MARCO’S POV Agad kong pinihit ang doorknob at nagulantang sa aking nasaksihan. “Mirana!” tumakbo ako papunta sa direksyon niya. Hubo’t hubad siyang nakahandalusay sa sahig, agad naman akong kumha ng kumot at ibinalot agad sa kanyang katawan at agad siyang kinarga, I should take her to the hospital. Namumuo na ang mga pawis sa aking noo at walang humpay na dasal at kaba ang nararamdama ko ngayon. “f**k! No, no no please not now,” naiiyak kong saad habang karga karga siya pababa sa hagdan. Nagkukumahog akong kinuha ang susi ng sasakyan, mabuti nalang at nakita ko ito agad. I quickly took her to the back and lay her down slowly and quickly turned to the driver’s seat and entered. Nanginginig ang aking mga kamay, at hindi ko maipasok pasok ang susi upang mapatakbo na agad ang sasakyan.

