DARLING.
Tahimik akong nakaupo at kumakain habang nakatanaw sa labas kung saan nakikita ko nagtutumpukang mga tao, para silang mga langgam kung titignan habang andito sa pangalawang palapag nang Jollibee.
" Oh, umorder na rin akong dalawang kanin alam ko namang kulang sa iyo ang isa. " napangiti ako sa pagdating ng aking kaibigan na si Linda.
Siya na kasi ang umorder nitong kinakain ko ngayon. Sa katunayan nga'y libre niya pa ito sa akin, magkatrabaho kaming dalawa sa Baclaran. Parehas kaming sales lady kung saan nagtatrabaho kami sa chinese.
Hindi naman mataas ang sahod na nakukuha namin pero sapat na rin siguro ang 250 SA kada isang-araw, times mo pa ang 250 sa isang linggo, ayos na rin. Linggohan kasi ang sahod namin.
" Salamat, hindi 'to utang ah? " natatawa kong sambit at sinimulang kumain, ang sarap talagang kumain nang mga ganito kapag galing sa trabaho at pagod.
" May magagawa pa ba ako? Eh 'yung utang mo nga sa akin, parang binaon mo na sa limot eh. Lahat libre yata para sa'yo! " sagot naman niya.
" Alam mo namang may pinapaaral ako, 'diba? " tumango siya habang ngumunguya.
Totoo iyon, may pinapaaral akong kapatid. Senior High School na at pinagtatiyagaan ko nalang na makatapos, pa-college na siya kaya more tiyaga pa.
Wala naman na kasing ibang gagawa nun kundi ako lang, dahil kami nalang dalawang maggkapatid ang magkasama sa buhay. Si tatay ay may ibang pamilya na habang si nanay naman ay namayapa na.
Matapos mamatay ni nanay ay nag-asawa muli ang tatay, hindi namin nakayanan ng kapatid ko lalo pa't ubod ng sama ang bunbunan ng babae pati ng kaniyang mga anak sa unang asawa, kaya naman nagpasya ako na bumukod nalang kami ng kapatid ko at magtrabaho para may panggastos kami.
Halos mabaon pa nga ako sa utang, lalo na nung kakaalis lang namin sa bahay ng ' step mother ' kuno namin, jusko! Hindi ko masikmurang isipin na may second mother ako.
" Babayaran naman kita kapag nakaraos na ako. " dagdag ko pa at sumipsip ng Coke.
Pabiro niya akong inirapan. " Kailan naman kaya ang raos na 'yan? Last last year mo pa sinasabi 'yan, pero hanggang ngayon wala pa rin! Bakit hindi ka nalang mangano? "
Nangunot ang aking noo habang dahan-dahang inalis ang kutsarang nasa aking bibig dahil kakasubo ko lang ng kanin at maanghang na manok.
" Mangano? " takang-tanong ko, alam ko naman iyon.
Para bang subukan kong magkaroon ng amerikanong boyfriend, paano? Eh never nga akong nagkaroon ng nobyo, nagkakaroon man akong kalandian pero hindi umaabot sa puntong nagkakanobyo ako.
Nabuburyo na nga ako kakahintay na baka pumuti ang uwak at magkaroon naman akong relasyon para maranasan ko.
" Girl! Oo, ano ka ba naman? Ayun na ang uso ngayon, maghanap kang foreigner para may sugar daddy ka na. May pambayad ka na sa utang mo! " may sigla pa ang boses niya habang sinasabi iyon, palibhasa kasi ay may nobyo siyang kano.
Simangot kong tinignan ang pagkaing nasa plato ko at nilaro-laro ang manok gamit ang kutsarang hawak ko.
" Parang ang dali naman niyang pinapagawa mo sa'kin, kita mong walang sumubok maging girlfriend ako tapos gusto mo maghanap akong kano? " ngiwi kong tanong sakaniya at sumubo ng french fries.
" Malay mo naman? Sa kano pala talaga bagsak mo, 'diba? Who knows? " gumalaw pa paangat ang kaniyang dalawang balikat.
Bwesit kasi eh, bakit ba hindi ako nagkakaboyfriend? Sa ganitong edad kong bente-otso, nakakapag-asawa na. Pero ako, ito virgin na virgin pa rin, gusto ko rin maranasan 'no! Ayaw kong mamatay akong virgin at walang karanasan sa s*x life.
Mabuti pa nga itong si Linda, halos araw-araw nadidiligan. Naririndi na nga ako tuwing nagkukwento ito sa akin sa trabaho tungkol sa boyfriend niya at ginawa nila, minsan pa nga ay kinukwento niya kung paanong position nila ginawa.
" Sa tingin mo, bakit hindi pa rin ako nagkakaboyfriend? " tanong ko.
" Hindi ka siguro magaling humalik. " sagot niya habang ang tingin na ngayon ay nasa kaniyang cellphone.
Nangiti-ngiti na ang bruha habang kaharap ang cellphone, mukhang kausap niya ang boyfriend na foreigner kaya ganito na lamang siya ngayon kung umasta, parang akala mo hindi sila nagkakasama at walang nangyayari sakanila gabi-gabi.
Tss, minsan nga iniisip ko maghiwalay na sila eh. Para may karamay ako sa pagiging single kong 'to. Kainis!
" Required bang magaling humalik? " taas ang isa kong kilay habang sinasabi iyon.
Tumango siyang bongga. " Oo naman! Sa edad mong 'yan hindi ka parin marunong lumaplap? Yung bongga? Yung lalamatakin yung labi tska dila? " napangiwi ako sa sinabi niya.
Ang halay ng bibig nito.
Nakahalikan ko naman na noon ang ibang nakalandian ko, pero hindi umabot sa puntong nakipagsex ako o umabot sa puntong mapusok masyado, siguro isa 'yon sa dahilan kung bakit hindi sila tumatagal sa akin. Hindi ko kasi ibinibigay.
Paano ko naman kasi ibibigay? Kung hindi mabaho hininga, mabaho ang kili-kili. Sige nga, gaganahan ka bang makipag-s*x niyan?
" Retohan mo nalang kaya ako? Baka may tropa 'yang kano mo. " boring kong sabi at inabot ang ice cream para iyon naman ang kainin.
Uuwian ko nalang siguro si Seriah ng pagkain, para hindi na ako magluto pa pagkauwi't magpahinga nalang.
Kunot ang noo kong inangat ang tingin kay Linda nang pumalakpak ito, napatingin pa ang ibang kumakain sa amin dahil sakaniyang ginawa.
" Sasabihin ko nalang sa'yo kung anong app ang ginamit ko at nasungkit ko si Alero! Subukan mo ang Tinder app, maraming gwapo at masasarap na lalaki dun! " umiiling-iling pa ang ulo niya habang sinasabi iyon na para bang sabik na sabik siya.
" Tinder? " ngiwi kong tanong dahil hindi ko naman alam iyon, pinaikutan niya ako ng mata.
" Wala ka ba talagang alam sa mundo? Hello! Gen Z na oh, may Gen Alpha na nga eh. Pero wala ka pa rin sa uso. " tinuruto-turo niya pa ako gamit ang kaniyang hawak na kutsara.
" May download ka lang ng tinder, tapos may mga makakasalamuha ka ng mga daddy dun! Dating app iyon, trust me! Sobrang daming masasarap na lalaki dun! " bahagya pa siyang tumili ng ipit.
Effective naman ba kaya 'yon sa akin? Sana naman maayos at mabango, 'diba?
" Paano 'yon? " nilabas ko ang aking cellphone na luma pa, dating samsung pa ito. Hindi pa kasi ako nakakabiling bago dahil wala ngang pambayad sa utang, makakabili pa kaya akong cellphone.
Binuksan ko ang play store at sinimulang i-download ang sinasabi niyang dating app, ipinakita ko sakaniya ang cellphone para ituro niya sa akin kung paano ba ginagawa ang sinasabi niya.
" Lagyan mo profile picture, yung bongga. Kung pwedeng labas suso, gawin mo! " nangunot ang noo kong tinignan siya pero tumaas lang ang isa niyang kilay.
" Gawin mo nalang kung anong sinasabi ko, pwede? Hindi 'yong titignan mo pa akong ganiyan, para rin naman sa'yo 'tong ginagawa ko. " bumuntong-hininga ako, dahil tama naman siya.
Gusto ko 'to, kaya dapat makinig ako sa mas maraming karanasan sa love life at syempre sa s*x life.
" Paano? Wala akong picture na pa-sexy? " nanlilisik ang matang inagaw niya sa akin ang phone ko at sinipat ang mga litratong andun.
" Tangina? Anong klaseng picture 'to? Ang jejemon naman! " para bang nandidiri pa siya sa nakita.
Bakit ba? Eh sa ganiyan ako magpicture eh, may pa flower pa akong korona sa picture, minsan nakapeace, ang iba naman napanguso at malapit ang mukha sa camera. Ang ibang litrato ay picture na namin ni Seriah—ang kapatid ko.
" Sa susunod, magpipicture kang pang bold star! Kaya naman pala sa edad mong 'yan wala ka pang nagiging boyfriend dahil ang kikay kikay mo. " dagdag pa niya bago tumayo, gulat akong napatingin sakaniya nang i-umbok niya ang suso ko pataas at inipit iyon.
Inabot niya sa akin ang cellphone, nagpalinga-linga ako ng tingin sa mga taong nakain din, dahil baka may nakakakita sa amin. Mabuti na lamang at kaunti lamang ang kumakain sa pangalawang palapag nitong Jollibee at ang busy pa sila sa kani-kanilang ginagawa.
" Hoy ano ba?! " inis kong singhal dahil nakakahiya ang kaniyang ginawa.
" Ayan! Sige, magpicture ka ngayon. Gandahan mo! " utos pa niya kaya alanganin kong binuksan ang camera ko at nagpose nang nakapeace pero agad niyang tinapik ang aking kamay.
" Tanga, hindi ganiyan! Magpasarap ka! " saway niya.
" Paano ba? "
" Suklayin mo buhok mo papunta sa kabilang gilid gamit ang daliri tapos fierce lang! Pagtapos subukan mo naman yung kagat-labi, tapos subukan mo rin yung kagat mo ang daliring hintuturo! " sagot niya, kita ko ang stress sa mukha niya dahil sa ginagawa ko.
Kaya naman bago pa maubos ang kaniyang pasensya, ginawa ko ang gusto niya. May pagkakataon pang sinasaway niya ako ulit dahil hindi ko makuha, pero kalaunan naging maayos naman at nakapaglagay ako ng profile picture sa Tinder.
Ang ganda kong tignan...
Natapos ang pagkain at kwentohan namin dahil anong oras na't kailangan ko na ring umuwi, mabuti nalang at libre niya na sa akin ang kinain kanina kaya ang natira kong pera rito ay ang pinambili kong pagkain ni Seriah.
" Ate, hina-hunting na ako ni ate paying dun sa utang. " rinig kong sambit ng kapatid ko.
Nasa maliit na sala kaming dalawa, nakain siya habang ako naman ay naglalagay ng make up sa mukha.
" Harapin mo nalang, sabihin mo sa susunod ay magbabayad na tayo " sagot ko at pinagpatuloy ang ginagawa sa harapan ng maliit na bilog na salamin.
" Pang-ilang susunod na ba natin 'yan, ate? Baka sa susunod ipareklamo niya na tayo sa barangay! Tska ano ba 'yang ginagawa mo? Bakit nagpapasexy ka dyan sa salamin? Walang lalaki dyan! " agad na dinampot ko ang suklay na ginamit at binato iyon sa magaling kong kapatid.
Inaasar nanaman ako nito dahil sa pagiging single ko.
Hindi ko itatangging matagal na ang utang namin kay ate paying, 3k iyon pero hindi ko agad mabayaran dahil sakto lang ang sinasahod ko sa panggastos namin ng kapatid ko rito sa bahay.
" Tigilan mo nga ako! Sunod ka sa yapak ko. " sagot ko at nagpalit ng damit na sando kung saan nakikita ang hubog ng aking dibdib.
Isa ito sa kagandahan sa akin dahil literal na malusog ang aking dibdib.
" Ang halay mong tignan, ate. Ano ba talaga ang gagawin mo? Wag mo sabihin magtatry ka na sa bar? " aniya, nang matapos akong mag-ayos ay nilapitan ko siya't mahinang piningot ang tenga.
" Para magkaboyfriend na ako, may nirecommend sa akin si Linda na dating app. Maraming foreigner, malay mo umasenso na tayo sa gagawin ko, 'diba? " kumindat pa ako sakaniya bago harapin ang cellphone ko.
Wala naman na akong nakuhang sagot mula sa aking kapatid dahil inalisan niya na ako, kaya sinimulan kong magpicture, gaya nang bilin ni Linda. Magpasarap lamang ako, kaya ginagawa ko ngayon.
Maganda naman ako, pero hindi ko alam ang rason kung bakit hindi ako magkaboyfriend at hindi nagtatagal ang ibang nakakalandian.
Sayang nga iyong kalandian ko noon na gwapo't mayaman, kaso biglang nausog.
Baka ito na ang maging way para mahanap ko ang para sa akin, para hindi na dumadating sa puntong nagsasarili ako dahil walang gumagawa nun para sa akin.