Marco's POV Pagkalabas namin ng apartment, naglakad kami ni Lucas patungo sa aming sasakyan. Mahirap na ang sitwasyon, at ang nararamdaman ko, parang ang buong mundo ay nagiging madilim. Hindi ko na alam kung anong magiging susunod na hakbang. Ang mga kaso ng nawawalang babae ay tila lumalala, at ngayon, parang wala na kaming makuhang lead. Wala ni isa sa kanila ang natagpuan. Bawat araw ay nadadagdagan ang takot ko, at sa bawat hakbang, parang mas lumalalim ang aming pag-aalala. “Marco,” sabi ni Lucas habang binabaybay namin ang kalsada. “Laging may nangyayaring krimen. Yung mga babaing nawawala… pa'no na tayo ngayon?” Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Hindi natin alam kung ano ang nangyayari sa mga babaing nawawala, Lucas. Pero kahit anong mangyari, kailangan nating protek

