako sa lamesa dahil sa kakaibang boses na iyon. Hindi ganun ang boses ni Jerome, masyadong malalim ang boses at paos kung papakinggan.
Ibang-iba ang boses na iyon sa boses ng boyfriend ko, ang boses ni Jerome ay matinis at parang kinakain ang sinasabi kaya bulol pakinggan, pero ang boses ng nagsalita ngayon ay ibang-iba.
Para bang ibang tao ang kausap ko.
Magsasalita pa sana ako para magtanong pero agad na ibinaba nito ang tawag kaya tulala akong napatingin sa cellphone ko.
Hindi kaya, may ibang taong kasama si Jerome? Pero, kung ganun. Pwedeng siya ang nakarinig ng pinaggagawa ko?
Nakakahiya!
Halos mamula ako sa naiisip, pero baka naman ganun talaga ang boses ni Jerome nag-iiba, kapag nag-iinit?
Napahilamos ako ng mukha at inayos ang pagkakatali ng aking buhok, inayos ko ang aking damit na halos magusot dahil sa gigil ko.
Ito ang unang beses na nakipag s*x on call ako, ito rin ang unang beses na dito ko ginawa ang magsarili sa taas ng aming maliit na lamesa.
" Ate! Wala kaming pasok, pero hindi ko isasauli itong baon na ibinigay mo—Anong ginagawa mo dyan sa lamesa? "
Mabilis pa sa alas kwarto ang aking naging kilos nang biglang sumulpot ang aking kapatid na nakatayo sa harapan ng pinto at takang nakatingin sa akin.
Naglakad siya papasok at inilapag ang bag sa may gilid pero ang mata ay nasa akin pa rin, napalunok ako dahil baka kung anong iniisip niya. Senior High na siya at alam kong may alam na sa mga bagay-bagay kaya hindi malabong alam niya ang nangyayari lalo pa sa itsura ko ngayon na medyo hindi pa maayos ang aking suot na pang-ibaba.
" Balak mo bang gawing basahan sarili mo kaya ka nasa lamesa? Ate naman, hindi naman porket wala kang boyfriend, gusto mo na maging basahan! " imbes na mainis ako sa lintaya niya ay nakahinga akong maluwag.
May pagkamahina ang kukote ng aking kapatid kaya nga minsan ay nagpapasalamat din talaga ako, inosente pa ang utak niya at parang akala mo bata minsan kung umasta.
Bumaba ako sa lamesa at humingang malalim. " Bakit wala kayong pasok? " tanong ko sakaniya.
Inabot niya ang hindi pa napipilong damit at nagbihis mismo sa harapan ko, sanay naman na ako dahil magkapatid naman kami at parehas na babae. Ako rin naman ang nagpapaligo sakaniya noon nung bata pa siya.
Tinanggal niya ang salamin na nasa mata kaya kita ang ganda ng mukha niya, sabi ko naman kasi sakaniya ay maganda siya Kung mag-aayos. Maganda pa rin naman si Seriah kahit may makapal na salamin sa mata, ang kaso ay hindi marunong mag-ayos ng sarili.
" Wala kaming pasok. " pag-uulit niya at kumuhang tinapay para lantakan iyon, sunod ang mata ko sa ginagalaw niya.
Pumamaywang ako habang taas ang isang kilay sakaniya, may iba nanamang ginawa ang isang 'to.
" May ginawa ka nanaman ba? " mabilis siyang umiling kaya naningkit ang mata ko sakaniya.
" Yung totoo? Walang announcement na wala kayong pasok! " dinuro ko siya, kumamot siya sa kaniyang ulo.
Kilala ko ang kapatid ko, madalas ay naipapatawag ako dahil sa kung ano-anong pinaggagawa nito. Kaya dumadating sa puntong kapag alam niyang ipapatawag ako ay tatakas siya sa school para umuwi at ibalitang wala silang pasok.
" Tatamaan ka sa'kin, Seriah! " banta ko sakaniya, inambaan ko siya na ibabato ang suklay pero agad niyang isinalag ang dalawang braso sa mukha.
" Eh kasi ate! Pinapatawag ka. " sinasabi ko na nga ba.
Huminga akong malalim, masamang tingin ang binigay ko sakaniya kaya hindi niya ako matitigang maigi. Alam kong sa mga oras na ito ay natatakot na siya sa aking awra, na siya namang dapat dahil sa kalokohan niya..
" Ano nanaman bang ginawa mo? " kunot-noong tanong ko't napakamot pa sa ulo dahil sa inis.
" Eh kasi... Inasar ako nung kaklase ko, wala raw akong tatay! Edi sabi ko nanay niya nga hindi siya mahal eh, tapos napikon ayun sinugod ako kaya sinapak ko. " sagot niya, halos tumulis pa ang nguso niya habang nagkukwento.
Napahawak na lamang ako sa sensido, dahil pakiramdam ko bumabalik sama ng pakiramdam ko na nararamdaman kanina kaya hindi ako nakapasok sa trabaho.
" Iwasan mong makipag-away! "
" Hindi naman ako nauna eh! Alangan namang ako ang magpasapak sakaniya? Self Defensive lang ang ginawa ko, ate! " sagot niya.
" Self Defense, hindi defensive. Umayos ka nga, pa-college ka na. " para akong mas napagod sa ginawa niyang kalokohan sa school kesa sa milagrong ginawa ko kanina sa lamesa.
" Hangga't maaari, iwasan mo na muna pwede? Andami mong record sa guidance! Mahihirapan kang makapasok sa college kung ganiyan ka, Seriah! " dagdag ko pa, napayuko ito at ngumuso kaya pagod ang mata kong inalis ang tingin sakaniya.
Wala namang masama kung ipinagtanggol niya lang ang sarili niya, ang kaso rito ay sana hindi niya nalang pinatulan dahil last week lang ay ipinatawag nanaman ako dahil sa tumatambay pa ito sa school kasama ang kaibigan kahit uwian na. Napipwerwisyo ang mga guard sakanila dahil nagtatago pa ito sa banyo o sa kung saan sa school kapag uwian na.
Gabi kasi ang uwi ko galing trabaho, kaya hindi ko nalalaman kung nakauwi na ba siyang maaga o nasa school pa't nakikipag hide and seek sa mga guard.
" Sorry. " aniya habang nakayuko, kaya naman binalingan ko siya nang tingin.
" Halika na, wag mo na uulitin. " inalo ko siya nang yakap, tumayo naman siya't pumunta sa aking kinaroroonan. Niyakap niya ako pabalik.
Kahit naman makulit ang kapatid ko ay hindi ko pa rin matitiis dahil siya nalang din naman ang mayroon ako, wala nang iba. Hangga't maaari pinaparamdam ko sakaniya ang pagmamahal dahil sa murang edad niya ay iba ang nakikita niya sa paligid lalo na sa pamilya namin.
" Hangga't maaari, umiwas ka muna sakanila. Naiintindihan mo ba ako? Last na tawag na ito sa akin, kapag ako pinatawag pa ulit wag ka na mag-aral, tumigil ka nalang. " agad naman siyang tumango at humiwalay sa akin ng yakap.
Babalik kami sa school ngayon, para harapin ang guidance. Panigurado kasing hindi makakapasok bukas ang kapatid ko kung hindi ako pupunta lalo pa't tumakas lang siya sa eskwela.
Idadahilan nalang muli namin ay pinuntahan niya ako sa bahay para sunduin, sakto namang masama ang pakiramdam ko kanina kaya isa nalang din sa idadahilan ko kung bakit ako sinundo ng kapatid ko.
Pero kahit hanggang sa tricycle ay bumubulong pa rin ang boses na narinig ko kanina mula sa cellphone ko, nagchat na rin ako kay Jerome pero wala pa ring reply na galing sakaniya kaya mas nababahala ako na may iba ngang tao kanina.