ANG NAKARAAN #2

1231 Words
PANAY ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila? "Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol. "Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan." "Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie. "Opo. Handa naman po akong mag-antay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kaniya at paminsan-minsan ay akbay. "Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda. Nagkatinginan sila ni Andy. Tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya. At 'di na rin tumutol si Aling Yolanda nang sabihin ni Andy na rito na sa bahay nila siya titira. Mas mainam kasi raw ang pagbubuntis ng isang babae na kaagapay o katulongan nito ang asawa. "Yolly, antagal mo naman diyan?" untag sa kaniya na katok na ni Andy sa pinto ng banyo. Lalong nenerbyos siya. Kanina pa siya tapos maligo. At sampung beses na yata siyang nag-toothbrush pero wala pa rin kasi siyang lakas ng loob na lumabas. 'Yung ginawa niyang kapangasahan noon na siya pa ang pumunta sa silid ni Andy para maganap ang hindi dapat maganap, sa totoo lang hindi niya alam paano niya nagawa iyon noon. Kapag naiisip nga niya iyon ay namumula ang magkabilang pisngi niya. Lingid sa kaalaman ni Yolly ay kung gaano ang nerbyos niya na nasa banyo ay ganundin naman si Andy. Hindi rin mapakali ang binata. Andyan 'yung sasampa ito sa kama at magtulog-tulugan. Pero babangon din naman ulit tapos patingin-tingin sa banyo. Paulit-ulit. Minsan ay mapapansin din nito 'yung ano nito (alam niyo na) at aayusin nito iyon. Paano sobrang ano na n'yon. Tapos ay magpra-practice ito sa unan. Ganoon... ganyan. Aahhh basta! Mas excited pa ito talaga! Nag-gargle na naman si Yolly at sinipat ang mukha sa salamin. "God, help me po," ta's aniya na bahagyang nasasampal-sampal ang magkabilang pisngi at parang maiiyak. Para siyang virgin, eh, hindi naman na. Hay! "Yolly, okay ka lang ba riyan?" Katok na naman sa kanya ni Andy. Napakagat ng labi siya. Anong gagawin niya?! Siguradong... siguradong... waaaahhh!! Saglit ay nagkibit-balikat siya. Kung sabagay, gusto niya ulit iyong maranasan. Ang sarap kaya n'on. Ipokrita na siya kung sasabihin niyang hindi. Actually, miss na nga niya 'yon, eh. "Yolly?!" Medyo nakaramdam na ng pag-aalala si Andy. Mag-iisang oras na kasi si Yolly sa banyo, baka may nangyari na sa dalaga na 'di maganda. "Yolly, sumagot ka naman? Are you okay?" Kaso wala pa ring sumasagot. Kaya tatadyakan na sana nito ang pinto. "Aaayyy!" Subalit saktong pagbukas naman ng pinto kaya gulat na gulat si Yolly. Naka-ninja posing kasi si Andy. Anyare? Mabilis na inayos ni Andy ang sarili. Simpleng kamot ito sa ulo. Pahiya siya ro'n, ah! Hindi nagtagal ay namangha na ito sa hitsura ngayon ni Yolly. Ang ganda kasi ni Yolly sa damit nitong pantulog. 'Yung manipis na pantulog. Lalo tuloy itong nag-init. Wew! "Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Yolly sa nakita niyang hitsura ni Andy kanina. "Ah.. eh.. W-wala! Nag-i-istretching lang! Nag-i-exercise!" palusot ni Andy. At para mas makatutuhanan ay nag-push-up ito. Nakusot ang mukha ni Yolly. Exercise bago matulog!? May ganern?! "Hindi mo pa kasi ako kilala masyado, pero ngayon makikilala mo na ako kasi asawa na kita!" Tumayo na si Andy at pa-cute na nginitian siya. "Ganoon ba? Sabi mo, eh!" Ngiwing saad niya at humakbang na patungong kama. Pero hindi siya muna humiga, umupo muna siya sa gilid ng kama. Sussme! 'Yung kaba niya sa dibdib lalong lumala! Para nang tinatambol ang kanyang dibdib! "Yolly?" Umupo rin sa kabilang side si Andy.  Magkatalikod silang dalawa. Nagkakahiyaan. Napapikit nang mariin si Yolly. Akala kasi niya ay nakatingin sa kanya si Andy. Hala! Heto na! Isusuko na naman niya ang Bataan! Gosh! "Yolly? Uhmmmm.. A-ayaw mo pang matulog?" ani Andy. Ang lamya ng boses nito. 'Di niya alam kung nang-aakit o ano. Jusko! Napakapit pa nang mariin sa kanyang kinauupuan siya. At napalunok. "I-ikaw?! Antok ka na ba?" "Hindi pa naman." Kumilos si Andy. Tumingin ito kay Yolly. Gustong-gusto na nitong yakapin ang dalaga. "K-kwentohan muna tayo?" sabi ni Yolly na lumingon na rin sa binata. At nagtama na nga ang malalamlam nilang mga mata. Matagal muna ang titigin nilang iyon bago kumilos si Andy. Sumampa na ito sa kama at marahang lumapit sa kanya. "Yolly?" "A-andy?!" Wala nang sali-salita ay binagtas na nga ni Andy ang pagitan ng mga labi nila. Ang una'y nagkakahiyan pa ng halik. Dampi-dampi lang, pero sa huli ay may pananabik na iyon. Madiin, maalab hanggang sa napakayakap na sila isa't isa at napunta sa ilang ulit na pagniniig. Sinulit nila ang ilang buwan na 'di nila pagkikita. As in sagad, hindi nagtigil hangga't hindi naubuson ng kapwa lakas. At halos araw-araw ganoon sila. Wala silang kasawaan. Mahal nila ang isa't isa, eh. Kaya naman nang magpa-ultra sound si Yolly ay gulat na gulat silang lahat. "Hindi lang po isa, hindi lang din dalawa ang baby na nasa sinapupunan mo, Misis," panimula ng duktora. Tinginan silang apat. Sumama rin kasi sina Aling Yolanda at Madam Angie sa kanila. Ayaw mga magpatalo na malaman kung ano ang gender ng kanilang magiging apo. "Ilan po?" takang tanong ni Yolly. Ngumiti muna ng duktora bago ito sumagot. "Tatlo po. Triplets po ang magiging anak mo, Misis. At puros sila babae. Congratulations." Nga lang ay parang natulala na ang lahat sa balitang iyon. Imbes na ngumiti ay napanganga silang lahat. Si Yolly na kinamayan ng duktora ay umasim ang kanyang mukha. Tatlo talaga? E'di wow! Pero saglit lang ay natuwa naman na sila. "Tatlo agad?! Ay ang galing!" Excited nang hinawakan ni Madam Angie ang umumbok nang tiyan ni Yolly. Ngayon alam na nila bakit bigla na lang lumubo ang tiyan niya na aakaling seven months na, eh, magfo-four months pa lang naman. "Ang galing ko naman! Three points agad!" pagyayabang naman na ni Andy. "Itatawag ko agad sa tatay mo 'to, Anak." Tuwang-tuwa namang wika ni Aling Yolanda na agad nag-dial sa cell phone nito. Masaya sila para sa triplets baby maliban sa kaniya. Nangangamba kasi siya. "Doc, kakayanin ko ba sila?" "Oo naman. Huwag mo lang pababayaan ang sarili mo dahil masilan 'yan. But don't worry nandito kami para sa'yo," nakangiting sagot sa kanya ng duktora. "Yolly, ano ka ba? Tama si Doc, nandito naman kami kaya natin 'yan?" pampalakas-loob ni Andy sa kaniya. "Oo nga, Anak. Huwag kang mag-alala. Tapos uuwi pa ang tatay mo, oh, e'di mas dadami pa ang mag-aalaga sa'yo," sabi rin ni Aling Yolanda sabay hawak nito sa isang kamay niya. Kahit paano ay lumakas na ang loob ni Yolly. Napangiti na siya. "Akong bahala sa'yo. Sisiguraduhin kong maganda ka pa rin kapag mas lumaki pa ang tiyan mo," sabi naman ni Madam Angie. "Mom, naman!" saway ni Andy sa ina. 'Yon pa rin ang laging hirit, eh. Ay naku! Wala naman dito kung ano ang magiging hitsura ni Yolly. Minahal nga nito noon si Yolly sa kabila ng hitsura ni Yolly, eh, ngayon pa kaya? SUBALIT, makalipas ang three months ay bumundat na ang tiyan ni Yolly ay iba na ang reaksyon sa mukha ni Andy 'pag nakikita niya si Yolly. Paano'y grabe! Grabe talaga sa laki ng tiyan ni Yolly! "Yaya, penge po ng juice? Isang pitsel po," utos ni Yolly kay Yaya Chadeng. Nakangiwing tumingin siya kay Yaya Chadeng. "Yaya, huwag na." "Andy, uhaw pa ako," kaso ay lambing ni Yolly sa kanya. Kamot sa ulo niyang tumingin kay Yaya Chadeng. "Sige po kuhanan niyo na." "Ya, damihan mo ng yelo po, hah?" dagdag request pa ni Yolly. Dumating si Madam Angie mula sa mga negosyo. At narinig nito iyon. Sinenyasan nito si Andy na lumapit sa kanya. "Ba't hindi mo pinipigalan ang asawa mo?" "Eh, Mom--" Ngiwing kamot sa ulo si Andy. Grabe, grabe kasi sa lamon si Yolly kaya grabe na ang nilaki nito, lalo na ang tiyan. "Siya rin mahihirapan niyan. Alam mo 'yon," nag-aalalang sabi pa ni Madam Angie. At hindi nga nagkamali si Madam Angie dahil no'ng nanganak si Yolly ay hirap na hirap nga siya. "Walangya ka, Andy! Mapapatay kita! Waaaaaaahhhhhhhhh!" paulit-ulit na sigaw niya habang nagle-labor. "Ang libog mo kasi!!!!!!" Pero awa ng Diyos nakaraos naman siya sa pamamagitan ng CS. Pinangalanan niya ang tatlong baby girl nila ng Princess, Anne at Yvette. Mula sa nabasa niyang story noon sa w*****d?! .......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD